Chriveane
Parang lahat nalang ay isang surpresa. Akalain niyo? Hindi kami sa lupa dumaan. I mean may isang bahag-hari na lumitaw sa harapan namin. Tapos sabi nila doon kami dadaan.
Nandito na kami sa gitna ng bahag-hari. Woaah! Ang taas at ang ganda ng view.
"Princess wag kang masyadong magalaw at baka mahulog ka pa"-pagpapaalala ni Leo.
Oo nga pala nakasakay ako sa isang Unicorn. Bawal malikot. Ang tahimik naman dito. Ganito ba talaga?
"Ah Leo? Ganito ba talaga ka tahimik ang lugar niyo? Walang gulo?" Tanong ko habang nakakapit kay Conny.
"Hindi. Merong mga delikadong nilalang dito na lumalabas lang pag gabi. Kaya dapat bilisan natin at maabutan tayo ng gabi sa Witch District. Napakadelikado dun" paliwanag niya.
Witch District? Ibig sabihin may ika anim pang distrito?
"May ika anim na distrito?"
"Oo. Sige na wag ka nang maingay. Pababa na tayo"-Leo
Beni
Ang daldal talaga ng taga lupang ito. Problema talaga. Pano ba naman kasi, yung kambal ko di pa to tuluyang niligpit.
Walang may alam sa kambal kong si Enzo. Walang nakakaalam na hindi lang prinsesa ang biniyaya ng bathala ngayong henerasyon pati isang prinsipe din.
May anim na tagapagligtas na diyos at anim na tagapagligtas na diyosa. At ang nakakaalam lang ay ang Witch District at isa ako dun.
Hindi dapat malaman ng iba ang tungkol sa amin, lalo na tungkol sa prinsipe dahil kung mangyari yon, magugulo lahat ng plano namin.
Kung pwede sana ako ang magligpit sa taga lupa. Kaso wala pa akong kapangyarihan. Isa akong Fae, lumalabas ang kapangyarihan ko sa aking ika labing-walong kaarawan.
Mangyayari yun tatlong linggo mula ngayon. Sana matagpuan na nila Enzo ang Prinsesa upang makaalis na ako sa sitwasyon na ito. Tss. Makakasama ko pa tong tagalupang madaldal.
"Uy Beni. Okay ka lang?" Tanong ni Ash. Close ba kami? Di naman ata.
"Ah oo. Nakakaexcite lang talaga dito sa inyo"-ako
"Sus sinabi mo pa. Kung ikaw naeexcited? Ako? Exaggerated! Wooh" singit ng tagalupa.
"Ahh so Beni. Magkwento ka naman tungkol sa buhay mo. Tungkol sa buhay mo sa lupa"-Grey
Patay wala akong alam sa mundo ng mga tagalupa. Haler hindi ako taga dun! Ano bang sasabihin ko?
"Oo nga Beni. Taga Swayden ka diba? Anong pakiramdam don? Di pa ako nakakalanghap ng hanging made from Swayden"-tagalupa
Swayden? Saan naman yun? Wala din silang alam sa Swayden. May palusot na ako. Pwede akong gumawa ng kwento, tutal wala rin naman silang alam eh.
"Ah ano maganda doon. Lalo na tuwing umaga presko pa ang hangin, at ang mga tanim ay parang bagong tubo at namumulaklak. Sa hapon naman taglagas. Nahuhulog ang mga dilaw na dahon kaya makalat. Ang gusto ko ay gabi kasi umuulan ng-"ako
"Yebeeeee!"-tagalupa.
Yebe? Ano yun? Pinutol niya yung imaginary world ko para sa yebe na di ko alam.
"Oo yebe yun. Yung maliit na puti na bumabagsak, maganda raw yun at parang cotton. Yebe ba yun? O nyebe? Basta pareho lang yun"-tagalupa
"Oo yun nga"-ako sabay bigay ng konting ngiti.
"Ang ganda naman don. Sabi kasi sakin ni Mary tuwing taglamig lang nag yeyebe tapos sa inyo gabi gabi"-tagalupa
Ahhh naman o. May mali na naman ba akong nabanggit.
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasiAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...
