Chapter 19

14 1 0
                                    

Falmera's POV

Bakas sa mukha ng tagapagligtas ang pagkalito. Ano na ang gagawin mo kamahalan? Madami ng pasa ang natanggap ng katawang to ngunit hindi sa akin. Kahit kailan walang makakatalo sa pag-iisip ng isang diwata ng mga espirito.

"Ano na? may naisip ka na ba kamahalan? Kung wala ako na ang titira! Humanda ka!" inatake ko siya. Hindi ko maintindihan ngunit hindi naman siya umiilag. Inataki ko lang siya ng inataki.Wala siya sa kanyang sarili. Ang lalim ng iniisip niya.

"Hindi pa ako tapos! Tanggapin mo to!" binigay ko na lahat ng lakas ko at napaluhod na siya. Napaluhod ko siya!

"Ano bang gagawin ko?" ano? Sa lahat ng ginawa ko yun lang ang masasabi niya?

"Nakakainis! Heto pa! Heto at heto!" napagod na ako ngunit hanggang luhod lang ang nagawa ko. Nakakapagod din pala pag nasa katawanglupa ka. Halos hinahabol ko na ang hininga ko.

"Bat ba ayaw mo pang mamatay! Nakakainis kayo!"

"Kasalanan tong lahat ng ina mo! Kung naging mabuting kaibigan sana siya hindi na nagkaganito pa!" sabi ko at binagsakan siya ulit ng isang matinding pag-atake.

"Inahas niya ang ama mo! Ahas siya!" sabi ko at akma na siyang pagbuhatan ng kamay ng mahawakan niya ako.

"Hindi niya ginawa yun." Mahinahon niyang sabi. Bakas sa mukha niya ang sakit na dala ng pag-atake ko.

"Wala kang alam sa kanya dahil hindi mo nakita!" hindi ko mapigilang maging emosyonal. Kaibigan ko siya ngunit siya pa pala ang gagawa nun.

"Minahal ko si Alfonzo at alam niya yun. Yung araw na sana ako at siya ay maging isa nagawa niyang ahasin ang aking mahal. Alam mo yun? Masakit dito kahit alam kong hindi dapat pero nakakaramdam ako. Nararamdaman ko." Nakakatawa mauuwi lang din pala sa ganito ang labanan nato.

"Hindi niya ginawa iyon at alam ko yun."

"Hindi. Kasalanan niya kaya nagbalik ako upang maghiganti." Sabi ko at tumayo na. tiningnan ko siya ng napakasama. Tumayo siya sa kinaluluhuran niya.

"Kahit anong gawin mo hindi mo ako kayang patayin. Wala kang makukuha sa akin. Wala akong mahalagang bagay na maibibigay kapalit sayo."

"Meron. May mahalaga sayo. Kung hindi man kita mapapatay siya na lang!"

"anong binabalak mo? Wag. Wag siya..pakiusap. Wala siyang alam tungkol dito. Pakiusap."

"Hindi ko nakasama ang pinakamamahal ko kaya magdudusa ka rin bilang anak niya! Kasalanan ng ina ay kasalanan ng anak kaya dapat pagbayaran mo! Wa!!!" akma ko nang atakihin ang parte ng puso ng katawang ito ng may narinig akong boses.

~Wag!!!~

"Sino ka?"

~Falmera ako to. Pakiusap wag mo na silang idamay pa. Wala silang kinalaman~

"Anong wala. Nasa kanya nananalantay ang dugo mo! Kaya mapapasakanya lahat ng mali mo!"

~Tama ka. Mali ako. Maling-mali ako dahil wala akong nagawa. Falmera.... Pinilit nila ako. Sa araw na sana ay magkikita tayo pinilit akong ipakasal ni ama. ayaw ko kaya ikinulong nila ako. Kinuha nila ang mahika ko kaya wala akong magawa.~

"Pero sana humindi ka! Lumaban ka para sa kaibigan mo!"

~Kaya nga! Dahil sa pagpupumilit ko maagang namatay si ama! Pinatay siya ni Alfonzo upang makuha ang trono sa kanya. Falmera Apat na taon akong nagdusa sa piling niya. Araw araw niya akong sinasaktan. Gabi-gabi niya akong pinapatulog sa selda. Falmera ginahasa niya ako ng halos ilang beses! Makalipas ang apat na taon nagdalangtao ako pero sinasaktan parin niya ako. Tapos nung pinanganak ko ang kambal wala na akong pagkakataong masabi sayo ang lahat.~

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon