Chriveane's POV
"O my guds! Talaga? As in aral?!" Tanong ko kay Grey
"Oo Yan-yan. Ipapasok ka sa Fae School, at mismong reyna ang nagpapasok sayo dun!" Sagot nito
Di ako makapaniwala. Ako? Mag-aaral sa paaralan ng mahika? Galing! Para tuloy akong naparalyze sa tuwa. Di ako makagalaw sa sobrang saya.
Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala.
"Huy! Parang natulala ka na diyan! Ano? Tara ililibot kita sa paaralan niyo. Este magiging paaralan mo pa pala"-Grey
Hindi pa ako nakasagot ay hinila na ako ni Grey. Ano kayang itsura ng paaralan nila? Mababait kaya ang mga nag aaral dun?
"Teka!" Sigaw ko at huminto.
May naaalala ako.
"Bakit yan-yan?" Tanong ni Grey
"Bago ako makasiguro na talagang magiging masaya ako sa pag-aaral, gusto ko munang itanong ito. Umm sa tingin mo ba, okay lang mag aral ako dun?"
Sumeryoso ang mukha niya. Parang may problema. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Tapos tinaas niya ang kamay niya at inikot-ikot ito na naging senyales na dapat rin akong umikot.
"Ano?" Tanong ko sa kanya.
Okay lang ba talaga? Mukhang ang bilis ng mga pangyayari eh.
"Okay lang naman. Mukhang walang deperensya sayo. Walang kulang sa katawan mo, at wala ring sobra. Maayos ka naman" sagot niya
"Eh. Diba tao ako? Wala bang mali dun? Hindi ba bawal ang mga kagaya ko dun?"-ako
Nag iisip pa ata siya.
"Hindi" matipid netong sagot.
"Syempre hindi, kasi walang tao rito! Diba?" Tanong ko ulit sa kanya.
My guds! Baka malaman nilang tao ako at kung anong gawin nila sakin. Nako pinagpapawisan tuloy ako.
"Huy! Wag ka ngang nerbyosa! Hindi nila malalaman na tao ka" sambit ni Grey
"Teka nasaan na ba yung mga gwapong yun? Ang utos ng reyna kasama sila sa paglilibot sayo. Ayun!" Turo ni Grey sa mga kasama niya.
Parating na sina Ash, Leo, Storm, Ice at Beni. Nga pala, mag-aaral din pala si Beni dito. Di ba siya ang prinsesa? Kailangan niya syempreng mag ensayo para alam na niya kung paano gamitin ang powers o charm niya pag dumating na ito.
"Uy Yan-yan, bakit ata malungkot ka?" Tanong ni Ash. Napansin pala niya.
"Natatakot kasi siyang malaman ng iba na tao siya" sagot ni Grey
"Kailan ka pa naging siya?" Tanong ni Leo
"Tss" irap ni Ice
"Alam mo Princess" sabi ni Ash at inakbayan ako
"Wag niyo na lang akong tawaging Princess, nakakahiya kasi baka may makarinig. Baka isipin nilang ako ang prinsesa. Tao pa naman ako. Baka mabaling ang atensyon nila sa akin at mapansin nilang tao ako" malungkot kong sabi. Tama naman diba? Magiging unfair para sa lahat ang pagpasok ko dito.
"Wag kang mag-alala.. kahit malaman nila di ka nila magagalaw. Bisita ka kaya ng reyna. Welcome ka dito." Sabi ni Ash.
"Basta.. Yan-yan nalang" sagot ko naman.
"Kahit ano pang pangalan mo, wala pa ring magbabago na isa ka lang mababang-uri na tao."
"Hui..Ice bat ganyan ka magsalita?" tanong ni Leo. Tama rin naman siya. Tao lang ako. Nauna ng naglakad si Ice kaya pinalibutan nila ako.
"Wag mong pansinin yun. Ganyan lang talaga yun." pagpapagaan sa akin ni Grey.
"Ayos lang. Tayo na? Excited na ako!" nagsimula na kaming maglakad. Ano kaya ang magiging buhay ko dito sa mundo nila?
Nilibot nila kami ni Beni. Grabe ang laki talaga ng school na to. Ang school kaya nina Ash? Mas malaki pa kaya rito?
Alam niyo ba kung anong class ako? Class D. Kasama ko yung mga batang fae. Buti pa si Beni nasa class A. Sabagay prinsesa naman siya. Kasama niya dun yung limang mga prinsesa kagaya niya. Ano kayang feeling makapasok sa ganung klaseng section? Class A ang pinaka malakas at class D naman ang pinakamahina kung baga beginners.
Pinaliwanag na din sa akin ni Leo kung saang parte ng palace town ang bawal. Sa palace swamp raw yun. Ewan ko ba kung bakit bawal dun. Pinakita na rin nila sa akin kung saan ako titira. Ayos rin naman kasi mas malaki pa sa kubo ko. Excited na ako pumasok!
Ice's POV
Hindi pa rin ako mapakali dahil sa kaiisip ko tungkol kay Beni. May mali talaga sa kanya. Yung parang ang dami niyang tinatagong lihim. Hindi ko maisip kung ano.
Papunta ako sa palace swamp ngayon. Oo bawal dun pero hindi para sa aming mga diyos. Ginagawa ko to noon pa man. May low force kasi ang boundary shield dito. Pag nalaman ng mga Wizards siguradong dito sila dadaan upang makapasok.
Ilang henerasyon na mula noong hiniwalay ang distrito ng mga salamangkero dahil sa hindi ko malamang dahilan. Inalis sila sa kaalaman ng mga bagong Switchers. Hindi na sila tinuturing na kabilang sa amin.
Sa kaiisip ko isang fae ang naainag ko. Nilapitan ko ito.
"Yanny? Anong ginagawa mo dito? Bawal ka dito."
"Alam ko pero hindi para sa isang kagaya ko." Ano bang pinagsasabi niya? Kung magsalita siya parang hindi siya yung walang utak na tagalupa.
"kung ganun? Bat ka nandito?"
"Malapit na. Hanapin niyo ang prinsipe. Dun!" Tinuro niya ang labas ng boundary.
"Anong prinsipe ang sinasabi mo?"
"Prinsipeng kaagapay ng prinsesa. Prinsipeng proprotekta sa prinsesa sa buhay at kamatayan."
"Hindi prinsipe ang tagapagligtas. Ang Prinsesa ang tagapagligtas at ang mga diyos ang tagapangalaga sa kanya." Sagot ko sa mga pinagsasabi niya. Kahit anong isipin ko hindi ko makuha kung ano ang nais niyang ipahiwatig. Nakatingin parin siya sa boundary.
"Dun.. siyay naghihintay."
"Hui!!! Anong nangyari sayo?" bigla na lamang siyang nahimatay. Niyugyog ko siya upang gumising. Ano bang nangyayari?
"Hui.. gising tagalupa!" dinilat niya na ang mga mata niya.
"Anong? Ice?! Waa??!!! Anong ginagawa mo?"
"Hui!! Wag kang timang! Wala akong ginawa sayo no. Nahimatay kang bigla! Yang hitsura mo? Wag na lang!"
"Ganun ba? Siguro naglalakad na naman akong tulog. Madalas kasi akong ganun." Kaya pala. Pero may mga sinasabi siya kanina. Hindi ko maintindihan.
"Yung mga sinasabi mo kanina? Anong ibig sabihin nun?"
"Yung ano?" tanong niya.
"Prinsipe?"
"Prinsipe? Wala akong sinabing prinsipe. Kung ano-anong nasaisip mo. Nasan ba tayo?" bat wala siyang alam? Hindi kaya may gumamit sa katawan niya? O baka panaginip lang niya yun. Imahinasyon dala ng pananabik niya.
"Wala. Alam mo bang nasa pinagbabawal na lugar ka ng palasyo? Pag nalaman to ng nasa taas parusa ang makukuha mo."
"Ha?!! Naku hindi ko alam!! Tiyaka may sakit ako no! naglalakad akong tulog kaya exemption yun! Uwi na tayo! Makita pa ako e." naglakad na siya pabalik.
Hindi ko maisip kung anong maaaring dahilan kung bakit ganun ang nangyari. Prinsipe? May prinsipe nga ba? Hindi rin naman imposible kasi nga may lima pang prinsesa kasama ni Beni diba? Pero ang pinagtataka ko, kung sinaniban si Yanny, bakit siya? At sino ang gumagamit sa katawan niya?
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasiaAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...
