Enzo's POV
"Anong ginawa mo?" tanong ko kay Beni.
"Ano yun?" dagdag ko pa.
"Kailangan yun! Mabibisto tayo ng isang tagalupa? Ano bang dapat gawin? Dahil lang sa mababang nilalang nayan? Matatapos na lahat ng pinaghirapan natin? Hindi naman ata tama." Tama siya. Pero hindi tama ang ginawa niyang paghampas sa ulo niya.
"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ko.
"Edi tapusin siya baka siya pa ang magiging hadlang sa mga plano natin. Iwanan mo nalang sa gitna ng gubat."
"Ano?! Gubat?" medyo napasigaw ako dun.
" o bakit?"
"Delikado dun. Maraming nilalang dun. Mga nilalang na nawawala sa distrito nila at nagiging halimaw. Hindi maaari."
"Edi sunugin mo nalang. O kaya lasunin mo. Kahit ano gamitin mo ang kapangyarihan mo.Magiging sagabal lang siya."
"Hindi maaari Beni. Pagnalaman nilang may nawawalang kasamahan nila magkakaroon sila ng imbestigasyon." Sagot ko.
"Anong gagawin mo sa kanya?"
"Buburahin ang ilang mga ala-ala."
"Bahala ka. Nagpunta nga pala ako dito para sabihin sayong isa sa mga diyos ang nagbabantay sa lagusan. Yan lang ang tanging lagusan na maaari nating daanan. Pag may nakapasok na, madali ng masira ang barrier nila."
"Kung ganun isa sa atin ang papasok."
"Bahala na kayo. Nga pala ang crystal wala sa kanila. Kailangan ko ng bumalik. Baka nakakahalata na sila." Paalam niya. Ibig lang sabihin nito nandun parin sa lupa ang crystal. Ang problema saan kami magsisimulang maghanap?
"Sa wakas at nagkita rin tayo tagapagligtas." Bigla nalang tumayo yung tagalupa. Sa pananalita niya parang nasa ibang katauhan siya.
"Bat mo alam yan?" tanong ko.
"Sa tingin mo ba?May maitatago ka sa akin? Walang sekretong hindi ko nakikita kamahalan."
"Sino ka ba? Hindi ikaw ang tagalupa."
"Ito? Ang katawang to? Tagalupa? Akala ko pa naman mapapansin mo?"
"Ano bang sinasabi mo? Baka nakakalimutan mo ikaw na mismo ang nagsabi na ako ang tagapagligtas. Baka gusto mong mabura?"
"Teka lang. Wag namang nagmamadali kamahalan."
"Ngayon sabihin mo? Ano ba siya?"
"ooopss.. sa isang kundisyon muna. Ipapaubaya mo sa akin ang katawang ito hanggang sa araw ng kamahalan."
"At bakit naman?"
"Wala lang. Kung mangangako ka, sasabihin ko." Tama.. siya nga ang diwata ng mga espirito. Mahilig siya sa mga pangako ngunit di naman niya tinutupad. Isa siyang nilalang na kailan man ay di dapat pagkatiwalaan. Gamit ang mga kasamahan niyang mga espirito, nakakakuha siya ng mga impormasyong mahirap naming mahanap.
"Sa tingin mo? Hindi kita nakikilala? Kung ayaw mong lubayan ang katawang yan... sisiguraduhin kong huling pakikipag-usap mo na to." Medyo natakot siya sa sinabi ko kaya napaatras siya.
"Swerte ka lang ngayon. Pero hindi pa tayo tapos. Magbabalik ako at sa araw nayun mawawala ka na. Ako mismo ang magbubura sayo gamit ang prinsesa!" sigaw niya at umalis na. Nahimatay ulit ang tagalupa.
Ibig bang sabihin nito? May planong gamitin ng diwata ng mga espirito ang katawan ng prinsesa? Paano naman? Nakita na kaya niya kung nasaan ang prinsesa? Kainis! Dapat nakipagsundo nalang ako sa kanya kanina at tinanong kung saan ang tagapagligtas na prinsesa. Bakit ba kasi inalala ko pa tong tagalupang to.
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasíaAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...
