Chapter 30

12 1 0
                                    

Chriveane's POV

"Anong nangyari?" sa wakas naman at nagising na sila.

"Beep!" busina ng truck sa likod kaya natauhan ang driver.

"Diyos ko po nakatulog ako. Ayos lang ba ang lahat?" nag-aalalang tanong ni Manong driver.

"Bakit? May nangyari ba?" tanong ng isa pang pasahero.

"Wala naman. Aalis na tayo."sagot ng driver.

"Anong nangyari?Bakit tayo nakabalik?" nagtatakang tanong ni Ice. Ganun din ang mga hitsura ng mga

kasama ko. Tumabi sa akin si Enzo.

"May kinalaman ka ba sa nangyari?" tanong niya.

"Malamang ako lang naman ang may kakayahang talunin siya sa pagkakataong yun." Sagot ko

"Pero paano ka nakalabas?" tanong ni Ash.

"Oo nga. Kasama ka pa nga namin ng kamahalan hanggang sa nagising kami." dagdag ni Ice.

"Hindi ko alam. Siguro dahil ako ang nais ng kamahalan sa kanyang panaginip?" pang-aasar ko kay Enzo.

"Hindi ah. Malaking pagkakamali. At bat naman kita iisipin?"

"Sabi mo e." sagot ko.

"Bat ang defensive mo naman ata kamahalan?" tanong ni Andy kaya binigyan lamang siya ni Enzo ng

isang shut-up- look.

"Kung ganun... sino ang may pakana ng lahat? Hindi naman ata tayo aatakihin ng isang elemento ng dahil lamang sa wala hindi ba?"

"May punto si Leo" dagdag ni Grey.

Ngayon.... Ang dapat ko malaman ay bakit nais niya kaming pahirapan? Anong meron sa utak ng isang wizard na kagaya niya? May pinaplano ba siya para makatulong sa amin? O baka plano para hindi kami magtagumpay? Ano ang nais niya?

"Hindi ko alam." Sagot ko.

"Nandito na tayo" sabi ni Storm.

"Sa wakas naman. Nakakapagod umupo." Dagdag ni Ash. Kami lamang ang pasahero papunta dito. Ang lahat kasi ay hanggang sa naunang bayan lamang. Malayong milya rin yun mula dito. Bakit kaya natatakot sila rito? Si manong rin nagmamadaling makabalik. May kakaiba sa bayan na to.

"Ang bayan ng Vuenabe." Mahina kong sabi. Maliit na bayan lang ito kaya medyo tahimik.

"Ang tahimik naman ata rito. May nakatira ba dito?" tanong ni Grey.

"Sa tingin ko meron. May kakaiba nga lang." sagot ni Enzo at nauna nang naglakad. Nakakakilabot ang baying ito. Ramdam kong tumatayo lahat ng balahibo sa katawan ko. Kung may kakaiba sa baying ito sigurado akong may kinalaman ito sa vessel na nakatago dito. Pero ang alam ko nasa bulkan ito at wala rito.

Naglalakad na kami papasok sa bayan. Wala ngang mga tao. Nasaan sila? Pero parang may piesta rito. May mga bandiritas na nakasabit sa itaas at may mga dessenyo ang bawat sulok ng bayan.

"Kamahalan! Dito!" tawag ni Andy.

"Ang daming pagkain?" sabi ni Ash.

"Ngunit nasaan ang lahat?" tanong naman ni Ice.

"Kahit pusa o aso wala. Kahit langgam, wala akong marinig na tunog nila." Dagdag naman ni Leo.

Nilapitan ko ang mga pagkaing nakahanda sa mesa. Parang bago lamang ang mga ito. Parang kaluluto lamang kanina o kahapun. Imposible namang mawala lahat.

"Kung may nangyaring gulo dito hindi ba dapat magulo rin ang paligid?" tanong ni Enzo.

"Ni walang bakas ng kaguluhan. Parang pinaghandaan pa nga ng maayos ang salo-salong ito." Dagdag ni Grey. Nakakatakot na.

"Storm kita kakaiba." Sabi niya at sumunod kami sa kanya. Nasa isang pahayagan ng baryo kami dinala ni Storm. Dito nilalagay yung mga balita o di kaya mga nais iparating na anunsiyo sa mga taga-bayan.

"Ano yan?" tanong ni Ash.

"Isang kaso ng nawawalang itim na bato?" tanong naman ni Leo. Ano ang kinalaman ng nawawalang bato sa bayan na ito?

"Baka alahas na nawawala." Sabi ni Grey.

"Sa tingin ko hindi basta-bastang bagay yan. Tingnan niyo. Masyadong malaki ang lalagyan na yan para sa isang alahas na bato." Dagdag ni Enzo.

"Guys? Hindi ba iyon ang lagayan na yan?" tawag sa amin ni Andy. Yan nga yun. Isang parang kamay na malaki at gawa sa ginto. Estatwa na hindi ko maintindihan. Tama wala nga ang bato. Nilapitan namin ang estatwa. Wala namang kakaiba.

"Heto.. basahin niyo." Sabi ni Leo.

"Buhay ng Bayang Vuenabe." Anong ibig sabihin niyan?

Sa kakaisip, inikot namin ang bayan ng makakuha man lang kami ng clue. Ano ba talaga ang kakaiba sa bayang ito? Sa tingin may lihim o sumpa o kung ano man ang tinatago rito. Walang gustong pumarito. Lahat natatakot sa lugar na ito Isa pa, dulo na rin ang baying ito kaya walang nakakadaan dito.

" Naikot na ata natin ang buong bayan, nandito na tayo ulit e." nakabalik na kami sa pahayagan.

"Storm kita bago kakaiba." Sabi niya habang nakatingin sa bulletin.

"Isang kaso na naman." Sabi ni Andy.

"Nawawala ang pinuno ng bayang ito." Sabi ni Grey.

"Pero paanong may balitang bago kung wala namang tao rito." Sabi ni Leo.

"Maggagabi na siguro mas mainam na pumasok muna tayo sa isa sa mga bahay rito. Mas ligtas siguro." Sabi ni Ice.

"Mabuti pa." sagot naman ni Ash.

Pumasok kami sa isang bahay sa tapat ng parang barangay hall ng bayan. Pagpasok namin, malinis ang bahay. Sobrang linis na parang kakalinis lang o baka nililinis araw-araw. May mga pagkaing nakahanda sa mesa. May mga laruang nasa sahig na parang kakalaro lamang ng mga bata.

"Siguro hindi tamang pumasok tayo sa bahay ng hindi atin." Sabi ko.

"Wag kang matakot. Wala namang tao. Hindi rin naman tayo magnanakaw o gagalaw ng kung ano." Sabi naman ni Enzo.

"Kahit isang tikim lang ng pagkain? Ang sarap kaya..."

"Hindi kahit isang tikim.." suway ni Enzo kay Ash.

"Dito muna tayo hanggang mag-umaga." Sabi niya.

Umupo lamang kami sa may gilid ng makapagpahinga muna. Bukas na namin uumpisan ang paghahalungkat sa misteryong nababalot sa bayang ito. Mabuti pang makatulog muna. Ano kaya talaga ang katutuhanang bumabalot dito? Nakapagtataka. Ang

Dahil sa kakaisip, hindi ko man lang maipikit ang aking mga mata. Nakatulog na silang lahat. Tulog mantika pa. isang minuto nalang at maghahating gabi na. Tumayo ako upang tumingin tingin sa paligid ng biglang lumiwanag sa labas. Anong meron?

"Dali! Gusto ko ng salad!" may tao. Isang bata.

"Oo sandal lang uunahan mo pa sila inang at itang ha." Sabi naman ng isang lalaki.

"Enzo! Ice! Gising may tao!" mahina kong tugon sa kanila.

Bumukas bigla ang pinto.

"Gising may tao." Paggising ni Enzo sa mga kasama namin. Medyo madilim ang loob ng bahay dahil sa hindi naka on ang ilaw ng bahay. Hinanda ko ang sarili ko sa kung ano man ang mangyayari. Bigla nalang sumindi ang ilaw. Tapos.....

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon