Chapter 36

11 1 0
                                    

Ice's POV

Hindi ko alam kung anong binabalak ng prinsipe. Basta niya nalang akong ginising sa gitna ng aking pagtulog at inanyayahang samahan siya. Wala naman ako sa posisyon para tanggihan siya dahil tungkulin ko ang pangalagaan sila.Kung tutuusin isang malaking opurtunidad ang piliin niya ako bilang kasama niya sa paghahanap ng panghuling vessel.

"Heto na yata yung sinasabing tubig tamis dito." Banggit ng prinsipe.

"Walang duda dahil ito lamang ang lawa sa ilalim ng bulkan." Sagot ko naman. Dadaan kami sa ilog na ito pababa sa karagatan. Gumawa kami ng kanya-kanya naming bola at pumasok dito. Ito ang magsisilbing sasakyan namin pababa sa kaharian ng mga mapanglinlang na mga serena.

Nagsimula na kaming maglakbay. Walang umiimik sa aming dalawa sapagkat wala naman sa amin ang madaldal. Naisip ko tuloy magsalita upang mawala ang katahimikang bumabalot.

"Naranasan mo na bang may maalalang mga memoryang hindi mo naman matandaan kung nangyari ba? Yung parang nangyari talaga siya pero iba ang natatandaan mo?" tanong ko sa kanya. Hindi siya tumingin sa akin na para bang nag-iisip kung anong isasagot niya.

"Hindi pa. Meron bang ganun?" tanong niya pabalik habang tumitingin parin sa malayo.

"Siguro nga mga guni-guni ko lang ang mga yun." Pero may guni-guni bang nakikita mo rin dun ang isang taong hindi mo pa nakikilala? Tama. Nakita ko doon ang prinsipe. Hindi ko talaga alam kung bakit siya nandoon na kahit minsan hindi ko pa naman nakikita ang hitsura niya. Pagkalipas ng ilang araw, nagpakitsa siya sa Zodiac day. Doon ko lamang napagtatanto na totoo nga at nabubuhay ang nilalang na nasa alaala ko na pilit ginugulo ang utak ko. May kinalaman kaya siya sa mga nangyari? O baka nadamay lamang ako sa isang kilos na hindi para sa akin?

"Nandito na tayo." Sabi niya kaya bumalik ang isip ko sa kasalukuyan. Sa aking kaiisip nakalimutan ko nang naglalakbay nga pala kami.

"Ano yun?" tanong niya. Isang buhawi. Isang napakalaking buhawi ang papunta sa amin ngayon. Bakit may buhawi sa ilalim ng karagatan?

"Kamahalan... maghanda kayo." Babala ko sa kanya. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung bakit pero ang bilis makarating ng buhawi sa amin. Pumutok ang mga bolang sinasakyan namin. Dahil sa kapwa kami may kakayahang huminga sa tubig, hindi na kami nag-alala pa. Kasalukuyan kaming umiikot ngayon sa loob ng buhawi. Hindi ko man lang alam kung anong gagawin ko. Paano ko gagamitin ang tubig laban sa hangin? At bakit parang nanghihina ako? Parang inaantok ako. Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Anong nangyayari?





"Ice...Ice gising." Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pamilyar na tinig na yun. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata. Siya nga. Hindi sana ako nananaginip dahil kasalukuyan ay nakahiga ako sa mga hita niya at hinihimas ang aking ulo. Naalala ko ang nangyari kaya umupo ako kaagad.

"Yanny, ano bang nangyari? Nasaan ako?" lumingon lingon ako sa paligid. Nasa isang silid ata ako.

"Wala ka bang maalala?" tanong niya. Nalungkot siya ng sagutin niya iyun.

"Bakit may nangyari ba?"

"Ice... wala na si Enzo. " ano? Hindi ako makapaniwala. Paano nangyari yun? Niyakap ko si Yanny dahil sa labis niyang pag-iyak.

"Tatlong araw ka nang natutulog Ice. Hindi ka gumigising... " dagdag niya. Ano ba talagang nangyari?

"Ice! Gising ka na!" si Ash yun. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Sumunod narin sina Grey, Leo, Storm at Andy.

"Talaga bang wala na ang prinsipe?" tanong ko sa kanila. Hindi nila ako masagot.

"Ano?! Wala bang magsasalita?" dagdag ko.

"Nagising kami wala na kayo ng Kamahalan. Nakaramdam ng panganib ang prinsesa kaya pinahanap niya kayo. Tapos napag-alaman naming pumunta kayo sa kaharian ng mga mapaglinlang na mga serena. Sinundan namin kayo. Tapos... pagkarating namin, wala ka ng malay. Ang Prinsipe naman ay nakikipaglaban para sa buhay mo.Tapos.... Hindi namin maintindihan. Bigla nalang siyang naglaho at naging bola. Hindi namin maipaliwanag kung paano nangyari yun. Dahil sagalit ng Prinsesa.... pinarusahan niya lahat ng serena at ngayon kasalukuyang naninirahan sa gilid ng mainit na bulkan." Paliwanag ni Andy.

"Pero... mamamatay silang lahat." Sagot ko. Pagnangyari yun... maglalaho ang lahat ng mahika ng tubig. Ang mahika ng tubig ay nagmumula lahat sa buntot ng mga serena; mabubuti man o masasama.

"Oo... pero kasalanan nila kaya nawala ang Prinsipe. Dahil sa mapusok sila kaya nawala ang Tagapagligtas. Paano na ang pagdating ng Drago? Hindi iyon kakayanin ng prinsesa." Dagdag ni Grey. Dahil sa sama ng loob ko umalis ako sa silid. Lumabas ako sa palasyo. Nandito na pala kami ulit sa Switcher World. Kasalanan ko to. Ako ang Diyos ng tubig. Dapat noon pa dinisiplina ko na ang mga serenang yun. Dapat noon pa ginawa ko na yun at di sana nangyari ang mga ito ngayon.

Ako ay isang tagapagtanggol ng isang Tagapagligtas. Tungkulin ko yun. Tungkulin kong protektahan ang buhay niya. Kahit buhay pa ang kapalit yun ang tungkulin ko. Pero anong ginawa ko? Siya pa ang nakipaglaban para sa akin. Wala akong kwenta.

"Waaah!!!!" sumabog ang tubig ng ilog dahil sa sama ng loob ko. Wala akong kwenta.

"Wag kang mag-alala. Bukas magiging malaya na ang mga serena" si Yanny yun. Sinundan niya pala ako.

"Hindi. Dapat lang sa kanila yun. Kasalanan ko rin naman. Wala akong nagawa para iligtas ang kamahalan. Dapat ako parusahan rin. Dapat..." hindi ko napigilan ang sarili ko kaya napaluhod ako at yumuko sa lupa. Pati ulan nakisama sa akin na kasalukuyang bumabagsak ngayon.

Niyakap ako ni Yanny at dahan-dahang hinihimas ang aking likod.

"Wala kanag kasalanan Ice. Hindi mo yun kasalanan." Gumanti ako ng yakap sa kanya pabalik. Kasalanan ko tong lahat.

"Paano pa ako mabubuhay kung kahit ang tungkulin ko ay hindi ko nagampanan? Mas mabuti pang tapusin ko narin ang buhay ko." Binitawan ko na siya at tumayo. Pupunta ako sa bulkan. Doon... isang talon ko lang at maglalaho ako. Wala na akong proproblemahin pa. Wawakasan ko na ang buhay ko. Isang kahihiyan ang isang katulad ko. Hindi ko man lang nailigtas si Enzo.

"Ice!!!" sigaw ni Yanny. Habang tumatagal lumalakas rin ang ulan.

"Ice!!! Bumalik ka! Wag mong gawin ang tumatakbo sa isip mo." Sabi niya ng mahawakan niya ang braso ko.

"bakit? May dahilan pa ba akong mabuhay? Yanny.. buhay ko ang paglingkuran kayo at ipagtanggol mula sa kapahamakan. Ngayon ano pang silbi ko?"

"Ako!!! Wala ba akong silbi sayo?"

"Ano bang sinasabi mo?" Lumakas pa ng lubusan ang pagbuhos ng ulan.

"Hindi lang naman si Enzo ang dapat mong protektahan e. Nandito pa ako. Tungkulin mo rin ako hindi ba?"

"Hindi Yanny... hindi ko nga naprotektahan si Enzo... pano pa kaya kung ikaw? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati ikaw hindi ko maipagtanggol. Sige na bitawan mo na ako." Dahan dahan kong tinanggal ang mga kamay niya sa braso ko. Tumalikod na ako at humakbang palayo.

Isa.

Dalawa.

Bumalik ako sa kanya at niyakap siya. Mabigat man sa akin pero kailangan kong gawin ito. Masasaktan man ako dapat lang na parusa ito. Hinalikan ko lang ang noo niya sabay sabing....

"Ingatan mo ang sarili mo" napaluha ako ng bitawan ko na siya at naglakad na palayo sa kanya. Mahal kita sana yung sasabihin ko ngunit ayokong malaman niya. Bumubos pa nang napakalakas ang ulan kaya nakakainis dahil hindi ko man lang mapigilan.

"Ice!!! T@ng-in@ ka!!! Dahil mahal rin kita!!!" nagulat ako sa sinigaw niya kaya napaharap ako pabalik sa kanya.

"Ano? Iiwan mo pa rin ba ako?" ano bang pinagsasabi niya. Isa pa tung mga ulan ayaw tumigil. Natigilan ako. Nabigla ako dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya ang mga katagang yun.

Tumakbo siya papalapit sa akin habang nakatayo lang ako at hindi maigalaw ang katawan ko.Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Mahal kita Ice. Kaya sana maging dahilan mo yun para mabuhay pa."

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon