Chapter 24

11 0 0
                                        

Enzo's POV

"Mahal na prinsipe!" tawag sa akin ng isang kasamahan namin.

"Ano nang mangyayari sa atin? Sa amin?"

"Wala nang mas makabubuti pa sa mga nangyari."

"Ibig mong sabihin, gusto moa ng nangyari? Ang mapaslang ang iyong ama?" tanong ni Greogo.

"Wala akong sinabing ganyan. Kung ang mga nangyari ay aking pipigilan mas Malala pa ang mga mangyayari. Ito ang naka saad sa aklat. Magkakaisa tayong lahat para sa kapakanan ng bawat isa."

"Mga mamamayan! Makinig kayo sa aking sasabihin." Sabi ni Palama.

"tayoy magbunyi sapagkat tayoy naipagpala. Tayoy may prinsesa gayundin isang prinsipe. Enzo? Lumapit ka." Lumapit ako sa kanya. Habang papalapit ako, nakatitig lang sa akin ang tagalupa nang wala man lang kaemo-emosyon.

"Kung ganun dalawa an gating tagapagligtas?" tanong ng isang switcher.

"Oo.. ang prinsipe at prinsesa. Kaya tayoy magsasaya!" nang tingnan ko si Yanny, nakatingin na siya sa lahat. Yung emosyon niya parang ibang katauhan. Hindi ko makita yung Yanny na tagalupa.

Bago nagsimula ang kasiyahan ay nagkaroon muna ng kasunduan ang mga wizards at palasyo. Pinaglaban nila ang kanilang karapatan. Isang hindi pagkakaintindihan lamang ang nangyari kaya nagkabati agad. Ibinalik ang distrito nila at ang mga pangalan nila sa mga aklat ng mahika. Ibinalik rin ng mga wizards ang kanilang pangako na magiging bantay sa barrier.

Nilapitan ko si Beni upang kumustahin. Katulad ni Yanny, pantay lang ang kanyang mukha. Walang bahid ng kung anong emosyon.

"Alam ko na ngayon kung ano ako."

"Pasensya." Sabi ko.

"Isa akong diyamanteng pagmamay-ari ng tagapagligtas. Wala akong karapatang gumawa ng gulo. Ginawa ako upang maghatid ng kapayapaan at hindi kaguluhan. Ng kaalamay napunta sa akin, aking nalaman kung ano ang mundo para sa akin."

"Masaya ako para sa kapayapaang natamo mo kapatid." Masaya kong banggit sa kanya.

Upang tuluyang maging mapayapa ang mundong ito, kailangan naming ibalik ang palace tower. Ang tanging makapagbabalik nito ay ang palace keeper na ngayon ay ang prinsesa. Nilapitan ko siya upang kausapin.

"Kailangan nating ibalik ang palace tower."

"Alam ko." Matipid niyang sagot.

"Kung ganun ano pang hinihintay natin?"

"Alam ko kung kalian ito kinakailangan at sa tingin ko hindi pa ngayon." Napapansin ko parang hindi masyado maganda ang pakikisama niya sa akin. Sa bagay, wala siyang maalala tungkol sa akin. Tumalikod na siya at nagsimula nang makipag-usap sa mga diyos.

"Kumusta?" tanong ni Andy.

"Ayo slang naman. Ikaw? Magpakilala ka sa iba pang mga diyos. Kabilang ka sa kanila."

"Wag mo akong alalahanin. Nga pala ang kambal, nasa enchanted Ice."

"Kung ganun kailangan natin ang apoy na diamante."

"Oo.. pero ako na ang bahala. Makikiusap ako sa kanya." Yumuko lang siya at umalis na.

"Mahal na prinsipe! Anong ginagawa mo dito? Bat hindi ka magsaya?" tanong ni Palama.

"Hindi na. Ayo slang naman ako. Mukhang nagsasaya ang lahat."

"Oo nga at yun ang kinababahala ko."

"anong ibig mong sabihin?"

"Ang bawat ngiti ay may kapalit na kalungkutan. Ang pagdating ng Drago ay labis kong ikinababahala."

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon