Chapter 5

49 6 2
                                    

Enzo's POV

"Alam niyo na ang plano. Gawin mo lang ang sinabi ko at magtatagumpay tayo"-sabi ko kay Beni...Benitoite.

"Nandito naman sina Ron at Ryle, tutulong sila"-dagdag ko

Ito na yata ang pinakamapanganib na plano; ang magpanggap si Beni na siya ang prinsesa.

"Ako na ang bahala, maglalaban ang mga diyos at ang iba pa nating kasama upang ipakita sa kanila na gusto kang kunin ng ating hukbo" paliwanag ko

"Maglalaban? As in charm? Pero may kasama silang tao"-Beni

Tama, naalala ko, may kasama nga pala silang taga lupa. Dagdag problema pa.

"Di bale ako na ang bahala sa kanya" sabi ko.

Ililigaw ko lang siya mamaya upang hindi niya masaksihan ang labanan. Mahirap nang may taga lupang makaalam tungkol sa Switcher World. Ikapapahamak yun hindi lang sa amin kundi sa buong mundo pati na mundo ng mga tao.

"Taga lupa. Bakit ba laging pinagkakaisa ang landas natin ng tadhana?" bulong ko sa sarili ko

Pero paano nga ba? Makikilala niya ako.

Magpapalit anyo nalang ako.

Ice's POV

"Nasaan nga ba si Princess? Aalis na tayo eh"-Grey

"Nag cr daw" sagot ni Ash

Yung babaeng yun lagi nalang nawawala bigla. Tss

"Grey! Leo!" sigaw ni Ash.

"Bakit?" tanong ni Leo.

"Nakita niyo ba yung recorder? Nandito lang yun kagabi e"-Ash.

"Baka nandiyan lang, hanapin mo" sagot ni Leo.

Kagabi may naramdaman akong pagala-gala. Pero imposibleng sila yun.

Tama nga si Maestro, habang nandito kami sa mundo ng mga tao, humihina ang charm namin.

Kagabi, inantok talaga ako ng sobra. Hindi naman ako ganito sa Switcher World eh.

"Tulongggggg! Tulong!!!" sigaw ng isang babae.

Mabilis na kumilos ang iba kong kasama. Ayon sa tinig, hindi ito tinig ni Yanny, iba... mas malalim ang tinig ito. Pero wala kaming ibang kasamang babae dito e. Si...

"Princesssss!" sigaw ni Leo sabay labas ng dali-dali sa kubo.

Lumabas na rin kami sa kubo upang masilayan kung ano ang nangyayari. Paglabas ko..

"Black Wizards!" sigaw ni Ash.

Nandito sila..

Habang hawak ang isang babae, pilit naman itong makatakas. Hindi namin siya kilala, pero sa pananamit niya taga lupa siya.

"Bitawan niyo ako!" sigaw ng babae.

Nakapagtataka bakit naman ata nila nabigyang pansin ang isang taga lupang ito.

"Huli na kayo mga diyos, nasa amin na ang prinsesa" sabi nung isa...kambal?

Teka? Prinsesa? Ibig sabihin. Siya ang PRINSESA?

Nagulat kaming lahat at umakmang lalaban. Amin ang Prinsesa..AMIN LANG.

Lumingon ako sa mga kasama ko teka, wala si Storm. Nang tumingin ako sa kalaban, nasa taas nila si Storm.

Tinaas ko ang kamay ko na parang sumuko na. Nagulat ang mga kalaban sa ginawa ko gayundin ang kasamahan ko.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ni Leo. Hindi ko sinagot ang tanong niya.

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon