Ice's POV
Nasa loob kami ngayon ng kubo. Pilit pa rin naming ipaintindi sa dalawang taga lupa ang mga nangyayari. Nakilala na namin ang Prinsesa. Siya si Beni, Benitoite.
Ang Benitoite ay mula sa pangalan ng isang napakamahal na bato na kulay dark violet. May balat din siyang hugis bato sa kamay niya na kulay dark violet, na meron din ang iba.
"Ano? Hindi ko maintindihan. Ano nga ulit yun? Switches?" tanong ni Yanny
Naman tong babaeng to o, kanina pa kami nagpapaliwanag hindi parin niya makuha. Buti pa si Beni nakuha agad. Teka, I smell something fishy. Nung pinaliwanag namin sa kanya na siya ang prinsesa- na magliligtas sa aming mundo at mundo ng mga tao- Hindi naman siya nagulat na parang alam niya lahat.
Nakapagtataka yun diba? Kahit isang tanong man lang di niya natanong. Pero pwede rin namang malawak lang ang pag-iisip niya at naintindihin din niya agad di gaya ni Yanny na maliit ang utak, ang hirap maka intindi kulang nalang isaksak ang mga salita sa utak niya. Tss =_=
"Anong tawag sa mga babae dun? Fat?"-Yanny. Ahh naman o.
"Fae, Princess. Fae at hindi Fat!"-Leo. Haaaaay naku
"Ikaw Beni, anong hindi mo maintindihan?Ahm may tanong ka pa ba tungkol sa amin at sa mundo namin?" tanong ni Ash
"Ahm wala na. Ikaw si Ash, siya si Leo, Grey, Storm at Ice. Nakatira kayo sa mundo ng mahika na tinatawag na Switcher World tapos may limang distrito ang fire, water, air, land and nature. Kayo ang gods at akong Princess. Tapos ika-anim ang Wiz...ay wala na"
Nagulat ako sa huling nabanggit ni Beni. Hindi ito napansin ng mga kasama ko. Nakapagtataka alam niya na may ika-anim na distrito na wala naman kaming tinuro sa kanya tungkol dito.
"Naman oh, bakit ang hirap intindihin? Fae tapos Zae? gods tapos Princess? At ano nga ulit yung tawag sa mundo niyo? Swayder? Ano yun, nasa dulo na ng dila ko eh!" Yanny. Ewan ko sa babaeng to... apkamot kamot pa sa ilong niya.
"Switcher World princess. Hindi Swayder!!"-Ash
"Hmm, malapit din ba yun sa Swayden? Dun kasi nakatira ang kaibigan kong si Enzo eh"-Yanny
"So ano ang gagawin natin ngayon?"
Nabigla ako ng sumulpot at nagtanong si Beni. Nakapagtataka at nagsalita at nagtanong siya. Lumapit si Grey sa akin.
"Anong gagawin natin kay Princess?" tanong ni Grey
"Malay ko, wala akong responsibilidad sa kanya"
Totoo naman eh!
"Ano kaba! Hindi pwedeng iwan natin siya dito"-Grey
"Alangan namang isama natin siya?"-ako
"Tama!!! Binigyan mo ako ng ideya!"
Aaay ano ba to.
"Anong ideya?" tanong ko
Sa unang pagkakataon walang pumasok sa utak ko. Itong Yanny kasi dagdag problema e.
"Mission: Isama si Princess sa Switcher World"-Grey
"Ano? Are you out of your mind?" sigaw ko sa kanya
"Alam mo kasi dahil sa alam na niya ang tungkol sa atin, malaki ang pagkakataong babalikan siya ng mga Wizards. At alam niya na ang tungkol sa atin, isa sa pinagbabawal na batas ay ang walang dapat makaalam tungkol sa atin na tagalupa diba?"- Grey
Oo nga, problema ito. Ang hirap naman, isa pa sakit sa ulo yung Yanny na yun. Nakakainis naman lalo na at hindi niya kabisado ang Switcher World baka ano ang mangyari sa kanya- ha? Sinabi ko yun. Eraseeeee.
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasiAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...
