Marriage Proposal

18 0 0
                                    

" Will you marry me babe ? Can you be my wife ?" Si Nel habang nakaluhod sa harap ko.

Hindi ako makasagot dahil nabigla, nashock, nasorpresa talaga ako. Marriage Proposal , agad - agad ! Hindi ko alam ang isasagot pero sa tutoo lang hindi pa ako handa. Marami pa akong gustong marating sa career ko. At ang puso ko naguguluhan pa. Oo mahal ko si Nel pero isinisigaw pa din nito si Gary.

" Babe tumayo ka nga muna diyan ." At hinawakan ko ang kamay niya habang umupo sa tabi ko.
" Babe , hindi mo nagustuhan ang sorpresa ko ?" Pagtatampo nito.
" Ofcourse Babe natuwa ako . Pero..." halos walang lumabas sa bibig ko na salita.
" Pero ano babe ? " tanong ni Nel na bakas sa mukha ang pag - aalala.
" Babe , hindi ba it's too early for marriage ? We talked about it. Magiipon muna tayo for our future di ba ? At we had just started with our careers. Hindi ba mas maganda kung we are both settled ." Sa wakas sunud-sunod na mga salitang lumabas sa bibig ko.
" Babe ,I love you so much at ayokong mawala ka sa akin , kaya nag propose ako ng marriage. Gusto na kitang makasama sa iisang bubong. Ewan ko babe , yes , we talked about it pero nakakaramdam ako ng takot na mawala ka sa akin. " seryosong sabi ni Nel.
" Sssshhhh..." at tinikom ko ng daliri ko ang bibig ni Nel.
" Babe , I love you too. Hindi ako mawawala sayo. So huwag nating madaliin." Assurance ko sa kanya.

Isinara ni Nel ang box ng sing-sing. At nagpaalam na.

" Ok I understand , sige na magpahinga ka na , I know how tired you are sa biyahe." Tumayo na ito at hinalikan ako sa noo.

Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit dahil ramdam ko ang lungkot na nararamdaman niya.

" Babe , I'm sorry ." Habang pinisil ko ang palad niya.

Ngumiti lang siya at umalis na.

Ng makaalis si Nel, halos hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Tumulo ang luha ko. Anong magagawa ko kung hindi pa ako handa. Alam ko nasaktan ko ang damdamin ni Nel.

The next day , maaga akong nagising. Ako ang naghanda ng breakfast namin ni mommy.
" Ang aga mong nakaluto Yel." Si mommy na nakabihis na patungong Batangas.
" Good morning mom. Magbreakfast ka muna po bago ka bumiyahe." Paanyaya ko kay mommy.

Habang sabay kaming nag almusal ;

" Yel hindi ka ba nakatulog kagabi ? Bakit mugto ang mga mata mo ? Nag -away ba kayo ni Nel ? " sunud - sunod na tanong ni mommy.

Ikinuwento ko kay mommy ang Marriage Proposal ni Nel.

" Oh, that's great ! Ibig sabihin anak tutoo siya sayo. But....kung hindi ka pa naman handa huwag ninyong pilitin.. at tama ka na dapat you are both settled. Hay , iha maaayos din yan. Hindi mo maialis sa kanya na magtampo so unawain mo din siya ok." At niyakap ako ni mommy.
" Thanks mom. At ingat ka sa biyahe , give my hug and kisses to daddy." Habilin ko kay mommy.
" Yes , I will." At tumayo na si mommy para maghanda sa pag -alis.

Pagkaalis ni mommy, iniligpit ko na ang lahat ng pinagkainan namin at hinugasan at dahil 4:15 pa lang ng madaling araw , nahiga muna ako sa sofa. Duon ako nakatulog.

" Gary , anong ginagawa mo dito ?"
"Yel miss na miss kita ." Niyakap at pinaghahalikan ako ni Gary.
" No, hindi tama ito , baka makita tayo ni Glenda at anong isipin niya."
" I don't care , ang alam ko mahal kita Yel ." At siniil niya ako ng halik, mainit na halik. Napayakap ako sa kanya.
" Babe ! " pasigaw na tinig ni Nel na ikinagulat namin ni Gary.
" Kaya ba ayaw mong magpakasal sa akin , dahil dito !!! " galit na tinig ni Nel at susuntukin niya si Gary.

Duon ako nagising,
" Oh my Gosh ! What a bad dream ! " at ng tingnan ko ang oras past 11 na, almost lunch time na pala.
Kumuha ako ng tubig sa kitchen dahil parang pagod na pagod ako sa panaginip kong yun na parang tutoo talaga.
At tiningnan ko din ang cellphone ko 12 missed calls from Nel.

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon