Ice's POV
"Mahal kita Ice. Kaya sana maging dahilan mo yun para mabuhay pa."
Nakakataba ng puso ang mga sinabi niya...pero sana totoo nalang. Maniniwala na sana ako kung hindi ko lang sana talaga alam ang totoo.
"Alam mo bang isang napakalaking kasalanan ang paglaruan ang damdam ng iyong Diyos?" bulong ko sa kanya. Tumigil na ang pagbuhos ng ulan. Humiwalay naman agad siya sa pagkakayakap sa akin.
"Sayang... nabuko mo ako. Galing mo" napangiwi ako sa sinabi niya. Naglaho ang lahat ng nakikita ko. Tama... isang paglilinlang lamang ang lahat.
"Sa dami ba kasi ng pwede mong linlangin ako pa... at sa dami ng pwede mong ilinlang sa akin ang pag-ibig pa ng prinsesa. Nagawa mo pang patayin ang prinsipe." Medyo natatawa kong sinabi sa kanya.
"Diyos ko, huwag mo naman kasing itago. Wala kayong matatago sa amin lalo na kung pag-ibig ang pag-uusapan. Alam kong mahal mo ang tagapagligtas ngunit ang mahal naman niya ay ang kamahalan kaya ginawan ko na ng paraan."
Napalingon ako sa paligid. Nandun ang prinsipe. Mukhang nasa ilalim rin siya ng isang imahinasyon. Alam ko namang napapansin niya rin iyon pero parang ayaw pa niyang tumigil.
"Mahal niya ang kanyang ina at dahil sa pagkakaulila mas pinipili niya ang makasama ito. Ito ba ang imahe ng isang tagapagligtas? Mas pipiliin ang isang hindi makatotohanang mundo kaysa ang iligtas ang lahat mula sa panganib?"
"Masyado ng mapangahas ang dila mo nilalang." Sagot ko sa mga sinabi niya.
"Totoo naman e. Bakit? Ililigtas mo ba siya? Pagkakataon mo na to para makuha ang prinsesa."
"Hindi... hindi niya iiwan ang kanyang responsibilidad. Naniniwala siya sa akin kaya pinapaubaya na niya ang lahat. Kaya ikaw tigilan mo na yan kung ayaw mong maglaho." Banta ko sa kanya. Sa pagkakataong ito ako naman ang magliligtas sa kamahalan. Kahit isa lamang iyong imahinasyon, hindi ko hahayaang mangyari iyon. Kahit pa sana ang kapalit ay pag-ibig ng prinsesa, hindi ko hahayaang mawala ang buhay ng tagapagligtas sapagkat tungkulin ko yun. Binuhay ako ng dahil sa tungkuling yun.
"Maglaho? Nagkakamali ka ata Ice.." Ice? Tinawag niya lang akong Ice?
"Matagal na rin kaming nabubuhay sa takot na baka balang araw parusahan mo kami. Pero...pero... isang nilalang ang lumapit sa amin. Ngayon, alam na naming mas kailangan mo kami higit pa sa kailangan ka namin... Ice. Ako ang pinuno ng kahariang to. Kung anong iuutos ko gagawin nila kahit buhay pa ang kapalit."
"Pinaiiksi mo talaga ang pasensya ko. Pinuno ka lang ng karagatang ito. Ako... AKO PARIN ANG INYONG DIYOS!" Hindi ata nila alam na maliban sa mga buntot nila pwede kong ilagay lahat ng mahika sa diamante. Iyon ang ikalawang paraan upang maprotektahan ang aming pinakaiingatang mahika. Pagnawalan ng buhay ang isang serena naglalaho rin ang mahika ng tubig na nasa buntot niya. Kaya bilang paraan, nilikha ang mga diyamante hindi lang para sa Tower kundi para naring lagayan ng mahika.
"Anong gagawin mo? Papatayin mo kaming lahat? Edi maglalaho ang lahat ng mahika... baka nakakalimutan mo nasa buntot namin ang mga ito."
"Hindi ko nakakalimutan. Ngunit, baka nakakalimutan mo ring... palaging may pangalawa." Tinaas ko ang aking kanang kamay hudyat ng aking pagkagalit. Tinawag niya lahat ng kanyang mga kasama.
"BILANG DIYOS NG TUBIG...AT KAYO BILANG MGA NILALANG NG TUBIG, PINAPARUSAHAN KO KAYO DAHIL SA INYONG MAPUSOK NA UTAK. KAYO AY MAGDUDUSA SA KULUNGAN NG KAWALAN. KAYO AY MABUBUHAY SA PASAKIT AT KALUNGKUTAN AT KAHIT KAILAN HINDI MAMAMATAY!" biglang umikot ang paligid.
"Anong?!" nagsilanguyan lahat ng mga kasama niya. Kahit gustuhin man nilang magpakamatay, hindi nila magagawa iyon dahil habambuhay silang mabubuhay sa pasakit at kalungkutan sa kulungan ng kawalan.
"Aahhh!!!" sigaw ng iba. Hindi sila makakalayo dahil pinainit ko ang tubig ilang metro mula sa kinatatayuan ko; kinalulutangan ko. Pinainit ko pa ito upang mas lumapit pa sila sa akin.
"Pinuno.. anong gagawin natin?" tanong ng isa sa kanila.
"Wala kayong gagawin dahil makukulong KAYO!!" singit ko. Inikot ko ang aking kamay at isa isa silang naglaho.
"Ngayon ikaw naman." Napaatras siya sa aking ginawa.
"Sige... ibabalik ko na sa tunay na mundo ang prinsipe." Bumalik naman sa katinuan ang prinsipe.
"Ang bilis naman." Sabi ni Enzo.
"Ngayon... ibigay mo na sa akin." Sabi ko sa kanya.
"Ang ano?" medyo magulo niyang tanong.
"Ang panghuling vessel. Iyan ba?" turo ko sa suot niyang singsing.
"Ito? Imposible. Galing to sa taong mahal ko kaya imposibleng ibibigay ko ito sayo. Patayin mo nalang ako!" hay.. pag-ibig. Napatingin lang ako kay Enzo. Huminga siya ng malalim at binaling ang tingin sa serena.
"Sera.. hindi ba?" tanong ng Prinsipe.
"Bat mo ako kilala?" nagtatakang tanong niya.
"Hindi mo ata alam na kaya kong gawin lahat. Bakit mo pilit pinapahalagahan ang isang bagay na hindi naman para sayo."sumeryoso ang mukha niya sa serena.
"Hindi akin to. Akin to!" nagalit ang serena kaya nag-iba ang hitsura niya. Ang pangit nilang magalit. Hindi ko napansin na ang bilis niyang makalapit sa tagapagligtas. Agad naman siyang napatigil dahil sa kinontrol siya ng kamahalan.
"Isang hinga ko lang kaya kitang abuhin kaya huwag mo akong gagalitin." Bigla namang lumubog pailalim ang serena kaya bumaba narin kami.
"Ako ang nauna. Binigay ko sa kanya ang lahat. Naging mayaman siya ng dahil sa akin. Tao lamang siya pero para sa akin mas makapangyarihan ang mga ngiti niya, ang titig niya. Lagi naman niya akong binibisita sa dalampasigan. Pero isang araw hindi na siya bumalik. Napag alaman kong magpapakasal na pala siya. Anong magagawa ko. Mahal nila ang isa't- isa. Ang singsing.. ako dapat ang bibigyan niya nito kung hindi lang dumating ang pangit na yun. Kaya isang gabi, bilang parusa sa mapusok na lalaking yun, kinuha ko ang asawa niya at hanggang ngayon ay nasa kulungan. Akin ang singsing nato akin to!" Lumangoy na naman siya papalapit sa prinsipe. Inataki niya ito. Pero gaya ng inaasahan, Wala siyang laban dito.
"Aaaah!!! Akin to!" ang singsing ng pag-ibig. Ito ang huling vessel. Kailangan na naming makaalis dito.
"Tumigil ka na nilalang! Bilang isang nasasakupan ko, isang pagkakamali ang ipahamak ang isang tao. Kaya bilang parusa, mabubuhay ka bilang tao at walang maaalala. Pagsisilbihan mo ang babaeng kinulong mo hanggang sa mamatay siya. Pag nangyari iyon, malaya ka na. pwede ka nang mamatay kasama ang taong pinagkaitan mo ng mga panahon na sana kasama ang taong mahal niya."
"Hindi!!! Waaah!!!" kinuha ni Enzo ang singsing at pinalaya ang babaeng kinulong sa loob nito.
" Tayo na. Bumalik na tayo." Anyaya niya sa akin.
Sinamahan namin sila sa kanilang lugar. Walang maalala ang babae.
"Esperanza? Esperanza ikaw nga! Himala nagbalik ka!" niyakap siya ng isang matanda.
"Sino ka?" tanong ng babaeng nagngangalang Esperanza.
"Ako ito. Ang iyong bunsong kapatid. Anong nangyari? Bat.. bigla kang nawala? Bat hindi ka tumanda?" sunod sunod nitong tanong.
"Wala akong maalala." Tanging sagot niya lang.
"Esperanza? Mahal ko?" isang matandang lalaki ang bumungad sa lahat.
"Ikaw nga!" tumakbo ito papalapit sa kanya at niyakap.
"Ang tagal kitang hinintay."
"Umuwi na tayo." Sabi ko kay Enzo. Tumango lamang siya.
"Anong nangyayari?" lumilindol.
"Heto na naman. Mag-dadalawang linggo na to. Kailangan na nating makaalis dito!" sigaw ng isa sa mga tao. Magdadalawang linggo? Hindi pa to nangyayari mula ng umalis kami ha.
"Ibig bang sabihin?" tumingin ako kay Enzo.
"Dalawang linggo tayo sa ilalim ng dagat?"Kung ganun ano nang nangyari sa mga kasama namin? Sa Prinsesa?
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasyAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...
