Chriveane's POV
"Waaa-" putol na sigaw ng isang bata dahil tinakpan agad ng kasama niyang lalaki ang bibig niya.
"Sino kayo?" tanong niya.
"Kayo? Sino naman kayo?" balik naman na tanong ni Enzo.
"Kayo ang nasa pamamahay namin kaya bakit kayo ang nagtatanong?"
"walang tao rito kanina kaya nandito kami." Sagot ko.
"Aray." Angal niya dahil kinagat ng bata ang kamay niya.
"Magnanakaw kayo no? nanakawin niyo na naman ang kapa ng bayan no?" tinakpan na naman ng lalaki ang bibig ng bata.
"Wag kang maingay." Sabi niya.
"Kapa? Hindi ba yun ang pangatlong vessel?" tanong ni Andy.
"Yun na siguro yun." Sagot naman ni Ice.
"Kung plano niyong nakawin yun. Pwes nagkakamali kayo dahil sa pagkakataong to nasa kamay na ito ng nakatataas." Sabi ng lalaki. Infareness gwapo siya. Siguro kong makikita siya ni Mary maiinggit na naman yun. Ganyang mga lalaki pa naman ang type niya. Makikisig.
"Nagkakamali ka. Hindi kami mga magnanakaw. Nandito kami upang kunin kung ano ang pinahiram sa inyo." Sagot ni Enzo.
"Kung ganun kayo ang inatasang kukuha sa magic vessel?" sabi ng isang matangkad na lalaki na kakapasok pa lamang.
"Itang!" tawag ng bata.
"Opo. Nabalitaan naming nasa bulkan malapit rito ang vessel na hinahanap namin." Sabi ni Enzo.
"Mga bata! Nasaan na kayo! Magsisimula na ang palabas!" boses ng isang babae.
"Inang!" tawag sa kanya ng bata at niyakap ito.
"Sino sila? Bakit may panauhin tayo?"tanong niya.
"Paumanhin sa aming mapusok na pagpasok sa inyong bayan. Kami po ang anim na diyos na nakatalagang ipagligtas ang aming kamahalang tagapagligtas." Pakilala ni Ice.
"Sino siya?" tanong ng matangkad na lalaki habang nakatingin kay Enzo.
"Hindi niyo man po maintindihan gayon po kami rin, sapagkat dalawa po ang tagapagligtas sa henerasyong ito." Paliwanag ulit ni Ice.
"Kung ganun. Ikinagagalak naming makilala kayo mga kamahalan." Sabi ng matangkad na lalaki sabay yuko. Gayundin ang mga kasama niya. Pamilya siguro.
"Magsisimula na ang parada Inang!" masayang sabi ng batang babae.
"Kung inyong mamarapatin nais po namin kayong imbitahan sa aming piesta sapagkat matagal na panahon na ang nakakaraan nong may dumating na bisita sa bayang ito." Paanyaya ng ina. Pumayag naman kami kaya sumama kami sa kanila sa labas.
Nagkakasayahan ang lahat. Isang masayang tugtugin ang aming naririnig. Paano nangyaring ang isang tahimik at parang patay na bayan ay biglang nabuhay na ganito? Makukulay na ilaw ang aming nakikita sa paligid at lahat nakangiti lamang. Parang walang problema sa bayang ito. Wala nga ba o baka hindi nila alam? O baka hindi nila pinahahalata.
"Magandang binibini?" tawag sa akin ng matipunong lalaki na kanina na nasa bahay.
"Ako ba ang tinatawag mo?" nagtataka kong tanong.
"Wala ng iba" napangiti naman ako sa sinabi niya. Medyo malalim ang pananalita nila ha.
"Nais ko sanang malaman ang pangalan mo na siguro kasing ganda mo." Ang bola naman ata ng sinabi niya. Siguro chicksboy to.
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasyAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...
