Chapter 17

11 1 0
                                    

Enzo's POV

"Naririnig mo yun?" tanong ko kay Andy. Nasa aking silid kami nagbabasa ng ilang mga libro.

"Ang ano?" may naririnig akong tinig. Kay Yanny.

~Endo!!~

"Yun! Hindi mo naririnig?" umiling lang siya. Sigurado akong boses niya yun. Bakit ko ba siya naririnig? Medyo kakaiba to ngayon ha.

~Endo!!!!~

"Siya talaga yun. Tayo na."

"Teka.. Enzo hintay!" tumakbo kami papunta sa gubat. Sinundan ko kung saan nanggaling ag tinig niya. Yung laso niya.

"Sa kaniya ang lasong to." Sabi ko.

"Tingnan mo Enzo. Yung simbolo."

"Isang magic vessel. Ibig sabihin may magic vessel siya."

"Kung ganun bakit hindi niya to dala?"

"Baka may dumakip sa kanya. Andy.. kaya mo bang sundan kung nasan siya?"

"Depende yun kung anong layo niya sa atin ngayon. Pero pipilitin ko." Sa ganitong mga bagay mas maraming alam si Andy.

Yanny, nasan ka ba? Ano bang nangyari? Nagawa kong marinig ang tinig niya kanina. Pwede ko siyang hanapin gamit yun ulit.

Sinubukan kong pumasok sa isipan niya ngunit hindi ko magawa. Please....isipin mo ako. Nasan ka ba?Ang hirap. Hindi ko magawang makapasok.

"Ano? May nakita ka ba Andy?"

"Hindi ko siya mahanap. Pero ang diwata ng mga espirito."

"Bakit? Nararamdaman mo?" ayaw talaga niyang tigilan ang tagalupa. Ano bang kailangan niya kay Yanny? Sinabi ko na sa kanya. Gusto talaga niyang mabura sa mundong ito.

"Bakit? Hindi mo ba nararamdaman?" umiling lang ako. Imposibleng naramdam siya ni Andy tapos ako hindi.

"Ang lakas ng awra niya na umabot hanggang dito. Baka gumamit siya ng mahika upang hindi mo siya mahanap."

"May kinalaman na naman ito sa akin. Ako ba ang nais niya at dinamay pa niya ang tagalupang iyon?"

"Kailangan na nating umalis." Tumango lang ako at nauna na siya. Falmera. Ano bang kailangan mo sa akin? Kailangan mo pa ba talagang idamay ang taong iyon? Pinilit mo akong magalit Falmera. Nasa dulo na ng pisi ko!

Ice's POV

"Tulungan niyo kami!" mga batang fae to ha. Anong ginagawa nila dito sa training field? Hindi ba sila pumasok sa klase nila?

"Tulong...." Sabi nung isang maliit. Humihingal sila na halos habul-habulin na ang mga hininga nila.

"Ooopss.... Dahan-dahan lang. huminga muna kayo." Sabi ni Ash.

"So anong problema?" tanong ni Leo.

"Si Yan-yan!"

"Ano?!" sabay-sabay nilang tanong maliban kay Storm.

"Anong tungkol sa kanya?" tanong ko.

"Nasa labas siya at inaataki ng mga Pyrozards." Sagot nung malaki.

"Pyrozards? Bakit? Lumabas ba kayo sa palace town?" tanong ni Grey.

"Opo...."

"Tayo na. Wala na tayong oras." Nauna na akong tumakbo sa kanila papunta sa palace swamp. Dun lang kasi ang lagusan palabas sa palace town.

"Hindi po diyan ang daan. Dito!" ano? Dinala nila kami sa likod ng paaralan nila. Ibig sabihin may iba pang lagusan? Ang alam ng palasyo isa lang. Bat naging dalawa?

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon