Chapter 32

11 1 0
                                        

32

Enzo's POV

Yanny.... Hindi ko maikilos ang katawan ko. Tinamaan ata ang puso ko. Nakatitig lamang ako sa kanya ngayon. Please.... Wag kang umiyak. Wag kang iiyak pakiusap. Nang hindi ko namamalayan bumagsak na ang katawan ko. Wala na akong marinig. Tahimik lamang ang paligid na parang nagbabadya ng isang malaking surpresa.

"Aaah...." Yanny... pinilit ko iangat ang ulo ko. Yanny.... Yumuko siya upang tingnan kung saan ang tama niya. Pinilit ko siyang abutin. Pakiusap.... Kung may mas makapangyarihan pa diyang nakikinig... tulungan mo siya. Wag mo sanang hayaang mawala siya. Wala nang natitira sa akin kaya ako nalang. Ako nalang pakiusap.

Nagtama ang mga mata namin. Inabot niya rin sa akin ang kamay niya. Sa huling pagkakataon man lang ay mahawakan ko ang kamay niya.

"ma-hal... ki-ta.." bulong ko sa kanya.

Ice's POV

"Aaah..."

"Yanny??? Yanny!!! Mga walang ya kayo!!" may saksak siya sa bandang dibdib niya. Bagsak na ngayon ang prinsipe tapos ang prinsesa. Hindi ito maari.Pakiusap... tubig... bilang diyos ng tubig bigyan niyo ako ng lakas upang matulungan ang tagapagligtas. Ako ang tagapagbantay ng tagapagligtas at hindi ko man lang magawa ang aking tungkulin.

Dahan-dahang iniabot ng prinsipe ang kanyang kamay sa prinsesa. Naiinis akong isipin na wala akong magawa. Ang mga kasamahan kong diyos ay wala rin magawa dahil hindi nila nakikita ang mga kalaban nila.

"ma-hal....ki-ta..." rinig kong bulong ng prinsipe. Tapos inabot niya ang kamay ni Yanny. Nang magkaabot ang mga palad nila......

"Kamahalan..." nawalan na ng malay ang prinsipe ngunit hawak hawak parin ni Yanny ang mga kamay niya.

"Waaa!!!" sigaw ni Leo. Wag... wala tayong laban sa kanila. Hindi ko kayang tingnan ang sinasapit ng mga kaibigan ko ngayon. Sina Ash, Leo at Andy. Nasaan ba sina Grey at Storm? Kung humingi sila ng tulong sana magtagumpay sila.

Nabigo ako..nabigo akong protektahan sila.. kasalanan ko to...

Anong nangyayari?Lumiwanag bigla ang paligid.Paanong? Aaah..masyadong nakakasilaw! Natatandaan ko ang liwanang na ito. Sa palace tower..ganito rin yun.

Maya-maya pay nawala na ang liwanag. Nabulag ba ako? Bakit parang hindi ko maramdaman ang liwanag?

"Ice!!" si Grey yun. Minulat ko ang mga mata ko.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

"oo... ang mga kamahalan?"

"Si Storm na ang bahala.Kakalagan kita."Bakit dumilim ang paligid?Hindi bat kasisikat lamang ng araw?

"Saan naman kayo pupunta?"siya yung pinuno. Pagwala ang araw, nakikita namin sila. Ngunit bakit sa hating gabi lamang sila lumalabas?

"Wag kang mag-alala Ice... nasa atin na ulit ang kapangyarihan." Sabi ni Grey. Ganun pala.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa tagapagligtas.Ako na ang bahala rito Grey. Pagalingin mo na ang mga kasama natin." Tumango naman si Grey sabay tulong sa mga kasama namin.

"Anong akala mo? Dahil nakikita mo na kami may laban kana? Isa ka lamang hamak na tao kaya wala kang laban sa amin."

"Kung yun ang inaakala mo. Kahit ano pang sabihin mo.. pagbabayaran mo pa rin ang sinapit ng mga kaibigan ko."

"Kung hindi naman kasi kayo nagbalak kunin ang kapa edi sana hindi kayo napahamak. Kaya ngayon tatapusin na kita tapos..isusunodko sila."

"Halika..at subukan mo."

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon