Chriveane's POV
Hindi ko alam kung tama pa ba itong pinipili kong desisyon. Pinili kong manatili siya sa tabi ko. Pinili kong makasama siya kahit kapahamakan naman ang kapalit. Hindi ko man mababago ang pag-ikot ng mundo, ang aming tadhana, pinipilit ko namang baguhin ang aking mga dapat mararanasang sakit at pighati nang dahil sa pagkakalayo namin sa isa't isa.
"anong iniisip mo?" tanong niya sa akin. Nandito kami sa kapatagan. Nakahiga kami sa damuhan at tinitingala ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit.
"Wala. Iniisip ko lang kung anong mangyayari sa atin. Sa mundo." Tumagilid naman siya agad sa akin upang makita ang ekspresyon ng mukha ko.
"Bat mo naman iniisip yan?"
"Dahil tayo ang tagapagligtas? Tungkulin natin ang pangalagaan at panatilihin ang kapayapaan sa mundo. Tungkulin natin ang pagpapanatili ng pagkakapantay-pantay ng mundo ng mahika at mundo ng mga tao." Nabigla ako ng bigla siyang tumawa ng mahina.
"Bat ka naman tumatawa? May nakakatawa ba?"
"Hindi naman sa ganun. Akalain mo? Yung babaeng nakilala ko sa bundok kung saan kung ano-anong pinagsasabi ay nagsasalita ngayon ng kapayapaan at pagpapanatili ng katahimikan sa mundo. Hindi bat masyadong..."
"Nakakatawa?" medyo mataray kong dugtong.
"Medyo nakakahanga." Sus makabola aakalain mo namang basketbolista.
Kunting katahimikan ang bumalot sa paligid.Halos naririnig na namin ang bawat pagkislap ng mga bituin sa langit.
"Kung hindi tayo ang mga tagapagligtas, kung baka sakali hindi natin alam ang tungkol sa mahika, sa Switcher world, kung bakasakali mga normal na tao lamang tayo, ano kayang ginagawa natin ngayon?" tanong ko sa kanya ng may pag-usapan naman kami. Nakakabingi kasi ang katahimikan.
"Ako? Siguro kasama ko pa ang inang ko. Siguro ngayon nasa isang bukirin kami nagtatanim ng mga gulay at prutas upang ipagbenta. Mahilig kasi siya sa pagtatanim kwento sa akin ng isa sa mga katiwala namin. Ikaw?"
"Ako? Ganun rin. Magsasaka ang aking ama. Ibig sabihin magbubukid parin ako." Sagot ko. Bigla nalang siyang umupo.
"Tapos magkikita tayo sa isang pook kung saan ibebenta ang mga gulay at prutas natin-"
"Palengke.." pagputol ko, kasi parang hindi ata niya alam kung anong lugar yun.
"Oo.. palengke. Magtatagpo ang mga landas natin tiyaka magkakakilala tayo. magkwekwentuhan, magkakabutihan."
"Kapal naman. Sa tingin mo talaga?"
"Oo.. naniniwala ako dun."medyo natatawa niyang sabi.
"Bakit naman?" natatawa ko naring tanong.
"Kasi nabasa ko sa aklat ng mga mahiwagang nilalang na ang dalawang taong itinadhana ay pinagtatagpo ng tadhana kahit saan at kailang panahon pa."
"Ibig sabihin, pagpinanganak tayo ulit, mabubuhay sa ibang katauhan, mabubuhay sa ibang paraan ng pamumuhay ay magtatagpo parin tayo?" tanong ko rin sabay upo at humarap sa kanya. Ngumiti siya at hinawakan ang aking mga kamayat tumingin sa aking mga mata.
"Matatagpo ang landas ng mga taong itinakda para mahalin ang isa't-isa. Kaya may mga taong nasasaktan sa pag-ibig dahil nagkamali na sila simula't sapul mahalin nila ang taong hindi naman itinakda upang mahalin sila ng walang kapalit sapanghabang-buhay." Namangha ako sa mga sinabi niya. Ang gaan sa pakiramdam habang sinasabi niya ng dahan-dahan ang mga salitang yun. Hinalikan niya ako sa noo kaya nakaramdam ako ng hindi pangkaraniwang pakiramdam. Hindi ko maintindihan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang umiikot ng tiyan ko at pakiramdam ko ang haba ng buhok ko.
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasyAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...