Chapter 23

12 1 0
                                    


Palama's POV

Mangyayari na. Itinadhana nang mangyayari ang mga ito at wala nang makakapigil pa.

"May magaganap na digmaan laban sa mga wizards at iba pang mga switcher"

"Kung ganun, dapat ko ba itong pigilan?"

"Huwag kamahalan. Ang dapat mangyari ay dapat mangyari. Kung pipilitin nating pigilan mas malala pa ang mangyayari."

"Ano bang dapat kong paghandaan?"

"Ang mangyayaring ito ay magiging huling digmaan ng iyong ama."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Humanda ka nang magpaalam kamahalan."

Alfonzo's POV

"bakit k aba tumatakbo mahal na reyna?"

"Ano bang gusto mo Alfonzo?"

"Yung trono lang ang gusto ko ngunit hindi mo pa maibigay."

"Bakit? Kulang pa ba lahat ng ibinigay ko sayo? Naging anak kita, batang kapatid hanggang naging nakatatandang kapatid."

"Dahil nga may mahabang buhay ka kamahalan. Mas nauna pa akong tumanda sayo dahil nga mas mahaba ang buhay mo. At ang ginawa mong pagkupkop sa akin ang pinakaayaw ko sa lahat!"

"Bakit? Ano bang mali?"

"Madalas tayong kinukompara ng lahat. Kahit anong gawin kong pagpapakabuti lage nalang mali dahil ikaw ang nakikita ng lahat. Imbes na mahalin nila akong lahat bilang kapatid mo kinamuhian nila ako. Kaya kasalanan moa ng lahat! Kung hinayaan mon a lang ako edi sana mamahalin nila ako dahil sa mga ginawa ko!"

"Ano bang paki mo sa kanila? Mahal naman kita bilang anak, at kapatid."

"Hindi nayun ang nais ko. Ang gusto ko ang trono! Pag ako ang naging hari mamahalin ako ng lahat yuyukuan ng lahat kaya isuko mon a sa akin ang korona!"

"Hindi. Ang trono ay para sa tagapagligtas. Kaya ipapasa koi to sa sususnod na tagapagligtas!"

"Pero wala ka namang tagapagligtas kapatid. Hindi mo nahanap ang prinsesa kaya kanino mo ibibigay?"

"Ang lahat ay nakaimbag na kaya sa tagapagligtas parin mapupunta ang korona."

"Ang anak kong si Enzo ay isang tagapagligtas Almira. Taglay niya ang lahat ng elemento ay mahika kaya sa akin ang korona! Ibigay mon a!"

"Ayoko! Magkakamatayan mon a tayo!"

"Kung yun ang nais mo." Tinaas ko ang kamay ko at bumuo ng bolang apoy. Wala na siyang kapangyarihan dahil sa nangyaring pagsalakay ng drago. Wala siyang kalaban laban sa akin. Hindi siya mananalo sa akin. Mangyayari na ang pinakahihintay ko. Magiging hari na ako sa wakas!

"Magpaalam ka na kapatid!"

~Wag!~

Sino yun? Walang ibang nandito kundi kami lang ni Almira.

"Sino ka? Nasan ka?!"

~Tama na Alfonzo. Itigil mon a lahat ng iyong kasakiman!~

Yung boses niya. Falmera?

"Hindi.. mamamatay mon a siya! Waa!!"

Teka..anong nangyayari? Bakit parang nahihiwalay ako sa katawan ko anong? Falmera?

"Kailangan mo ng magpahinga mahal"

"Anong ginagawa mo? Ibalik mo ako sa katawan ko! Ibalik mo ako!"

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon