Enzo's POV
Nandito pa kami ngayon sa siyudad. Isang malaking kasiyahan ang nagaganap ngayon dahil sa tuwa ng lahat na bumisita ang tagapagligtas. Sa hitsura ko di nila napapansin na isa rin akong tagapagligtas.
"Mahal na prinsipe! Dito!" tawag sa akin ni Storm. Nagsasayawan sila kasama ang prinsesa.
"Ikaw? Bat hindi ka nakisali sa kanila?" tanong ko kay Ice.
"Hindi ko gawain ang magsayaw."
"Sa tingin ko nga." Nakatingin lang siya sa direksiyon ng prinsesa.
"Anong tingin mo sa prinsesa?" tanong ko.
"Wala. Malakas."
"Maliban sa pagiging tagapagligtas niya. Anong nakikita mo sa kanya?"
"Maganda. Mabait."
"Sabi ko nga. Gusto mo siya?" tanong ko kaya napatingin siya sa akin at nawala ang ngiti sa mukha niya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi no. Tiyaka tagapagbantay niya lang ako. May ibang nakatadhana para sa kanya."
"Tadhana? Kahit hindi naman talaga niya mahal?" biglang sumeryso ang usapan namin. Tama. Kung itinadhana kami ng prinsesa talagang kami sa bandang huli. Pero parang labag naman ata sa kanya yun dahil hindi naman kami pareho ng nararamdaman.
"Tama ka. Ang prinsesa at prinsipe ay ang itinadhana. Ngunit kahit ikaw kamahalan ay walang laban sa lalaking gusto niya."
"Lalaki? Isang tagalupa?"
"Siguro. Pero may imahinasyon siyang nagsasabing mahal niya. Hindi nga naming masabi kung totoo ba o sadyang sa isip niya lang ito nabubuhay."
"Mukhang mahirap kalabanin ang hindi nakikita." Sabi ko at nagngitian nalang kami. Mukhang ang saya niya ngayon. Kung kaya ko lang basahin ang nasa isi ng isang prinsesa.
Mahal na prinsipe. Dalian niyo at may nalalapit na panganib akong nakikita.
Si Palama yun. Panganib? Hindi kaya yun na ang Drago? Nang tiningnan ko si Yanny parang hindi niya nararamdaman ang palapit na panganib. Kung ganun anong panganib?
"Ayos ka lang?" tanong ni Ice.
"Oo... sa tingin ko kailangan na nating umalis."
"Bakit?"
"May malaking panganib na darating sa palace town. Kailangan na nating mahanap lahat ng magic vessels." Tumango na lang siya at nilapitan sina Storm. Lumapit naman agad sila sa kinatatayuan ko.
"May alam akong portal dito papunta sa mundo ng mga tao." Sabi ni Storm. Tumango nalang kami at sumunod sa kanya.
"Prinsesa." Tawag ko kay Yanny. Tiningnan niya lang ako ng walang kaemoemosyon.
"Wala ka bang nararamdaman tungkol sa drago?"
"Kung meron man kanina pa." malamig niyang sagot. Kanina ang saya niya pero pagkinakausap ko ang lamig ng trato niya sa akin. Hindi ko siya maintindihan.
Dahil sa portal na sinabi ni Storm madali lang kaming nakapunta sa mundo ng mga tao. Nasa amin pa ang kanya-kanya naming dahoon ng punong Marvena. Nagbago ang hitsura ni Yanny. Naging itim ang makukulay niyang buhok.
"Ash!" tawag ni Yanny kay Ash.
"Akala ko sa susunod na araw pa kayo darating?"
"Medyo napabilis nga lang."
"Nga pala. May nabalitaan na kami tungkol sa Flute Master. Matagal na siyang pumanaw kaya ang magic vessel niya ay dumaan na sa ilang mga tagapagmana."
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasyAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...
