Ash's POV
Nakakapagod din palang maging tagapagtakip-butas nila. Pano ba kasi lagi nalang.
"Hoy Ash! Ash!!"-Leo
Ayan na naman. Siguradong may ipapagawa na naman yan, lagi naman eh.
Basta ang gawin mo lang Ash ay huwag kang lilingon. Oo, hindi ka lilingon. Bibilisan mo lang ang paglalakad.
"Ash! Hooy! Hintaaay!"
Sige Ash, ipagpatuloy mo lang ang paglalakad. Ayaw mo naman sigurong masali sa kalokohan nila diba.
"Hooooy!"
Aish! Naabutan pa ako!
"Iniiwasan mo ba ako?"-Leo
"Ha? Ako? Ah-h d-i no. Bakit naman kita iiwasan?"- ako
Sge magsinungaling ka pa.
"Bakit, may kailangan ka ba?"-ako
Tss. Ash? Tinanong mo pa talaga ah?
"Ah wala"-Leo
Hay akala ko pa naman pupunta na naman siya sa Switcher Fae School. Dun nag aaral ang mga babae.
Ang mga babae dito ay tinatawag na Fae. Ang mga lalaki naman ay tinatawag na Zae.
"Bakit ka nandito?"-ako
Weird naman siguro kung lalapitan niya ako na wala siyang ipapagawa.
"Ah. Oo nga pala. Di mo pa ba alam? Pinapunta tayo ng reyna sa palasyo"-Leo
"Ha? Palasyo? Bakit naman?"-ako
Ang alam ko kasi pinapapunta lamang ng reyna ang mga diyos o mag aaral sa palasyo pag may mahalagang ipagagawa o mensahe. Minsan naman ay para sa sekretong mission.
"Ay abay di ko nga rin alam. Kaya tayo na upang malaman natin"-Leo
Grey's POV
Ano kayang meron at bakit kami ipinatawag ng reyna? Para lang ba kaya to sa school? O para sa training namin. Pero iba eh, masyadong seryoso ang mukha ni Cedrick.
"Uy guys? Nandito rin pala kayo? Anong meron?"-Leo.
Kahit kailan maingay tong isang to. Oo aaminin ko minsa tuso rin ako pero mabait din naman ako no.
"Hindi rin namin alam"-ako
"Uy kumpleto rin pala tayo no?"-Ash
"Pwede bang tumahimik?"-Ice
Sa aming lima, si Ice ang pinaka masungit. Kaya siguro Ice ang pangalan niya.
"Salamat at pinagbigyan niyo ang aking panawagan"-reyna
Yumuko kaming lima upang magpakitang galang sa reyna.
"Yumao kayo, pinatawag ko kayo ngayon ay para sa isang napakahalagang mensahe"-Reyna
Mensahe? Hmm nakakapanindig balahibo.
"Menshae? Para san po mahal na reyna?"-tanong ni Leo
"Nakakagulat ang mensaheng ito at kahit ako ay hindi makapaniwala. Nalaman ko na lang mula kay Cedrick ang isang napakalaking balita na magbabagi sa paniniwala nating lahat"-reyna
"Hindi ko po maintindihan mahal na reyna"-ako
"Alam ko mahirap itong intindihin kaya si Cedrick na ang magpapaliwanag. Cedrick?"-reyna
Lumapit si Maestro sa gitna at nagbigay galang sa reyna.
"Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanila"-reyna
"Opo, mahal na reyna"-Maestro
"Ano po bang nagyayari Maestro?"-Leo
"Oo nga. Ang labo eh"-Ash
"Tsk. Tumahimik nga kayo upang maintindihan niyo huwag kayong maingay. Dagdag problema kayo eh"-Ice
"Ito naman. Nagtatanong lang eh"-Leo
Hay naku. Ang kulit nila. Ganito talaga sila araw-araw. May makulit, pikon. Haaaaay nakooo!
"Kaya nga kayo pinatawag dito diba? Upang malaman ang isang maganda at tila masamang balita"-Maestro
Ano? Maganda? Masama? Pano kaya nangyari yun? Hay habang tumatagal lumalabo ang mganagyayari.
"Ang maganda, nalaman namin kung saan ang prinsesa"-Maestro
"Ha? Masaya nga yan. Ano pang hinihintay natin? Tayo na at kumilos."-Leo
"Will you shut up o kahit minsan o kahit ngayon lang?-Ice
"Yun nga eh. Ang problema"-Maestro
"Paano naging problema yun? Eh nalaman niyo na?"-Ash
"Ang problema. Nasa mundo siya ng mga tao"-Maestro
"TAO!"-Ako, Ash, Ice
O_O-Storm
"Exciting! Ano kayang itsura nila? Apat kaya ang paa nila? O baka naman may mataas silang buntot? O di kaya mahahaba ang tenga nila? Baka naman.. Ahhhh! Hindi lang sana sila nangangain ng Switcher"-Leo
-------------------------
A/NHi dear readers :) patuloy lang po kayong magbasa :) please vote and comment para may gana kaming mag update. Hope you'll enjoy xoxo
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasiaAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...