Chapter 4

41 7 1
                                    

Chriveane's POV

Maaga kaming gumising ngayon. May hahanapin kasing kaibigan sina Grey eh. Syempre bago yun, nagpalit muna sila ng damit. Nakakatawa kasi silang tingnan eh.

Kahapon bago kami umuwi, pinamili ko muna sila ng damit. Syempre ukay-ukay lang wala akong pera eh.
Pero kahit ganun bumagay naman sa kanila. Aaminin ko ha. Mga gwapito nga sila. Lalo na si Grey! Hoy Chriveane ang landi mo. Haha.

"Sino ba kasing kaibigan yun?"-tanong ko sa kanila

"Basta kung gusto mo, sumama ka nalang sa paghahanap namin"-Ash

"Talagang sasama ako. Hindi niyo kaya kabisado ang lugar dito"-ako

"Ay. Oo nga no"-Leo sabay kamot sa batok.

Hay nako.

"Ah ano bang itsura nila? Lalaki ba o babae?" Tanong ko

"Ahm babae tapos may kakaibang balat siya"-sagot ni Ash

Balat? Teka? May balat din ako. Teka saan nga yun?

"May ano rin ako..ba-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bumukas bigla ang pinto.

"Bilisan niyo na"-Si Ice lang pala

"O sige tayo na"-ako

Tumayo na ako at lumaas na ng bahay. Ni lock ko yung pinto at tumuloy na.

Ang una naming pinuntahan ay sa parke. Marami rin kasing palaboy dito eh. Palakad lakad lang kami sa buong parke.

Ewan ko lang sa mga to ha. Paano kaya nila malalaman kung sino yun? E di naman nila pa nakikita.

Ang sunod naming pinuntahan ay ang squatters area, tapos sa simbahan then sa orphanage.

Napapagod na ako sa buong araw na paghahanap. E palakad lakad lang kami eh. Wala naman kaming balitang nakuha.

Ngayon nasa bahay lang kami nagpapahinga.

"Ah, Yan-yan?"-Leo

"Bakit Leo?"-tanong ko

"Pwede bang princess nalang tawag namin sayo? Kasi..mukha kang prinsesa eh"-Leo

"Actually. Princess ang tawag sa akin ng papa ko"-sagot ko

Sa totoo lang namimiss ko na papa ko.

"Ah so ganun. Princess anong kaya mong gawin?"-Ash

Alam kong iniiba nila ang topic eh.

"Ah kaya kong kumanta"-sagot ko

"Ni rerecord ko ang mga kanta ko dito"-sabay turo sa recorder

"Ano yan?"tanong ni Ash

"Ah tawag dito recorder. Di niyo ba alam yun? Saang planeta ba kayo nanggaling?"-pagbibiro ko sa kanila

"Eto pindutin niyo lang to at magsta-start na yan..teka..nasaan si Ice?"-tanong ko

Simula kasi kaninang dumating kami ay hindi ko na siya nakita.

"Nasa labas. Sige susubukan namin to"-Ash

Lumabas ako at hinanap si Ice. Medyo madilim na kasi eh. Nasaan na kaya yun?

Teka? May tao dun sa may puno. Sa suot niya mukhang di siya si Ice. Nilapitan ko ito. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kasi madilim.

"Ah excuse me. Sino po sila?"

Syempre hindi siya tagarito kasi nga mag isa lang ako dito no.

"Ahh. En-Enzo" sagot nung lalaki

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon