Chapter 9

18 3 0
                                    

Cedrick

Naramdaman ko na ang aura ng limang tagapagligtas. Malapit na ang kanilang pagdating. Sana lang nagtagumpay sila sa kanilang misyon sa paghahanap sa prinsesa.

Hindi ko man mapag-alam kung ano ang mga nangyayari pero sana maging maayos ang lahat. Sa mga nagdaang panahon na wala ang limang diyos, nangamba ako dahil may naramdaman akong isang napakalakas na aura.

Alam kong hindi yon aura ng prinsesa. May nilalang pa na kasing lakas ng prinsesa at yun ang pinoproblema ko. Mahirap kalabanin ang Drago.

Bawat limang daan at dalawampung taon ay umaatake ang mga Drago. Sila ang nilalang na labis na kinatatakutan ng lahat. Para silang tao na ubod ng taas at kinakain nila lahat ng makita nilang Switch at tao.

Mga halimaw, yun ang tawag sa kanila. Walang awa nilang kinakain ang lahat-nang buhay. Nakapagtataka lang ay hindi sila kumakain ng hayop. Pero yun ay mga nakalipas na henerasyon na.. iba na ngayon.. ibang drago na.

*click...click*

Ang comprae, umiikot ito. Ang comprae ay isang bagay na nagtuturo kung sino ang prinsesa. Tinuturo nito ang-

"Labas" sambit ko sa sarili

"Bakit Cedrick?" Tanong ng Mahal na Reyna. Nasa palasyo kasi ako. Naghihintay kami sa pagdating ng limang diyos at prinsesa.

"Ang comprae, tumuturo sa labas" sagot ko. Ngumiti naman ang reyna

"Isa lang ang ibig sabihin. Nandito na ang prinsesa" masayang sabi ng reyna.

Sabagay, lahat ay natutuwa dahil sa pagdating ng prinsesa. Nasasabik na silang makilala ito.

"Mahal na reyna. Nandito na po ang limang diyos kasama ang dalawang tagalupa" sabi ng isang kawal.

Dalawang tagalupa? Hindi ko labis maintindihan. Lumapit ako sa reyna.

"Mahal na reyna. Nakapagtataka bakit dalawang tagalupa ang kasama nila?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam Cedrick hintayin nalang natin sila" mahinahong sagot ng reyna.

Bumukas ang pinto at naunang pumasok ang limang diyos. Yumuko sila at nagbigay galang sa mahal na reyna.

"Mula sa mundo ng lupa, nakita po namin ang prinsesa at dinala rito" pahayag ni Ice

"Sige papasukin" sagot ng reyna.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng may mahaba ang buhok at naka kulay itim na damit.

*click... click*

Ang comprae, tinuturo nito ang babae. Nilapitan ko ang babae o sabihin na nating prinsesa, seryoso ang mukha niya na parang hindi nagugulat. Lumapit pa ako ng kaunti at nilapit ang mukha ko sa kanya.

"Hi?" Nagulat ako sa nagsalita.

Isa pang babae sa likuran ng prinsesa. Nakatali ang buhok niya ng isang taling gawa sa tela. Tapos may palamuti ang buhok niya na ipit na may ubod ng liit na bato. Iba ang aura na nararamdaman ko sa taong ito. Masyado siyang masigla at... matanong?

"Wow ang ganda dito. Bahay niyo ba to? Sobrang laki" pagkamangha niya habang pa ikot-ikot ang ulo.

Kakaiba ang dilag na ito. Masyado siyang interesado sa mga bagay bagay. Mas maingay siya sa kasama nilang tao... ang prinsesa pala.

"Huy Leo! Ang galing naman nito. Ang laki ng kwarto! Saan ang kama rito?" Tanong ng tagalupang madaldal

"Hindi ito kwarto. Mag hunos-dili ka nga. Nasa harap ka ng mahal na-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang nagbigay ng senyales ang Reyna na 'sandali lang'.

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon