Enzo's POV
"Hindi mo ko nakilala."
"Hindi..ayoko.." hindi ko siya kayang tingnan lalo na sa ganyang sitwasyon. Hindi siya ang itinadhana para sa akin kaya mali itong nararamdaman ko. Kailangan ko na itong tapusin at putulin dahil kung magpapatuloy pa mas lalong malalagay siya sa pahamak.
Nilapitan ko si Ice at tumingin sa mga mata niya.
"Hindi niyo ako nakilala. Ito ang nangyari, dumating ka sa bundok at nakita ang tagalupa. Ginamit ni Falmera ang katawanglupa niya at nagdulot ng matiding pinsala sayo. Dinala ka dito ni Paloma at maya-maya dumating na ang tagalupa." Pagkatapos kong sabihin ang mga yun ay pinatulog ko na sila pareho. Hindi ko maiwasang hindi malungkot. Habang natutulog ay umiiyak parin siya.
"Ano na ngayon ang mangyayari?" tanong ni Palama.
"Gusto kong magkibit balikat ka lang kung may itatanong sa iyo ang palasyo. Wag mo nang ibanggit sa kanila ang tungkol sa akin at kay Andy."
"Kung yun ang nais mo" umalis na ako at dumiritso sa aming distrito. Habang papalapit na ako nakita ko si Andy na tumatakbo papunta sa direksiyon ko.
"Kumusta?" tanong niya.
"Ayos lang. Hindi na nila tayo maaalala pa."
"Pati ang prinsesa?"
"Prinsesa? Sinong prinsesa?"
"Ang tagalupa. Siya ang prinsesa yun ang sinabi ni Palama." Siya ang prinsesa. Tagapagligtas. Kabiyak.
"kailangan nating bumalik." Sabi ko at tumakbo pabalik sa kinalalagyan nila.
"Nandiyan na ang iba pang mga diyos." Hindi ko maintindihan pero patuloy parin siya sa pag-iyak. Pinatigil ko ang pag-ikot ng mundo. Pinatigil ko ang oras at lumapit sa kanya.
"Ito ba talaga ang kapalaran natin? Bat ka ba umiiyak?" pinawi ko ang mga luha niya at hinawakan ang pisngi niya.
"Hindi ka bagay umiyak. Dapat lage ka lang masaya, nakangiti. Mas maganda ka kapag ganun." Hindi ko maintindihan pero kahit tumigil na ang lahat hindi parin tumitigil ang pagpatak ng mga luha niya. Patuloy ko pa ring naririnig ang bawat pagpintig ng puso niya.
"kailangan ko ng magpaalam. Itinadhana tayo kaya magkikita parin tayo. Paalam."
Bumalik na ako sa kinatatayuan ni Andy.Binalik ko na sa pag-ikot ang mundo. Alam kong magtatagpo ulit kami.
"ano? Hindi ba natin siya kukunin?"
"Andy alam mo naman ang pinaglalaban natin diba? Mas ligtas siya sa kanila."
"Sa tingin ko nga. Pero may problema tayo."
"Problema?"
"Naghahanda ng pag-ataki ang iyong ama."
"Bakit? Para saan?"
"Para sa nalalapit na zodiac. Nalaman nila ang mga bagong lagusang nabubuo."
"Kailangan nating takpan ang mga ito kahit hanggang sa zodiac lang. Kahit pansamantala."
"Magagawa natin yun ngunit kung dalawa lang tayo pansamantala aabot yun ng dalawang araw...sa zodiac."
"Hintayin nating makapasok sila bago natin takpan." Tumango lang siya. Inalalayan nila si Yanny dahil sa umiiyak parin siya. Ganun ba talaga kasakit ang pilitin kang kalimutan ang isang tao?
Nang makapasok na sila nilagyan namin ng sealing spell ang barrier ng palace town. Sana ayos na to at umabot sa zodiac day. Tatlong araw na lang.
Bumalik na kami sa wizards district. Ano kayang pinaplano ni Ama? Hanggang ngayon pilit parin niyang pinapaniwala sa lahat na masama ang palace town. Ang gusto lang naman talaga niya ay angkinin ang Switcher World. Gusto niyang maging hari.
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasyAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...