Cedrick's POV
"Mahal na reyna nandito si Palama." Pagpapaalam ko sa reyna.
"Mahal na reyna.. kumusta balita ko nandito na ang prinsesa. Nararamdaman ko." sabi ni Palama. Siya ay isang kalahating palaka at kalahating Zae. Sa lahat ng nilalang sa Switcher siya ang nakakaalam ng halos lahat ng nangyayari maliban sa isang diwatang sakim.
"Palama.. anong dahilan mo at nagpunta ka pa sa palasyo?" tanong ng reyna.
" Isang nakakabahalang pangitain ang aking nasilayan."
"Nakakabahala? Halika dun tayo." Sinundan ko sila upang marinig ang balitang iyon.
"Nagpakita sa aking panaginip si Rubekka mahal na reyna" si Rubekka?
"May binanggit ba siya?Ang crystal nasabi ba niya kung nasaan?" tanong ko.
"Ang crystal ay nasa loob ng palace town. Nasa kamay ito ng isang di inaasahang Switcher." Di inaasahan?
"Kung ganun ano ang nakakabahala dun?" tanong ng reyna.
"Ang diwata ng mga espirito."
"Bakit? Nagbalik ba siya?" tanong ko.
"Kailan man hindi siya nawala. Kasabay ng paglabas ng bagong yugto siyay kasama na ng hindi inaasahang Switcher."sagot niya.
"Nais niya ang Crystal. Nais niyang bumalik sa buhay at habang tumatagal lalong nagiging isa silang dalawa. " ang diwata ng mga espirito ay isang nilalang na hindi pwedeng pagkatiwalaan. Minsan na niyang tinukso ang palace keeper noon upang makuha lamang ang crystal.
"Anong makakapigil sa kanya?" tanong ko.
"Hindi na niya nasabi. Ngunit!... nararamdaman ko. Tadhana'y gagawa ng paraan upang sila'y pagtagpuin. Kapangyariha'y mananaig sa puso't isipan. Alam niya kung paano ito mapipigilan ng hindi nalalaman." Hindi ko maintindihan.
"Pero sino ang Switcher na ito? Nasa kanya ang crystal at pagnalaman ng mga Wizard ito.. lalo siyang mapapahamak." Sabi ko.
"Siya'y makikilala sa isang napakahalagang okasyon. Kung kailan... mahal na reyna?" hinawakan niya ang kamay ng reyna at hinalikan ito.
"Malapit na at magsasama na kayo. Mauna na ako." Sabi niya at umalis na. Hindi man lang nagdalawang isip lumingon.
"Mukhang wala tayong magagawa kundi hintayin ang araw na iyon Cedrick." Sabi ng reyna.
"Mahal na reyna. Hindi kaya mas lalong malagay sa panganib ang Switcher na iyon?" tanong ko.
"Wag kang mag-alala Cedrick. Kapalaran ang gumagawa ng paraan." Siguro nga. Sana lamang ay hindi kayo talikuran ng tadhanang inaasahan niyo.
Chriveane's POV
Papunta ako ngayon sa palasyo. Manghihiram ako ng libro. Naisipan ko kasing magbasa. Sabi ng reyna ayos lang daw kung maglabas pasok ako sa palasyo. Mahalagang panauhin nila ako. Ang galing no?
Sa paglalakad ko naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Madalas na akong sinusumpong ng sakit kong to. Sakit ba to? Sa bukid ko madalas nagigising nalang ako na nasa bukirin na. Ang dumi-dumi ko pa. Ano yun? Nagsasaka ako sa gitna ng gabi? Habang tulog? Kaya siguro ang ganda ng mga pananim ko.
"Sa wakas at nakita rin kita"
"Po? Waa!!!!" nagulat ako sa nagsalita. Ano ba siya?! Palakang tao? Palaka ang mga paa niya ngunit anyong tao ang sa itaas.
"Wag kang matakot. Suportado ka ng kapalaran."
"Po?" yumuko lamang siya at umalis na. Ano bang pinagsasabi niya?Wait lang ha. Palaka siya. Palaka! Marami ba talagang weird sa lugar nato?
Dumiritso na ako sa palace library. Grabe ang laki dito. Saan ba ako magsisimula sa pagbabasa? Siguro sa history? Ano namang paki ko sa history nila?
"Magandang magbasa sa mga panahong ito. Anong gusto mong basahin?" hinanap ko kung sinong nagsalita. Sigurado akong may nagsalita kanina. Pero wala na namang tao dito. Meron ba talaga?
"May deperensiya na ata ako sa pandinig." Sabi ko.
"Bakit? Akala mo ba hindi ako totoo?"
"Ayan na naman. May nagsasalita na naman."
"Nandito ako sa harap mo." Tiningnan ko ang librarian desk. Anong?
"Oud?" mahina kong sabi na medyo nabigla na hindi ko maipaliwanag ang reaksiyon ko. May maliit na mesa din siya don. Anong klaseng oud to? Nagsusuot pa ng salamin.
"Ehem. Ako ang librarian. Anong kailangan mo?"
"Sorry. Ano kasi. Gusto kong matuto sa ilang mga di gaanung mabigat na impormasyon tungkol sa Switcher world."
"Kung ako ang tatanungin magsimula ka sa history ng mundong ito. Tagalupa."
"Alam mo?"
"Sino bang hindi? Dun..ikaw nalang ang kumuha at medyo tinatamad ako. 5C."
"Salamat" sagot ko sa kanya. Medyo mataray din siya ano? Pero nagulat ako sa sinabi niya. Sinong hindi? Ibig sabihin? Napakadali para sa kanila ang makilala ako bilang tao?
Pumunta na ako sa sinasabi niyang 5C. Grabe ang taas hindi ko maabot. Tinalon talon ko ito baka sakali mahawakan ko pero ang lungkot medyo kinulang nga talaga ako sa height. Huhuhu.
Sa tuwing tumatalon ako isang napakalaking poster ang nakikita ko sa likod. Ano yun? Officials of the palace? Si Cedrick ang palace's sorcerer. Si Almiro ang palace's general. Si Rubekka... kapangalan ng mama ko. Pero hindi ko alam kung magkamukha ba sila o hindi. Hindi ko pa kasi nakikita si mama kahit sa picture lang e.
"Alam kong hindi kita maaasahan."
"Po? sino po kayo?" may matangkad kasing babae na lumapit at kinausap nalang ako bigla. Mukha siyang teacher. Nakaeyeglasses siya tapos mahaba ang buhok at.. maganda. What the?! Lumutang siya!! Ano ba siya?! Wala naman siyang pakpak e!
"Wag kang mag-alala kaya nga ako dito nagtratrabaho kasi trabaho ko to. " trabaho?
"Ano po ba kayo dito? Tagakuha ng libro?" Inabot na niya sa akin ang libro tyaka naglakad na. Pumunta siya sa librarian's table. Teka nasan na ba yung oud na yun?
"Isang maaasahang librarian lang naman."
"Ano?!" ibig sabihin? Bigla nalang siya lumiit at naging oud. Ibig ngang sabihin? May kapangyarihan siyang maging ganun? Nakakamangha!
"Pwede ko bang hiramin muna to?"
"Walang problema." Sagot niya.
"Pero wag mong kalimutang ibalik yan sa loob ng dalawang linggo. Kahit wag na.. babalik ng kusa rin naman yan."
"Talaga? Ang galing naman ata kung ganun!"
"Kita mo? Sinong hindi makakapansing tao ka kung kahit yan hindi mo alam." Nagmukha na naman akong ewan. Kung magpapatuloy akong ganito siguro mapapansin nga talaga nilang may mali sa akin.
Umuwi na ako sa bahay. Nagsimula na akong magbasa. Grabe ganito pala ang nangyari. Hindi ko alam pero ang bilis ko naiintindihan ang mga nakasulat dito. Habang tumatagal lalo ata akong naiimune sa mga kakaibang bagay na nakikita ko.
Ayon dito.. bawat limandaang taon may tagapagligtas na isinisilang sa isang napakahalagang araw sa lahat ang Zodiac day. Zodiac day? Ang sabi ni tatay espesyal daw ako kasi ipinanganak ako sa Zodiac day. Hindi ko alam kung bakit may alam si tatay sa zodiac na yan. Siguro naging sinaunang kwento na sa mga tao ang mundong to.
Baka dito sa mundo nila espesyal ang araw nayun pero sa amin? Hindi ata.
Habang nagbabasa ako may naaninag akong tao sa labas kaya tiningnan ko. Si Beni. Bakit kaya nagmamadali siya? Sinundan ko kung saan siya pupunta at napunta ako sa palace swamp. Bawal dito diba pero hindi para sa kanya. Tama. Nakalimutan ko. Tumalon siya sa pader. Ano bang gagawin niya sa kabila? Ang sabi ni Leo dilikado sa kabila ng mga pader nayan. Dito sa loob protektado kami sa tinatawag nilang barrier. Pero sa labas? Naku!! Mapapahamak si Beni! Kailangan ko siyang sundan. Tumalon agad ako sa kabila ng..
"Aray ko!" may natalunan ata ako. Ang sakit ng ulo ko.
"Pasesya na. Ayos ka lang? Yanny?"
"Endo? Bat ka nandito?Beni?-" ba..kit?
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasyAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...