Chapter 3

57 8 1
                                    

Chriveane's POV

Hay nako, mahirap nga ang buhay. Mas masaya sana kung lumaki ako gaya ng mga bata sa siyudad. E pano ba kasi..nasa bukid ako. Walang nanay at tatay.

Si Inay daw namatay noong ipinanganak ako. Tapos si Itay namatay noong 15th bday ko, ang saklap ng tadhana no?

"Ano ba to...maluluha na ako"

Pinawi ko ang mga namumuong luha sa mata ko. Tama na ngang throwback. Mabuti pang pumunta na ako sa bukirin at maharvest ko na ang mga gulay ko at nang maibenta ko na sa palengke sa siyudad.

Itong garden ba to nalang ang meron ako. Ito lang ang iniwan sa aking pamana ni Itay, maliban dun sa kubo at dito sa tali ng buhok ko, at ang hairpin na nay naliit na bato na galing kay nanay. Dahil sa maliliit na meron ako, parang napakamayaman ko na rin.

"Tweet..tweet..tweet"

Parang may ibon na umiiyak.

"Parang nandito eh. Ah nandito ka lang pala. Saan ka galing? Kawawa na naman. Saan ang nanay mo?"

Lumingon-lingon ako. Asan ba ang puno dito?

"Ay. Ayun sa may lawa. Ihahatid na kita. Bat ba kasi ang layo ng narating mo?"

Binalik ko ang ibon sa may pugad nito. Nakakatuwa isipin kaso ano ah basta.

"Sige mauna na ako. Magbebenta pa ako ng gulay. Ingat sa susunod ah" paalam ko. Parang baliw ba ako? Kinakausap pati ibon?

"Salamat.."

Ha? Narinig niyo yun? Sino kaya yun?

Lumingon-lingon ako sa paligid. Wala namang tao. Pero may narinig ako eh. Imposible namang ang ibon yun. Ano ba to? Baka tuluyan na akong nagiging baliw!

Nandito na ako sa siyudad. Kaya ayaw ko dito eh. Pano ba kasi sobrang ingay. Maririnig mo ang ibat-ibang tunog ng sasakyan

"Beeeeeep!"

"Oo! Teka lang!"-sigaw ng isang babae

Dumiretso lang ako sa paglalakad. Nasa kabilang kanto lang kasi ang palengke dito.

Apat na beses ako pumupunta dito bawat linggo. Ewan ko ba bakit ang galing ko sa gardening, lagi nalang bumubunga.

Nagtataka nga lage si Ginang Rose eh, kung bakit daw lagi nalang bumubunga ang mga halaman ko, ag nakapagtataka pa ay napakalusog ng mga ito.

"Oh. Yan-yan. Andito ka na pala. Anong meron ka ngayon?"-Rose.

"Ah. Gaya ng dati ho. Bagong harvest ko po ito"-ako

"Ikaw ha. Ano bang sekreto mo at laging malulusog itong gulay mo at ilang beses pa kung bumunga"- Rose

Napangisi ako sa sinabi niya eh. Kung hindi niya alam, eh ako rin.

"Hindi ko rin alam eh"-ako

Ngumiti nalang ako.

"O. Heto. Bakit ba kasi ang mura lang din ng benta mo"-Rose

"Ah. Wala lang po. Salamat po"-ako

Ewan ko lang ha. Lagi kasi niyang sinasabi sobrang mura daw ng benta ko ng gulay, bakit? Mura naba ang limang peso ngayon? Ang mahal na kaya nun diba?

"Tabi! Tabii!"-lalaki

Hayan na naman tayo. Araw-araw nalang may naghahabulan.

"Tabi!"-lalaki

"Aray!!!"

Tumilapon ako sa tulak nung manong. Ang sakit ng pwet ko. Bat ba ang malas ko ngayon? Pinagpagan ko na sarili ko at tumayo na.

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon