Chapter 38

15 1 0
                                    

Enzo's POV

Ang lakas ng lindol. May kinalaman kaya rito ang mga nangyari sa ilalim ng dagat?

"Kayo? Umalis na kayo. Hindi kayo taga rito ano? Sumama na kayo sa amin." Yaya ng isa sa mga matanda.

"Kailangan na nating makabalik sa mga kasama natin." Mahinang sabi ko kay Ice.

"Pero... sa tingin mo kaya nandun pa sila? Dalawang linggo tayong nawala." Ang bilis ng takbo ng oras sa ilalim ng dagat. Isang oras katumbas ng dalawa hanggang tatlong araw.

"Hindi ko rin alam pero mas mabuting bumalik na tayo at baka naghihintay sila sa ating pagbabalik." Pinikit ko ang aking mga mata upang maalala ang lugar na pinanggalingan namin. Sa ganoong paraan mas madali kaming makakarating.

Dinilat ko na ang mga mata ko at nandito na kami sa gitna ng bayan.

"Nasaan ang mga tao?" tanong ni Ice. Napansin ko rin. Parang naging patay na bayan na naman ang naabutan namin dahil sa ang tahimik ito. Ang pinagkaiba lamang ay magulo ang lahat. Ang mga bahay ay nasira na lahat.

"Parang dinaanan ng isang sakuna." Dagdag ni Ice. Inikot namin ang bayan gamit angaming paningin. Walang senyales ng buhay.

"Hindi kaya nakabalik na sila sa mundo natin?" tanong ni Ice.

"Sana." Sagot ko sa kanya.

"Kamahalan!" rinig kong sigaw ni Andy. Nandito pa sila ni Ash.

"Nasaan ang lahat?" tanong ko.

"Nang mawala kayo, maraming nangyari. Mga bagay na hindi maipaliwanag. Gumuho ang lupa, tumaas ang tubig, bumagyo, tapos umuulan ng yelong umaapoy." Sagot ni Ash.

"May kinalaman ba ito sa atin?" tanong ko.

"Wala kamahalan. Sinubukan naming pakalmahin ang mga nangyari ngunit wala kaming nagawa. Ang tanging nagagawa namin ay pinahihinto namin ang mga bagay na pwede naming gawin. Pero yun parin nangyayari parin ng paulit-ulit." Dagdag niya.

"Ang prinsesa?" tanong ni Ice.

"Naramdaman niya ang panganib na parating kaya napag-isip niyang bumalik sa mundo ng mahika. Sinamahan siya nina Grey, Leo at Storm." Sagot ni Andy.

"E ang mga taong tagarito?" tanong ko naman.

"Dinala sila sa bukirin kung saan naninirahan ang prinsesa. Dun daw mas hindi delikado." Sagot ni Ash.

"Kailangan na nating bumalik. Andy nasayo pa ba ang ibang mga vessel?" tanong ko.

"Opo kamahalan. Heto ang flute ng kasiyahan, bote ng pagmamalasakit, at ang kapa ng kapayapaan." Bigay niya sa akin.

"Nakuha narin namin ang panghuli.. ang singsing ng pagmamahal." Paglahad ko sa kanila.

"Kung ganun.. umalis na tayo." Sabi ni Andy. Tama. Hindi kami mag-aaksaya ng panahon lalo na ngayong nakaramdam na ng panganib ang mahal na prinsesa. Parating na kami.

Chriveane's POV

Mula nung makaramdam ako ng panganib biglang may kung ano-anong nangyayari sa mundo ng mga tao. Hindi ko alam kung pati ba sa mundo ng mahika ay may nangyayari ring ganito. Hindi man lang ako makaalis dahil sa pangambang baka may mangyari dito. Kaya bilang sagot dinala ko lahat ng tao sa bayan sa aking bukirin. Doon mas madali ko silang matutulungan. Hindi sila mga normal na tao. Silay nabubuhay gamit ang mahika ng itim na bato kaya kasali parin sila sa aking mamamayan.

Ngayon pabalik na ako sa Switcher World. Kailangan ko nang harapin ang kalaban ko. Tama. Nakita ko na siya sa aking panaginip. Sa tingin ko may kinalaman siya sa mga nangyari. Pero ang tanong bakit niya ginagawa ito? Ano bang pinaglalaban niya na pati mga normal na tao ay dinadamay niya?

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon