Ice's POV
Nasa gitna parin kami ng palayan. Hindi namin maisip kong paano kami makakaalis rito.
"Kung ang kamahalan ang nananaginip, dapat siya ang magising para makalabas tayong lahat."sabi ni Andy.
"E paano nga?" tanong naman ni Ash.
"Sampalin kaya natin? Yun ang mabisang panggising e."sagot ni Yanny.
"Sa katawang natutulog at hindi sa panaginip." Sagot ng prinsipe. Sinubukan kong mag-ipon ng tubig gamit ang mahika ko ngunit hindi ko magawa. May mali nga talaga.
"Ash. Subukan mo ngang gumawa ng apoy." Utos ko.
"sige." Tumayo siya at sinubukan niya.
"Hindi ko magawa!"
"Ako rin!" sagot narin ng iba.
"Sa panaginip hindi ba nagagawa natin lahat ng gusto natin? Hindi tayo namamatay sa panagginip." Sabi ni Grey.
"Hindi nga.. dahil pagnamatay kayo... hndi na kayo magigising pa! Wahahaha!"
"Sino ka?" sigaw ko.
"Guys... ang mga ngipin ko..."Sabi ni ni Leo.
"Alam niyo ba ang ibig sabihin ng panaginip na naglalaglagan ang mga ngipin? May mamamatay! Wahahaha"
"Magpakita ka! Duwag!" sigaw ni Enzo.
"Enzo... ikaw ang pakay niya." Sabi ng prinsesa.
"Ano bang ibig mong sabihin kamahalan?" tanong ni Andy.
"Kagabi... napapansin ko na ang itim na hanging bumabalot sayo. Kagabi ka pa pinagmamasdan ng elementong kasama natin. Kung mamamatay ka... lahat tayo hindi na makakalabas sa panaginip mo. Panaginip mo to kaya dapat managinip ka ng maganda."
"Ano pa bang maganda sa pakikipaglaban?" tanong niya.
"Pagkain,"Ash
"Swimming" Leo
"Maraming fae" dagdag ni Storm kaya napatingin kaming lahat.
"Bakit? Sama ba isip gandang fae?"
"Ganito nalang, pagmaymangyaring hindi maganda isipin nating panaginip lang ito at baka may mangyaring iba." Sagot ko.
"Pano kung hindi?" tanong ni Grey.
"Gawin nalang natin."dagdag ko.
"Enzo?.. tulong.."pamilyar ang tinig nayun ha. Hindi... panlilinlang lamang ito.
"Wag kayong maniwala panlilinlang lamang ito."sabi ko sa kanila.
"Enzo! Waaah!!"
"Beni!" sabi ng prinsipe at tumakbo patungo sa boses.
"Kamahalan!" sigaw ni Andy. Sinundan namin ang prinsipe na sumulong papasok sa usok.
Teka.... nasaan na sila?
"Waaah!"
"Yanny." Nalintikan na. Sabi ko huwag maghiwahiwalay e. Ngayon mapapahamak pa siya. Hindi siya pwedeng mapahamak sa panaginip na ito dahil kung totoo nga baka hindi na siya makakabalik pa sa totoong mundo.
"Tulong! Tulong!"
"Prinsesa nasaan ka? Wag kang maniniwala sa mga nakikita mo. Kung pwede ipikit mo lang ang mga mata mo!" sigaw ko habang sinusundan ang tinig niya.
Pagkarating ko sa kinatatayuan niya bigla nalang niya akong sinunggaban ng suntok.
"Yanny.. may problema ba?" hindi pa siya nakuntento at sinuntok pa niya ako ulit. Sa lakas niya parang iba ang pagkatao niya. Mas malakas siya para sa isang babae. Hindi kaya sinapian siya ng masamang elemento? O di kaya mahika, o baka naman nasa halusinasyon siya ngayon?
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasyAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...