Sa may kanto kami naghintay ng jeep . Mula sa bahay nina Nel 100 meters ang layo nito sa highway .
Ang saya - saya ko habang naglalakad kami. Imagine , para akong tumama ng sweepstake, all is free :-) !
Nakasakay na kami ng jeep .
" Nel , ikaw na ang bahala sa ticket niyan ha ." Sabi ni Gary kay Nel.
" Kami na ni Glenda sa pamasahe at snack ." Dugtong pa nito.
" Sure ka ? Ok. " sagot ni Nel.
Katabi ko si Nel sa upuan sa jeep then si Gary , at Glenda.
" Nel , ikaw na lang sa snack, kasi ang kuripot niyang si Gary baka bilhan ako isang biscuit lang . Sige na...pleaseee...! " habang hawak hawak ko ang kaliwang braso niya at pinipisil pisil.
" Gary kayo na lang daw sa ticket , ako na sa snack ." Pakiusap ni Nel.
" Nope. " maiksing tugon nito.Paraaaaaa....
At bumaba na kami sa kabayanan.
Inikot muna namin ang mga sinehan upang tingnan kung ano ang magandang panoorin." Ito , ito maganda ito, nakakakilig yan. " turo ko sa isang bold film.
" Hey , Yel will you please behave ! " pagsusungit ni Gary.
" Yel, hayan ka na naman... hindi ka dapat nanonood ng ganyan at di tayo pwede diyan, FOR ADULTS ONLY di mo ba nabasa." Paliwanag ni Nel.
" Yel , bata ka pa , hindi ka dapat nanonood ng ganyang movie ." Pahabol na sabi ni Glenda.
" Bakit ? Masama ba ? Sa pop ed ( population education ) nga pinag aaralan namin niyan. At sinasabing diretso ang mga words, parehas lang yan." Pagmamatigas ko.
" Yel pag di ka pa tumigil , uuwi na tayo at isusumbong kita kay Auntie." Pananakot ni Gary.
" At darating si uncle ngayon , lagot ka ." Dugtong pa nito.Lumapit ako sa kanya at niyakap ko ang kanang kamay ni Gary.
" Ok. Pero bilhan mo ako ng masarap na snack ha. I like double cheeseburger at very cold pepsi ." Paglalambing ko.
Biglang nangiti si Gary at
" Oo na , sige na , panalo ka na !"
" YES ! " malakas kong sigaw na ikinatingin ng ibang tao na nasa paligid.
Nagtawanan na lang sila Gary , Nel at Glenda.
Pero wala akong pakialam, basta ang alam ko masaya ako .
Papasok na kami ng sinehan.. Isang science fiction ang pinanood namin.
" Yel huwag kang hihiwalay sa amin, Nel alalayan mo yan ha." Utos ni Gary habang hawak niya sa kamay si Glenda.Sa sarili ko lang...
" Kunwari pa itong Garing ito na di nililigawan si Glenda, samantalang panay ang pag aalala dito at ako naman lagi niyang pinagagalitan ,hhhmmmppp...orocan talaga ito. At ito namang Glenda kung makangiti wagas, ngiti lang e. Litaw na lahat ang gilagid. Mas maganda naman akong di hamak sa kanya at alam ni Gary na crush ko siya bakit ayaw niya ako at bestfriend lang ang turing niya sa akin o kapatid...
Haaaiiissss....kakainis. "Dahil sa pag - iisip ko ng kung anu ano di ko namalayan na mataas ang susunod na step kaya
" Arrraaayyy koooo." Sigaw ko sa loob ng sinehan at lahat ng tao binulyawan ako.SSSHHHHH....
HOY , WAG KANG MAINGAY.
TATANGA TANGA KASI
HAHAHAHA...Yan ang mga narinig ko.
Paano po nadapa ako buti hawak ni Nel ang kamay ko." Yel ok ka lang ?" Pag aalala ni Nel.
" Ok lang yan, tol . Nakatayo pa e ! " ang walang pakialam na si Gary.
" Thanks Nel , ok lang ako pero masakit , tinamaan ang buto ko sa binti . " sagot ko na iika ikang humakbang ulit paakyat hanggang makaupo kami.
Naunang naupo papasok si Glenda , then si Gary , ako at si Nel.
" Ipagitna natin yan Nel baka mawala yan" bulong ni Gary.
" Ano namang palagay mo sa akin hhmpp." Napalakas na naman ang boses ko kaya,Sssshhhhhhh.....
Na naman ang mga tao." Akin na ang snack ko ." Bulong ko kay Gary.
Ibinigay naman nito at di maabala sa pinapanood habang nakaakbay pa kay Glenda.
Inakbayan ko din siya...
" Yel , ano ba ." Singhal nito. Ngunit mahina.
" Ako na lang aakbay sayo ." At inakbayan ako ni Nel.
Dahil hindi ko gusto ang pinapanood namin matapos kong kainin ang snack ko nakatulog lang ako na nakahilig sa dibdib ni Nel habang nakaakbay siya sa akin.
Nagising na lang ako na sa dibdib na ni Gary nakahilig.
Nagtataka ako pero mamaya na ako magtatanong sa dalawang mokong na ito.