Chapter 15

16 1 0
                                        

Ice's POV

Nandito kami ngayon sa training field kasama lahat ng mga prinsesa at diyos. Sinama narin namin si Yanny. Sa ngayon, si Cedrick ang guro namin. Nilaanan ng palasyo si Yanny ng isang bagay na paglalagyan ng kapangyarihan. Yun ang mga bagay na binibigay sa mga tao upang magkaroon sila ng kapangyarihan. Tinatawag namin iyung magic vessel.

"Ice? Paano nga ulit gawin yung dragon's breathe?" tanong ni Pearl. Ayoko sa mga Prinsesang ito. Masyado silang matanong at hindi lang yun masyado silang linta.

"Ganito. Manood ka ng maigi. Dalawa sa isa at apat sa dalawa. Itaas ang kanang kamay at ibaba ang kaliwa tapos ikot tapos hinga at ganun. Ang pinakamahalagang bagay na dapat mong tandaan ay ang bakantihin ang isipan. Pagnagawa mo yun sa oras ng laban madali mo ng magagawa lahat ng techniques." Sabi ko at umalis na. Pinadalhan na kami ng palasyo ng tanghalian. Kumuha na kami ng kanya-kanaya naming pagkain. Nag-iba ng grupo ang mga prinsesa kaya kaming mga diyos ang magkakasama kasama si Yanny.

"Ice.. kaya mo bang sunugin at ihawin ang isda?" tanong ni Yanny.

"oo kahit sino magagawa yun." Sagot ko naman at kumain ulit.

"Hindi.. yung walang gamit na apoy. Yung galing sayo na mahika lang." pwede ba yun?

"Alam mo Princess? Hindi niya magagawa yun kasi tubig siya ako kaya ko yun. Magaling ako dun. Napakagaling." Pagmamayabang ni Ash.

"Kung ganun? Kaya mo ring maging invisible?" tanong niya. Saan naman kaya niya nakuha yun?

"Invisible? Wala yun sa mahika ko. Apoy lang ang kaya ko." Sagot naman ni Ash.

"Bakit ganun? May kilala akong kaibigan na kaya niyang maging invisible. Nagawa niyang pagalingin ang sugat niya tapos nahati niya ang tubig at niluto ang isda. Tapos wala sa inyo ang nakakagawa nun? Ang hina niyo pala."

"Ano? Nagawa niya lahat ng yun?" tanong ko.

"Imposible." Sabi naman ni Grey.

"Oo nagawa niya yun kaya hindi ko masabi kung ano siya." Walang ka emote emote naman niyang sabi at kumain ulit.

"Isa ba siyang Fae?" tanong naman ni Leo. Nag-isip muna siya kung sasabihin ba niya. Ngayon pa talaga niya naisipang mag-isip no halos na sabi na nga niya lahat e.

"Hindi." Sagot niya at kumain ulit.

Tagapagligtas lang ang may kakayahang gumawa ng lahat ng iyon. Ibig sabihin? May tagapagligtas na Zae?

"nandito ba siya sa palace town?" tanong ni Ash.

"Ha? Sino?" parang gulat na tanong ni Yanny.

"Yung kaibigan mo." Sagot ni Ash.

"Ha? Ano... gutom pa ako kukuha muna ako ha." Sabi niya at nagmamadaling umalis. May tinatago siya. Tinatago niya ang isang bagay na dapat walang makaalam. Sino siya? Isang tagapagligats na zae? Hindi kaya wala talagang tagapagligtas na prinsesa? Kaya siguro nahirapan kami sa paghahanap sa prinsesa dahil may prinsipe? Hindi ko rin naman masabi. Bat ganito ang nangyayari?

Pinuntahan ko agad si Maestro. Dapat kong sabihin sa kanya ang mga ito. Maraming bagay ang nangyayari sa aming henerasyon. Mga bagay na ngayon lang nangyari.

"Ice. Tapos ka na bang kumain?" tanong ni Maestro.

"Hindi yun ang mahalaga. Maestro, may nilalang pa ba maliban sa tagapagligtas ang nakakagawa ng lahat ng mahika?" medyo napaisip siya sa tanong ko.

"Ibang nilalang? Wala. Tanging tagapagligtas lang ang nakakagawa ng ganun ka lakas na kapangyarihan. Kakaiba yang katanungan mong iyan ha. Saan mo naman napagtanto iyan?"

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon