Chriveane's POV
"Ash." Sabi ko nang makarating ako sa park.
"Nakita na ng prinsipe ang pangalawang magic vessel." Sagot niya
"kung ganun umuwi na tayo" sabi ko at umalis na kami.
Pagkarating namin sa kubo nandun si Grey, Andy at Enzo. Napatingin ako sa kama. Si Ice, natutulog pa.
"Maayos na ang kalagayan niya. Magaling na rin ang sugat niya. Kailangan niya lang magpahinga." Mabuti naman. Tama nga ang sinabi ni Falmera. Kung hindi dumating kanina si Ice isa sa amin ng prinsipe ang tinamaan nun. Hanggang magkasama kami hindi maiiwasang isa sa amin ang mapapahamak. Lalo na ngayong nandito kami sa mundo ko, hindi maiiwasang ilayo siya sa panganib.
Maya-maya pa'y gumising na si Ice.
"Ayos ka na?" tanong ni Grey.
"Ano bang nangyari?"
"Bakit? Wala ka bang maalala?"
"Tanda ko pinag-usapan niyo kanina na ititigil niyo ang mundo ko. Teka, gabi na ha. Ibig sabihin tumigil nga ang mundo ko? Teka? Ang sugat ko?!"
"Wag ka ngang praning. Magaling ka na." sagot ni Grey. Napabuntong hininga naman siya.
"Salamat." Biglang sabi ni Enzo.
"Saan?" tanong naman ni Ice.
"Kung hindi ka dumating malamang isa sa amin ng prinsesa ang tinamaan nun. Kaya salamat." Bat kaya ang seryoso niya? Hindi naman big deal sa kanya yun kasi nga alam naman niya na tungkulin ng mga diyos na iligtas ang tagapagligtas.
"Wala yun tungkulin ko yun." Sagot ni Ice sabay tingin sa akin. Hindi ako tumitingin sa kanya dahil pinagmamasdan ko si Enzo. Nahalata ko lang dahil sa peripheral vision ko. Alam niyo yun? Yung parang nakikita niyo lahat ng 180 degrees? Saan ko ba napulot ang mga kaalamang yun?
Balik sa pinag-uusapan. Minamasdan ko si Enzo dahil parang may mali sa kanya. Ewan ko kung ano. Pinaliligiran siya ng itim na awra. Ano yun? Kamatayan? Wala naman akong nakikitang ganun sa iba. Sa kanya lang. Napapansin rin ba ng iba ang awrang taglay niya? O sadyang ako lang?
"Nga pala, ang ikatlong vessel nasa tuktok ng bulkang Binayo." Sabi ni Leo.
"Bulkang Binayo? Hindi ba dilikado yun?" tanong ko.
"Oo nga. Bat naman titira dun ang isang tagalupa?"tanong ni Ice.
"ganito yun. Ang bulking ito ay hindi na sasabog pa. Extinct kung tawagin nila. Matagal ng panahon mula nung may tumira dito kaya ngayon naging isang matahimik na baryo na ito." Paliwanag ni Leo. Ibig sabihin marami ng taong nakatira doon.
"Saan naman natin matatagpuan ang Bulkang ito?" tanong ko.
"Kung sa mundo ng mga tao ay nakalimutan ko ang lugar na ito. Pero sa aking tansya, Tatawid pa tayo ng halos labing limang bundok para marating ang bulking ito."
"Bulkang Binayo baa ng pinag-uusapan niyo?" tinig ngf isang babae.
"Mika?"
"Kilala mo siya kamahalan?" tanong ni Andy sa prinsipe.
"Sinundan kasi kita kanina. Bilang pasasalamat narin tutulungan ko kayo sa kahit anong paraang kaya ko." Sabi niya.
"Hindi na kailangan." Sagot ko kaya napatingin silang lahat sa akin.
"Prinsesa..." sabi ni Ash.
"Prinsesa? Alam kong iba kayo, na hindi ko alam kung ano, pero maniwala man kayo o sa hindi alam na alam ni itay ang tungkol sa inyo. Kaya bilang pasasalamat narin sa iyo, kamahalan o ano kaman, tutulungan ko na kayo."
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasyAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...
