Chapter 27

16 0 0
                                    


Ice' POV

Habang magkasama kayo hindi niyo mapipigilang isa sa inyo ang malagay sa panganib at maaaring kapwa ay mamatay.

Simula nong narinig ko ang pinag-usapan ng diwata ng espirito at ng prinsesa hindi ko maiwasan ang mag-isip para sa kanila. Tagapagtanggol ako ng tagapagligtas kaya dapat nasa tabi nila ako.

"Leo.. kailangan kong bumalik. Kaya mo bang mag-isa?"

"Ayos lang ako. Para sa pagiging tagapagtaggol. Ingat." Sabi niya at tumango lang ako. Tumakbo ako papunta sa kubo. Habang papalapit ako may naririnig akong musika. Ang sakit nito sa tenga. Hindi kaya ito yung musika na nanggagaling sa flute?

Nagbabakasakali ako kung anong maaaring maidulot ng musika kaya nilagyan ko ng tubig ang tenga ko. Pag nasa ilalim ka ng tubig wala kang maririnig. Pagdating ko sa kubo namimilipit na sila pareho sa sakit. Hinanap ko ang pinanggalingan ng musika at nakita ko nga. Nasa itaas ng puno. Ang flute master. Kumuha ako ng tubig malapit sa balon at hinampas ito sa kanya. Kailangang mapahinto kahit sandali ang musika.

Tinulungan kong tumayo ang prinsipe at prinsesa.Ahh!! may tumama sa likod ko. Ang sakit.

"Ayos lang kayo?" tumango naman sila pareho.

"Lagyan niyo ng tubig ang tenga niyo. Makakatulong ito." Sabi ko at ginawa naman nila. Ngayon anong gagawin namin?

"May plano ba tayo?" tanong ko habang nakatingin sa paligid. Hindi sila sumagot kaya tinanong ko ulit.

"May plano ba tayo?" ano bang nangyayari bat hindi sila sumasagot?

"Sabi ko..." nga pala hindi nila ako maririnig. Kailangan naming kumilos ng kanya-kanya. Nasaan na siya? Hindi pwedeng masira ang flute. Dapat matalo namin siya ng hindi ito nasisira.

Ayun siya! Nasa likod ng isang puno. HIndi ka na makakatakas ngayon. Kumuha pa ako ng tubig at itinaas. Suminyas ako sa mga kasama ko na nasa likod ito ng puno. Lumipad si Yanny sa itaas. Pinagalaw ni Enzo ang ugat ng puno at itinali ang kalaban. Ginamit ko naman ang pwersa ng tubig upang mabitawan niya ang flute. Kinuha naman ito agad ni Yanny. Lumapit na kami sa kanya at tinanggal na ang tubig sa tenga naming.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Enzo.

"Ano kayo? Mga mangkukulam? Alien? Paano niyo nagawa yun?" sunod-sunod niyang tanong.

"Ano bang kailangan niyo?" tanong ni Yanny.

"Ginto. Marami kayong ginto hindi ba? Sasabihin ko sa inyo. May mahika ito. Bibigyan ko kayo pakawalan niyo lang ako."

"Hindi na bale." Sabi ko at tumalikod na sa kanila. Ang hapdi ng likod ko. Hindi ko alam kung anong tumama dito.

"Kalimutan moa ng lahat. Hindi mo kami nakilala at hindi moa lam ang tungkol sa flute." Sabi ni Yanny at pinatulog ang lalaki.

"ayos ka lang?" tanong sa akin ni Enzo.

"oo.. nga pala anong gagawin niyo sa kanya?"

"Ibabalik na siya sa bahay nila ng walang naaalala."

"Kaya niyong mambura ng alaala?" tanong ko.

"oo." Kung may mga ala-ala akong hindi maalala siguro sila ang maygawa nun.

"Salamat nga pala sa pagligtas mo sa amin" sabi ni yanny ng makasabay na naming siya sa paglalakad.

"Wala yun. Tagapagtaggol ako ng tagapagligtas trabaho ko yun." Sagot ko.

Binalik ni Enzo ang lupa sa dating anyo. Pumunta na rin kami sa parke. Gumagabi narin kasi. Kumusta kaya ang mga kasamahan naming?

"May masakit ba sayo?" tanong ni Yanny.

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon