Chriveanne's POV
~Prinsesa. Prinsesa gising~
Naririnig ko na naman yung tinig. Ayokong ibuka ang aking mga mata dahil sa boses nayun. Nakakakilabot.
~Alam kong gising ka dahil hindi ko magawang pumasok sa katawan mo. Kaya GISING!!~
"Falmera. Ano ba talagang gagawin mo? Itigil mo na to. Alam mo namang hindi ka magtatagumpay hindi ba?" si Palama. Nandito siya. Siya ang dumukot sa akin kanina. Bat niya ba nagawang sumunod sa isang di nakikitang nilalang?
~Manahimik ka nalang Palama. Hindi ako katulad mong walang nagagawa dahil walang mahika sa katawan mo! Isa kang mababang uring palaka!~
"Sa wakas at lumabas din ang tunay mong ugali Falmera. Itinuring ka naming kaibigan. Tapos sarili mo rin pala ang iniisip mo? Kung alam mo lang kung ano ang tunay na nangyari sa kanya."
~Sa kanya?! Inahas niya ako Palama! Inahas niya ang sarili niyang kaibigan!~
"Hindi mo rin naman sinabi sa kanya na aangkinin mo ang katawang lupa niya hindi ba?Ngayon sabihin mong sinong walang kwenta! Nanakawin mo ang katawan niya ng hindi man lang niya nalalaman! Wala kang puso!"
~Bakit? Sa tingin mo may puso kaming mga espirito? Wala! Wala kaming dinadamdam na sakit. Kahit kasiyahan hindi namin maramdaman!~
"Ikaw na mismo ang may sabi, kung ganun bakit ka pa nagmahal wala ka rin namang puso."
~Wala ka na dun! Di mo na problema yun! Ang problemahin mo ay kung paano ko magagantihan si Valera!~
"Anong kailangan mo sa aking ina?" Endo? Nandito siya.
"Endo."
"Kamahalan. Hindi ka dapat ngapunta dito." Sabi ni Palama.
~Naririnig mo pala ako kamahalan. Isa lang naman ang nais ko. Ang makaganti!~
"Palama? Bat ka nandito?" Ice? Nandito din siya.
"Wala akong magawa. Kinokontrol niya ako. Halos baliwin na niya ako."
~Sige lang Palama. Idiin mo pa ako.~
"Kasalanan mo naman talaga!"
"Sino bang kausap mo?" tanong ni Ice.
"Ilayo niyo na ang tagalupa. Andy!" sabi ni Endo.
"Opo."
~Sinong may sabing kaya niyo siyang ilayo? Palama gawin mo na!~
"Ayoko! Ayoko. Ayoko!"
~Ngayon na!~ parang kinokontrol ng diwata ng mga espirito si Palama. Palapit siya sa akin habang nagmamatigas na naglakad ang kanyang mga paa. Kumuha siya ng patpat.
"Palama.. wag."
"Patawad."
"Wag!"
Ice's POV
"Wag!" sigaw ni Yanny. Ano bang iniisip ni Palama? Hinampas niya si Yanny ng patpat kaya nahimatay.
"Patawad. Patayin niyo na ako. Sige na." sabi naman ni Palama. Dumugo ang ulo ni Yanny.
"Ito ba ang plano mo? Ano sa tingin mo? Hindi ko siya kayang pagalingin?" sabi ng tagapagligtas. Hindi ako makapaniwala. May Zae na tagapagligtas. Tama ang sabi ni Yanny. Nagawa niyang kontrolin ang tubing na nananalantay sa katawan ko. Mas malakas pa siya sa akin. Kung isa lang siyang hamak na may mahikang tubig dapat mas malakas ako sa kanya dahil ako ang diyos ng tubig ngunit nagawa niya yun.
"Ano?May sayad ka na!" sino bang kausap niya? Kanina pa sila may kinakausap na hindi ko man lang nakikita o naririnig.
Dumilat ulit si Yanny. Gising na siya ulit kaya nilapitan ko.
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasyAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...
