Chapter 16

16 1 0
                                        

Chriveane's POV

Umalis na lahat sila at naiwan ako dito sa palasyo. Kinakabahan tuloy ako sa mangyayari. Paparusahan kaya ako ng reyna? Hindi ko pa naman nasabi na lumalabas ako ng palace town pano na pagnalaman nila? Siguro papatayin nila ako.

"Alam kong nagugulahan ka ngayon Yan-yan kaya maari ka nang magtanong."

"Talaga? Ahm.. ano po yung pinag-uusapan kanina na tungkol sa diwata ng mga espirito? Ano po bang kailangan niya sa akin?"

"Alam kong yan rin ang una mong itatanong. Siya si Falmera. Isa siyang diwata kagaya ni Palama. Si Palama sa palaka, siya naman sa mga espirito."

"pero ano pong kinalaman ko sa kanya?"

"Dahil sa labis na kagustuhang magkaroon ng katawang lupa."

"Po?"

"Upang magawa yun kailangan niya ang crystal."

"Pero wala sa akin ang crystal." Kahit anong sabihin ko naniniwala parin pala sila na nasa akin ang crystal. Paulit-ulit ko nang sinasabi na wala ayaw paring maniwala.

"Kahit ano alam ng mga espirito. Kung ikaw ang nais niya alam niyang nasa iyo lamang ito na kahit ikaw hindi mo alam."

"Kung nasa akin man, bakit nais niyang magkaroon ng katawanglupa?"

"Dahil sa pag-ibig. Iniibig niya ang aking kapatid na si Alfonzo. Upang matupad ito kailangan niya ng katawang lupa. Minsan niya na itong ginawa at sa mismong kaibigan niya. Nagagamit niya ang katawan ng kaibigan niya ngunit pansamantala lamang."

"kaibigan? Isa din ba siyang diwata?"

"Hindi..si Valera. Isa siyang wizard. Isang kabighabighaning nilalang. Nakipagsundo si Falmera kay Palama. Nangako siyang sasabihin kay Palama ang mga sikretong gamot upang maging purong katawang tao ngunit sa totoo wala naman talaga. Pinanakaw niya kay Palama ang crystal sa palasyo upang maging isa siya sa katawn ni Valera."

"Nangyari po ba talaga ang nais niya?"

"Hindi. Kaya siya nagbalik upang gawin ulit ito gamit ang katawang lupa mo."

"Ako? Bakit ako?"

"Hindi ko rin alam. Siya lang ang nakakaalam." Hindi na sinabi ng reyna kung anong sunod na nangyari. Hindi ko na rin inalam pa baka kasi masyadong personal yon. Kapatid niya pa naman yung nasa usapan.Ano kaya siya? Kuya niya o batang kapatid?

"Yan-yan..." tawag sa akin ng kaklase kung fae. Mas matanda ako sa kanya bakit hindi ate ang itawag niya sa akin? Ano siya? Hindi ba uso ang respeto dito?

"Bakit?!" medyo galit kong sabi. Pero joke lang yun.

"Balita ko may magic vessel ka?"

"Ahh.. ito?" kinuha ko yung ribon tie ko. Ang sabi kasi ni Leo mas maganda kung yung magic vessel ko ay yung bagay na palagi kong dinadala kaya pinili ko yung ribbon tie ko.

"Anong nagagawa nyan?"

"Ahmm kahit ano... pwedeng lubid pwede ring patpat at siyempre wand."

"Galing!"

"Talaga."

"Teka.." sabi nung nasa likod na fae. Medyo maldita siya.

"Ang sabi ng ni prinsesa Pearl ang mga binibigyan lang daw ng magic vessel ay yung mga tao."

"Oo nga."

"Bakit? Tao ka ba?" e ano namang masama sa pagiging tao ko? Kabatabata pa nang-aaway na. Wala talagang magandang maidudulot ang mga prinsesang yun. Siguro sila ang nagturo mang-away sa mga batang to ha.

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon