Chriveane's POV
Isang linggo ko nang binabasa ang aklat na to at isang linggo narin akong naghahanap sa clip ko. Hindi ko talaga mahanap e. Binaligtad ko na lahat pati na siguro ang mundong ito. Hindi joke lang. Nagpatulong na ako kina Leo pero wala e. Saan ko kaya naiwan yun?
"Guys? Nandito si sipsip o." nandiyan na naman yung mga prinsesa. Simula nung pumasok ako sa paaralang to pinag-iinitan na nila ako. Sila yung mga kasamang prinsesa ni Beni. Buti pa siguro si Beni kahit malamig siya sa akin pero hindi naman niya ako inaaway ng ganito. Sina Pearl, Jade, Ruby, Sapphire at Amethyst ang mga bully sa akin. Akalain niyo yun? Mga prinsesa pa pala ang mang-aapi? Kahiya naman sila.
"Alam niyo ba? Nagfefeeling close din siya sa prinsesa." Parinig sa akin ni Pearl.
"Si Benitoite?" patanong namang sagot ni Ruby. Nagtatanong pa siya e alam ko namang inaasar lang nila ako.
"Di lang yun, pati sa mga diyos." Dagdag naman ni Sapphire.
"Yucks.. kapal naman. Isa nga lang siyang mahina tapos umaaligid pa sa mga maharlika?Naks naman!" sabi ni Jade.
"Ako bang pinaparinggan niyo?" tanong ko.
"Bakit? Natamaan ka ba?" pang-aasar ni Amytheist. Akala mo naman di ko nahahalata. Ang mga pangalan nila parang kinuha sa mga bato. Isa nalang talaga ha at baka may maupakan na ako.
"Tingnan niyo! Karwahe mula sa palasyo!" sabi ni Pearl.
"Ang ganda parang karwahe para sa prinsesa." Dagdag naman ni Ruby.
"Sino kayang sadya nila?"tanong naman ni Amytheist. Ayoko sa pangalan niya masyadong nabubuhol ang dila ko. Amy nalang. Lumapit sa direksiyon namin ang isa sa mga kawal.
"Paumanhin mga prinsesa pero kailangan kung putulin kung ano man ang pinag-uusapan ninyo." Pagbigay galang ng isang kawal sa mga prinsesa.
"Pinatawag po kayo ng Mahal na Reyna."
"Ako?" Nabigla ako ng ako ang kinausap niya.
"Opo."
"Wee? Di nga?"
"Opo..totoo po." Mukhang hindi makapaniwala ang mga prinsesa. Nga naman sinundo lang ako ng palasyo gamit ang isang napakagandang karwahe na parang pang prinsesa. Kahit wala akong mahika parang prinsesa naman ang pagtangkilik sa akin ng mahal na reyna. Sinong mas lamang ngayon? Blee!
Sumakay na ako sa karwahe at pumunta na kami sa palasyo. Grabe ang dami kung natutunan sa aklat na binabasa ko. Madalas din ako manuod sa mga fae na nag-iinsayo sa field. Sana may mahika din ako. Mukhang masaya pa naman sila panuorin.
Ng makarating na kami sa palasyo binate agad ako ng mahal na reyna. Grabe ako pa talaga ang sinalubong niya ha? Kakaiba din pala ang reynang to.
"Matagal akong naulila sa iyong ina at hindi ko inaasahang ikaw ay ang kanyang supling."hindi ko siya maintindihan.
"Po? Kilala niyo po ang mama ko?"
"Oo... si Rubekka." Alam niya ang pangalan ng mama ko.
"Pero pano po?"
"Si Rubekka na nanay mo at ang palace keeper ay iisa."
"Ibig niyo pong sabihin yung nasa litrato ng mga officials ng palasyo?"
"Oo yan-yan. At ikaw ang nagmamay-ari ng crystal ng palasyo. Nasaan na?"
"Crystal? Wala po akong alam na crystal. Walang nasabi ang papa ko tungkol dun."
"Pero ang sabi ni Palama nandito na sa mundo ng mahika ang crystal. Kaya siguradong dala mo yun. Siguradong dala mo yun ng hindi mo napapansin." Wala talaga akong alam sa crystal na sinasabi niya. May dala ba akong ganun? Meron ba akong ganun? Teka nga naguguluhan na ako.
"teka lang po. Kung Tagarito ang nanay ko ibig sabihin may mahika siya?" tanong ko. Kung meron nga siguradong meron din ako. Sa wakas!
"Wala. Walang mahika ang iyong ina. Isa siyang tagalupang kagaya mo ngunit meron naman siyang mahika na pinalalaan para sa kaligtasan niya. Ang iyong ina ay isa sa mga taong pinili ng tadhana upang pangatawanan ang mga tao."
"Hindi ko po kayo maintindihan mahal na reyna. Kung ganun? Tao nga lang talaga ako? Sayang naman."
"bakit? Gusto mo bang magkaroon ng mahika?"
"Sana. Pero wag na. Iisipin ko na lang po kung nasa akin ba talaga yung crysral." Napaisip na naman ako. Nasaan ngaba? Basta sure akong hindi ko alam.
"Alam mo Yan-yan? May kilala akong purong-tagalupa na naging napakamakapangyarihan."
"Po?"tanong ko sa mahal na reyna. Naglakad kami papunta sa silid-aklatan niya. May kinuha siyang aklat.
"Siya si Serena. Siya ang kauna-unahang tagalupa na naging tagapagligtas. Kahit hindi niya alam tadhana ang nagdala sa kanya sa mundong ito. Siya rin ang nagpatupad ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa amin. Kaya simula nun nagkalat na ang mga tao sa mundo ninyo kung saan may pinanghahawakang obligasyon gaya ng iyong ina."
"Ako po..may ganung obligasyon po ba ako?"
"Walang nakakaalam pero kung tadhana'y nagdala sayo dito siguradong meron. Dito ka na kumain at ipapahatid na kita sa mga kawal." Sabi ng mahal na reyna. Tama siya. Kahit isang normal na nilalang may obligasyon sa buhay. Ano kayang akin? Nga pala malapit na ang birthday ko. Siguradong wala akong kasabay nun. Sabi kasi ni papa medyo weird nga e. Pero sabi rin niya magiging espesiyal ako dahil dun.
Pagkatapos naming kumain pinahatid na ako ng mahal na reyna. Pagkarating ko sa tinutuluyan ko pinagpatuloy ko muna yug binabasa ko. Grabe ang nipis ng librong ito pero sa tingin ko walang katapusang pahina ito.
Naaalala ko na! yung clip ko! Isang lugar na lang ang di ko pa nahahaluglug. Isang lugar na pinuntahan ko bago nawala ang clip ko! Sa gubat!
Dali-dali akong pumunta sa may palace swamp. Dun yung lagusan na dinaanan ko noon. Sana nga lang walang nagbabantay. Kainis pa naman dahil laging may nagbabantay dun. Lalo na yung si Ice? Masasabi ko tuloy na ang sipag niya.
Pagtalon ko sa kabila masyado ng madilim. Buti nalang may dala akong lampara. Di rin kasi uso dito ang flashlight no?Sinundan ko lang yung daan na dinaanan ko naaalala ko pa yung daang papunta sa talon. Teka nandito pa kaya si Endo? Sabi niya tagagubat siya e. Teka? Sinabi niya ba yun? O baka yun lang pagkaintindi ko?
Naglakad pa ako ng naglakad habang sa daan lang nakatingin. Hindi ko na pwedeng palipasin pa ang gabi para mahanap ang clip ko. Napakahalaga nun para sa akin. Habang papalayo ako sa barrier may naaaninag akong dalawang tao. Teka? Tao ba yun o Switcher?
"Excuse me? Tagarito po ba kayo? Taga Palace Town ako. Kayo rin ba?" bigla nalang silang tumakbo kaya hinabol ko. Nawala sila. Naku po. Nawawala din ata ako. Paikot-ikot na ako rito. Pano ba to?
Nagulat ako ng biglang namatay ang ilaw sa lampara ko. Ang dilim! Wala akong makita. Nasaan na ba ako? Nilahad ko ang kamay ko upang malaman kung anong nasa paligid ko nang may mahawakan akong braso. Kanino to? Parang braso ata to ng isang tao o switcher. Bigla nalang dumilat ang mata niya! Ang pula! Ano siya? Bampira? Lobo? Tapos naging apat! Apat na mapupulang mata! Ibig sabihin dalawa sila!
"Tu...tulong." Mahina kong sabi.
Tulungan niyo ako!!!
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasyAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...