Ice's POV
Nasa pagamutan parin kami. Hindi ko masabi kung anong kalagayan ni Yanny lalong lalo na sa prinsipe.
"Masasabi kong gumagaling ang prinsesa." Sabi ni Grey.
"Salamat naman." Halos sabi naming lahat.
"Pero.." dagdag niya.
"Anong pero?" tanong ni Ash.
"Baligtad ang nangyayari sa prinsipe. Lalo siyang lumalala."
"Bakit ganun?" tanong ni Leo.
"Hindi ko rin alam pero nabanggit na ito sa akin ni Falmera. Alam niyang ganito ang mangyayari." Sagot naman ni Grey.
"Wala ba tayong ibang pwedeng gawin? Lunas o kahit ano?" tanong ni Andy.
"Storm meron alam tungkol gamot"
"Ano yun Storm?" tanong ko.
"Balahibo dakilang Pegasus."
"Balahibo ng pakak ng dakilang Pegasus? Narinig ko na rin ang tungkol diyan. Napapagaling daw nito ang kahit anong malulubhang sakit" Banggit ni Andy.
"Ang balahibo ng pakpak ng dakilang Pegasus ay mahirap makuha. Kailangan muna nating kunin ang loob nito." Sabi ni Grey.
"Pero wala na tayong oras. Kailangan may magsimula na sa paghahanap sa mga magic vessels." Sabi ni Leo.
"Ganito nalang. Ice at Storm, kayo nalang ang sumama kay Enzo kami naman magsisimula na sa paghahanap." Sabi ni Ash.
"Magandang ideya yun. Pero ang prinsesa?" tanong ni Andy.
"Ako? Sasama ako kina Ice."
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa tuluyang magaling." Pag-aalalang sabi ni Grey.
"Hindi na kailangan. Malakas na ako at kailangan na nating kumilos bago pa mahuli ang lahat."
"Tayo na" sabi naman ni Ash at nagsialisan na.
Ngayon umaasta na siyang pinuno. Simula nong Zodiac malaki na ang pinagbago niya. Yung tipong lahat ng kaalaman sumanib nalang sa kanya. Ang daming niyang alam tungkol sa paggamit ng mahika kahit hindi naman itinuro sa kanya. Pano kaya nangyari yun?
"Dahil talagang malalaman niya yun."
"Palama? Anong ginagawa mo dito? Nagbabasa ka na naman ng mga iniisip namin."
"Hindi. Narinig ko sa isip ng prinsesa may isang mahalagang gampanin daw siya sa mundo."
"Ano naman yun?"
"Kailangan niyong magawa ito ng tama. Kailangan niyong mapatay ang drago."
"Hindi pa nga naming nahahanap ang mga magic vessel paano naming magagawa yun?"
"Basta. Kailangan niyong matalo ito kundi isa sa kanila ay dapat magpaalam."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Masyadong mabilis ang pagkukuwento niya.
"Kapalaran ng dalaway hindi masyadong maganda. Kapag patuloy silang magkasama mapapahamak ang isa o parehong mapapasapanganib ang buhay nila kapag tumagal."
"Kaya kailangan may mawala sa kanila?"
"Oo.. at yun ang iniisip ng prinsesa."
"Kailangan niyang mawala? Para sa prinsipe"
"Ganun na nga Ice. Kailangan mo silang protektahan pareho. Kaya ka nabuhay para sa bagay nay un." Tama ka Palama. Trabaho ko yun. Tagaprotekta ako ng tagapagligtas. Sila ang tagapagligtas.
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasyAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...