Chriveane's POV
Nahirapan akong idilat ang mga mata ko. Grabe namamaga talaga. Umiyak ba ako kagabi? Sa tingin ko kasi oo. Sa ganitong pamamaga ba kasi halata naman e. Tama naalala ko. Si Ice! Kumusta kaya siya? Dinakip ako ni Palama kahapun tapos wala na akong maalala. Hinampas ako ni Palama at nakatulog. Pero wala naman akong sugat sa ulo. Pano nangyari yun? Hala! Yung ribbon tie ko! Naiwan ko yun sa gubat. Kailangan ko yung balikan!
"Princess! Gising ka na pala."
"Leo. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Nakalimutan mo? May nangyari kahapon tapos nang matagpuan namin kayo ni Ice iyak ka ng iyak. Ano? Kumusta ka na?"
"Ayos lang. Naaalala ko nga. Grabe yung pag-iyak ko. Naaalala ko, masakit dito."
"Yung puso mo?"
"Puso?" tanong ko naman.
"Sabi mo diyan e. Pero ang sabi ni Cedrick wala namang deperensiya sayo. Bakit ka umiiyak?"
"Hindi ko rin alam. Naaalala ko. Ng makita kami ni Grey iyak ako ng iyak. Halos di ako makagalaw sa sobrang pag-iyak pero ang nakapagtataka wala naman akong dahilan upang umiyak."
"Kaya nga kami nagtataka. Takot, hindi ka ba natakot?"
"Hindi. Hindi ko nga maalala yung mga nangyari e. Ang sabi ni Palama sinapian ako ng diwata ng mga espirito pero ang tanong paano siya natalo hindi ba?"
"Kung iisipin, may tumulong sayo. Pero sino?"
"Wala nga akong matandaan. Nga pala yung magic vessel ko. Naiwan ko ata sa gubat."
"Yung ribbon tie mo?" tumango lang ako bilang sagot.
"Hindi ba yun yun" teka bat nandito to? Wala akong maalala na nasa akin to.
"Teka may nakalimutan ka heto."
"Ang ribbon tie ko. Salamat."
"Tayo na. Kailangan na nating bumalik."
Ano yun? Bat may naaalala ko ngunit di ko makita kung sino? Bat may ganung memorya ako? Bat wala akong natatandaang nangyari yun? Sino yun?
"Ayos ka lang ba Princess?" tanong ni Leo.
"Ah.. oo. Ang weird. May parte sa memorya ko pero hindi ko matandaang nangyari yun."
"Alam mo parehas kayo ni Ice. May natatandaan siyang iba na hindi naman tumutugma sa mga nangyari." May mali e. May kinalaman kaya yun sa pag-iyak ko?
"Yan-yan!" dumating na sina Grey.
"Waaa! Wag niyo akong tingnan ang pangit ko!" tinakpan ko ang sarili ko ng kumot.
"Ano ka ba Princess ayos lang yan. Cute ka parin naman e." sagot ni Ash.
"Wag niyo akong bulahin!"
"Di ka namin binubola. Kaya alisin mo na yan." Inalis ni Ice ang kumot.
"Kita niyo na? ang grabe ng pamamaga ng mata ko!"
"Gusto mong pagalingin ko?" sabi no Grey.
"Kaya mo yun?"
"Ako pa." hinawakan niya ang mga mata ko. Nang inalis niya na. Ang gaan!
"Ayan maganda kana ulit." Sabi niya.
"Salamat! Grabe kung sinabi mo pa kanina edi sana di ka ako nagtago pa."
"Wala yun." Sabi ni Grey.
"Nga pala. Salamat sa inyo ha. Ice ikaw lang yung kasama ko dun sa bundok kaya salamat sa pagsauli sa akin nitong magic vessel ko. Salamat." Nagulat siya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasyAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...