Chapter 40

16 1 0
                                    

Enzo's POV

Halos panghinaan na kami. Wala kaming maisip na paraan kung paano siya tatalunin. Mas malakas siya sa amin..kaysa sa akin. Hindi ko man lang mahinto ang hininga niya..kung oras kaya? Hindi rin tatalab yun.

"Kaya natin siya..kung sama-sama tayong aatake." Sabi ni Ice.

"Kung ganun ano pang hinihintay natin?" sabi ni Ash.

Sabay kaming kumilos.Natatamaan naman namin siya. Kahit anong kinalakas niya hindi niya matatalo ang samahan ng magkakaibigan. Sinunggaban siya ni Storm. Mabilis si Storm... kasama niya ang hangin. Pagtatama si Cedrick sa isa sa amin, pinipigilan agad ito ni Leo at Ash. Isang nagyeyelong suntok ang binigay ni Ice kay Cedrick.

Mukhang tinatablan naman siya sa mga suntok at sipa namin. Kung hindinamin siya matalo sa mahika pwede sa pisikal na lakas. Mas matimbang parin ang marami sa isa.

Lumayo muna kami sa kanya para makapagpahinga sandali. Tapos sinugod agad namin siya.Sa pagkakataong to nahuhuli niya kami. Nilipad niya palayo si Ash.Sinipa niya si Leo.Nahawakan naman niya sa leeg si Storm at tinitigan si Ice. Hindi makagalaw si Ice.

"Ako ang kalabanin mo!"

"Wag!" si Yanny. Napagaling na siya ni Grey. Hindi masyado ngunit nahahalata namang nakakalad na siya kahit pakimbakimba.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Ano bang ginagawa mo? Umalis ka na dito." Sabi ko sa kanya.

"Hindi..hindi niya tayo matatalo hanggat magkasama tayo"

"Ano bang sinasabi mo?" bigla niya na lang akong hinalikan sa labi. Nagulat ako sa inasal niya. Sa tanang panahon..ngayon pa talaga?

"Hindi!!! Hindi!!!" galit na sigaw ni Cedrick. Tinapon niya si Storm at Ice. Agad naman silang sinundan nina Grey at Andy.

Hinawakan ni Yannyang mga kamay ko..

"Hindi!!!!" sigaw ni Cedrick tapos bigla nalang lumiwanag. Nandito na naman ang liwanag.

"Ano bang nangyayari?" tanong ko kay Yanny. Hindi ko man siya makita dahil sa nakakasilaw na liwanag nararamdaman ko paring nandito lang siya dahil hawak-hawak niya ang mga kamay ko.

"Pag dalawang kalahating koronay pinagdikit..kapangyarihay magiging isa..." bulong niya. Kaya pala..naiintindihan ko na. Sa tuwing nagkakadikit ang mga korona namin sa palapulsuhan lumiliwanag nalang bigla. Dito pala nanggagaling ang liwanag na yun.

Nawala na ang liwanag. Magkahawak parin kami ng kamay ni Yanny. Bumalik na sa dati ang hitsura niya at nararamdaman ko pati ang lakas niya. Kumulay bigla ang buhok niya. Sa akin rin..samay gilid nga lang.

"Hindi!!Hindi ito maaari!"sigaw ni Cedrick. Lumapit kami ni Yanny habang magkahawak kamay.

"Bibigyan kita ng pagkakataon... akin na ang mga diamante." Sabi ni Yanny.

"Hindi!!!"Lumipad siya sa itaas at sinunggaban niya kami ng isang malaking bolang apoy.Bigla akong nataranta. Paano kungtumama ito sa amin? Niyakap ko lang si Yanny upang hindi matamaan ng apoy. Di baleng ako nalang basta wag lang siya.

Hinintay kong tumama ito sa aking likuran ngunit wala akong naramdaman.

"Mga hangal!!!" galit na sigaw ni Cedrick. Humarap ako at nakita ko ang bolang apoy. Nakahinto ito sa harapan ko.

"Kita mona Enzo? Walang mangyayaring masama hanggat magkasama tayo." Sabi ni Yanny habang nakangiti. Kung ganun.

Mabilis akong lumipad sa itaas at hinarap si Cedrick. Nagulat siya ng makita niya ako. Nagulat rin ako sa nararamdamang lakas ko. Sinapak ko siya kaya matulin ang pagbagsak niya sa lupa.

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon