Chapter 39

12 1 0
                                    

Chriveane's POV

Hindi ko man lang maigalaw ang ulo ko pero nakikita ko ang mga paa niya. Nandito na siya.

"Hindi na kita papahirapan pa.. may huling paalam ka ba prinsesa?" tanong niya.

"E...E...En....z..zo."

"Enzo? Sino yun?"

"Ako."

Enzo's POV

Napagdesisyunan naming pumunta muna sa kubo ni Yanny at doon nakita namin sina Grey. Ang daming tao dahil sa ginawang paglikas. Guguho na ata ang mundo. Pagnangyari yun, mawawala lahat ng may buhay sa mundo.

"Binilin sa amin ng prinsesa na protektahan ang mga tao dito." Sabi ni Grey.

"Kung ganun... mag-isa lamang siyang nakikipaglaban?" tanong ko.

"Ano?" tanong ni Leo.

"Nakaramdam siya ng panganib kaya yun ang dahilan kung bakit bumalik siya. Ang panganib na yun ay ang drago." Dagdag ko.

"Kung ganun puntahan na natin siya." Sabi ni Grey.

"Pero paano sila?" tanong ni Ash.

"Ako na ang bahala sa kanila." Si Falmera. Bat siya nandito?

"ang sabi ng Prinsesa nakaramdam siya ng panganib kaya.." paliwanag ni Grey.

"Kaya nga nandito ako. Ang tanging makaliligtas sa mundo ng mga tao ay ang mga vessels. Ako na ang bahala sa kanila at tulungan niyo na ang tagalupa." Sabi niya.

"Salamat" sagot ni Ash. Tagalupa... tagalupa... parang pamilyar.

"Akin na.." sabay lahad niya sa mga palad niya.

"Andy.. ibigay mo na.."sabi ni Ash. Nagkatinginan kami ni Andy. Parang may mali... sino ngaba yun?

"Mahika imalaho!" pagbitiw ng spell ni Andy. Tama ako. Pinatigil ko ang takbo ng oras ng mga tao.

"Anong?!" nakatitig lamang kaming lahat sa kanya at ano mang oras ay kaya namin siyang burahin sa mundo.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. Oo si Greogo nga at walang iba. Napansin pala rin yun ni Andy.

"ha?? Wala ano ba trip ko lang yun... na..naloko..ko ba kayo?" pagbibiro niya. Agad ko naman siyang sinakal at tinaas.

"Hindi ako naniniwala kaya sagutin mo..bakit ka nandito?!" pinapalo niya ang kamay ko hudyat na ibaba siya. Wala akong planong ibaba siya kaya mas mabuting magsalita na siya.

"Si..si..prinsesa..."

"Anong tungkol sa kanya?" mabilis na tanong ni Ice.

"Iba..ibaba.. a..ko.." binaba ko siya na medyo marahas.

"Ngayon sabihin mo kung anong nangyari kundi pupulbusin kita!" sigaw ni Ash.

"Si Cedrick.. siya ang drago... inutusan niya lang akong kunin ang mga vessels...tapos..ang mga mamamayan... kunulong niya at papatayin lahat sila." Medyo hinahabol niya ang hininga niya habang nagpapaliwanag.

"Paano siya lumakas?" tanong ni Leo.

"Ang mga diamante at crystals.."sagot niya.

"Diamante.." mahinang tugon ni Ice. Tama... nilagay niya dun ang mahika ng lahat ng mga serena sa Karagatang Memahika.

"Kailangan na nating makabalik." Sabi ko.

"E ako?"tanong ni Greogo.

"Bantayan mo ang mga tao.. pag may nangyari.. mapapatay kita."

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon