Chapter 1

88 9 4
                                        

3 years ago

Queen Amira's POV

"Nasilang na po ang 5 diyos na magliligtas sa prinsesa"-Cedrick

Wala naman kasing nakakapasok dito sa kwarto ko maliban kay Cedrick-ang sorcerer ng palasyo at Rubekka-ang keeper ng palasyo.

"Gaya ng nakagawian, ang lima ay nakatakdang i-alay ang kanilang buhay para sa pagliligtas ng prinsesa. Sasanayin sila mula limang taon hanggang sa lumakas sila at kaya nang iligtas ang prinsesa sa kasamaan. Ngunit nakasisiguro ba kayong sila ang limang diyos?"-tanong ko

"Opo. Wala nang ibang sanggol ang naipanganak ngayong araw. Ayun sa kasulatan, dalawa ang araw na pinakamahalaga sa ating mundo. Ang Semi-Zodiac; kapanganakan ng limag diyos at ang Zodiac; ang kapanganakan ng prinsesa."-tumigil siya at naglakad-lakad

"At nga pala mahal na reyna. Sila ay may tig-iisang balat (birthmark) sa batok. Dragon. Patak ng tubig(teardrop). Dahon. Ipo-ipo(tornado). Mundo(Earth). Dun napatunyan na sila ang limang prinsipe"-Cedrick

Sa araw na isilang ang bagong prinsesa ay ang araw na maglalaho na ako. Yun na rin ang araw na may papalit sa akin.

"Mahal na reyna! Ang mga Black Wizards sumasalakay!"-sigaw ng kawal

"Ano? Paano nagyari iyon? Hindi ito nakatakda!"-pasigaw kong tanong

Lumabas na kami sa kwarto at kinuha ang limang diyos. Hindi lang ang limang diyos ang pakay nila pati na rin ang crystal.

Ang crystal na ito ay nagtataglay ng matinding kapangyarihan na kayang talunin ang ano mang uri ng mahika, maliban sa kapangyarihan ng prinsesa. Ang nagtatago ng crystal ay ang keeper na si Rubekka.

"Mahal na reyna! Mauna na kayo"-utos ng isang kawal

"Rubekka itago mo ang crystal malayo sa kamay ng Black Wizards"-ang sabi ko sa kanya.

Nag ibang landas na kami. Kasama ko si Cedrick at ang mga katulong na dala ang limang sanggol. Ngunit hindi ko na nakita si Rubekka.

----------------------------------------------

21 Years Later....

Cedric's POV

"Ngayong araw na ito, malalaman niyo kung hanggang saan ang kaya ng inyong kapangyarihan"

Oo. Dalawamput-isang taon na ang nakalipas mula noong lumusob ang mga black wizards.

Mula rin noon, hindi na namin nakita si Rubekka. Hindi ko na rin naramdaman ang aura niya. Sa tingin ko nasa mundo siya ng mga tao. Ngunit mahirap makapunta roon.

"Pero maestro. Wala parin sina Leo at Grey"-Ash

"At nasaan sila?"-ako

"Nandito na kami" ayan na pala.

"At saan kayo galing, aber?"

Tong dalawang to. Lagi nalang naglalakwatsa.

"Sa ano. Sa bakuran lang! Diba Ice?"

Sus nagsisinungalin pa.

"Tss"-Ice

"Ayan kumpleto na kayo!"

Limang diyos na magliligtas sa prinsesa.

Leo
Ang Land/Earth Bender. Taglay niya ang pwersa ng lupa. May balat sa na isang mundo sa batok.

Grey
Ang Nature Bender. Taglay niya ang healing power gamit ang kalikasan. Siya ang diyos na may dahon na balat sa batok.

Ash
Ang fire bender. Taglay niya ang lakas ng isang dragon kung lumaban. May balat siya na dragon sa batok.

Storm
Ang air bender. Kaya niyang kontrolin ang hangin. May ipo-ipo siyang balat sa batok.

Ice
Ang water bender. Gaya ng pangalan niya, cold siya at Kj. May balat siyang ipo-ipo sa batok.

"Kayong lima ang naging diyos ng tadhana upang iligtas sa kapahamakan ang prinsesa. Apat na linggo nalng at malalaman na natin kung sino ang tunay na prinsesa sa limang babae na naipanganak ng sabay"-paliwanag ko

"Maestro, ang sabi isa lamang ang naiisilang sa Zodiac day, ngunit bakit lima?" Tanong ni Leo

"Hindi ko rin nga alam. Ngayon pa lamang ito nangyari sa maraming henerasyon"-ako

"Maestro. Eh kung may diyos, may diyosa rin po ba?" Tanong ni Grey

"Hindi ko pa naririnig na may diyosa eh" dagdag niya

"Wala. Walang diyosa. Kayo ang ika 5 henerasyon na nadatnan ko at kahit kelan di pako nakarinig na may diyosa" paliwanag ko

"Tama na ngang tanong at mag umpisa na tayo. Ang daldal niyo"-malamig na sabi Ice

Tumayo si Storm at dumaan naparang hangin lang. Hindi talaga siya nagsasalita. Parang hangin lang.

Nag umpisa na silang magpalakas. Habang tumatagal lalo silang nagiging mas makapangyarihan. Pero mas malakas parin ang prinsesa kumpara sa pinagsamang pwersa nila.

Ang problema. Sino at nasan ang prinsesa?

Umakyat muna ako sa tore. Tiningnan ko ang limang distrito.
Tubig, Apoy, Hangin, Lupa at Kalikasan.

Sa tubig, maraming sirena. Sila ang nagpapaganda at nagpapalakas sa distritong ito.

Sa apoy naman, makikita mo ang maliliit na dragon na kayang palakihin ang sarili. Sila ang nagsisilbing source ng aura nila.

Sa hangin, maraming Pegasus, mga kabayong may pakpak. Nasa pakpak nila nakatago ang kapangyarihan.

Sa lupa, ang mga unicorn. Nasa sungay nila ang mga kapangyarihang naiipon ng mga land benders.

At ang huli ay Kalikasan, puno ito ng mga fairies. Sila ang nagsisilbing tagabantay at nangangalaga ng kapangyarihan.

Ang limang distritong ito ang nabibilang sa Switcher World.

Sa totoo lang, anim ang distrito. Kasali ang black wizards. Hindi naman sila tinawag na 'black'.

Wizards lang sila noon. Sila ang nagproprotekta sa aming mundo laban sa mga masasama at upang hindi marating ng mga tao.

Ngunit nagalit sila, dahil akala nila minamaliit lamang sila dahil sa taga bantay lamang sila.
.
.
.
.
.

"Tekaaa?! Ano to? Prinsesaaa??"

"Nasa mundo ng mga tao ang Prinsesa"-ako

Ang ibig sabihin wala sa lima ang prinsesa?

Ano sila?

Hindi kaya mga diyosa sila?

Ano bang nangyayari?

-----------------------------
A/N

Heeey dear readers :). Sana nagustuhan ninyo ang aming bagong story. Bibilasan po namin ang pag update para hindi kayo ma bitin. Maraming salamaaat. Hope you'll enjoy!

At sa mga typos i consider niyo nalang. Thankyouu again :)

Please vote and comment para may gana kaming mag update.

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon