Chapter 14

11 1 0
                                    

Enzo's POV

Nandito ako ngayon sa aking silid. Nag-iisip ako kung papano ko ibabalik ang bagay na to sa taga-lupang iyon. Kailan kaya kami muling magkikita? Isang linggo na rin ang nakalipas mula nung nangyari sa gubat. Naghihintay lang din ako sa kung anong mangyayari. Wala kaming magawa sa ngayon. Masyadong mahirap makapasok lalo na ngayong mainit ang mata ng palasyo sa amin.

"Enzo." Pagmamadaling pasok ni Andy sa silid ko. Naalala niyo siya? Siya ang diyos ng mga wizards.

"Bakit at parang natataranta ka ata?" mahinahun kong tanong.

"Yung tagalupa. Dinakip at dinala sa kulungan."

"Ano?!" alam ni Andy ang tungkol sa tagalupa. Nakita niya kasi ako sa gubat kasama ang tagalupa.

"Pipilitin nilang magsalita ang tagalupa sa kung ano ang nalalaman niya." Tumayo agad ako at nagmadaling pumunta kay Alfonzo na siyang tinuturing na hari ng lahat ng wizards. Hindi siya wizard isa siyang apoy.Kaya bakit siya ang pinili ng lahat? Bakit siya nabilang dito?

"Ama! Anong binabalak niyo sa kanya?"

"Sa tagalupang yun? Wag kang mag-alala Enzo dahil sa kanya magiging madali sa atin ang lahat."

"Wag niyo siyang sasaktan kung hindi."

"Kung hindi ano Enzo? Lalabanan mo ako?"

"Kung yun ang dapat." Tumalikod ako sa kanya. Nang magsimula na akong maglakad nakaramdam ako ng mainit na apoy papunta sa akin. Hindi ako agad nakailag kaya tumama sa balikat ko.

"Kahit ikaw ang tagapagligatas, ako parin ang hari mo!" hindi ko siya pinansin at naglakad na papunta sa kulungan. Masyadong malala ang naging sugat ko. Walang ya talaga siya. Hindi siya karapat dapat maging hari. Wala siyang iniisip kundi sarili niya. Hindi ba niya naisip na isang pitik ko lang pwede siyang maging abo? Kahit siya ang hari ko, ang ama ko, hindi nun mababago ang katotohanang masama siya at makasalanan. Malaki ang kasalanan niya sa akin. Darating ang panahon ako mismo ang sisingil sa kanya.

Ng makarating na ako sa kulungan nakita ko kaagad ang tagalupa na umiiyak. Natatakot siguro siya ng sobra. Pumasok ako sa kulungan niya kaya nabigla siya.

"Bat ka nandito? Dilikado dito. Tumakas ka na baka makita ka pa nila." Medyo basag ang boses niya ng sabihin niya ang mga yon.

Umupo ako sa harapan niya.

"May sugat ka. Dapat magamot iyan."

"Wag kang mag-alala wala to." Sagot ko. Kung tutuusin kahit ilang ulit pa akong masugatan kaya ko itong pagalingin. Kasali ang pagpapagaling sa mga katangian ng isang tagapagligtas.

"May nakalimutan ka." Sabi ko kaya napaisip siya kung ano.

"Meron ba?" nakikita ko sa mga mata niya ang takot. Kahit pinipilit niyang maging matapang sa harap ko nararamdaman ko parin ito.

Kinuha ko ang bagay nayun at inilagay sa buhok niya.

"Ayan.. sabi ko na nga ba at may kulang sayo. Ayan na."

"Akala ko nawala ko na ito. Nasayo pala."

"Teka. Ano pa bang hinihintay natin dito? Tara. Itatakas kita" sabi ko at hinila siya patayo.

"Teka.. hindi ba masyadong delikado?"

"Walang delikado para sa isang katulad ko."sabi ko at ngumiti. Gumamit ako ng mahika ng pagiging invisible.

"Ano nang gagawin natin?" tanong niya.

"Hindi nila tayo nakikita pero naririnig kaya shh." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Ano ng gagawin natin?"

"Edi tumakbo." Tumakbo kami ng tumakbo palabas sa tinuturing naming palasyo. Dumiritso kami sa gubat patungo sa talon at nagpahinga. Umaga na.

"Grabe! Ang bilis mong tumakbo!" reklamo niya.

"Nagugutom ka ba?" tanong ko at tumango lamang siya. Pumunta ako sa gilid ng talon at hinati ang tubig.

"Wow! Hindi ko alam na kaya mo palang gawin yan!" manghang mangha niyang sabi.

"Hindi lang yan." Tinaas ko ang isda at niluto sa init ng apoy na ginawa ko. Masyado ba akong mayabang? Hindi naman ata.

"Kain na." ang bilis niyang kumain. Ganun ba siya nagutom? Sabagay sa layo ba naman ng tinakbo namin. Pwede naman kaming lumipad nalang diba?

"Hindi ka ba hahanapin sa palace town?"

"hala! Patay! Endo kailangan ko ng bumalik." Tumayo na siya at tatakbo. Hinawakan ko siya at pinaharap.

" Mas madali to. " gumamit ako ng spell na magdadala sa kanya sa silid niya upang hindi na siya mapahamak pa. Iba ang nararamdaman kong awra sa kanya. Masyado siyang iba sa isang karaniwang tagalupa lamang. Nagawang gamitin ng diwata ng mga espirito ang katawan niya. Hindi siya ang prinsesa kaya isa siyang switcher. Hindi ko rin magawang sagutin ang tanong sa isipan ko kung bakit parang may luksong dugo ako sa kanya. Hindi ko maintindihan yung pakiramdam na parang ang hiyang ko sa kanya. Yung parang iisa kami.

Pag-uwi ko sa palasyo nakaabang si Andy.

"Kumusta? Ayos na siya?" tanong niya.

"Oo salamat." Bumuntong hininga naman siya.

"Ayos lang na masaktan ka para sa kanya?" bigla tanong ni Alfonzo. Yumuko si Andy at umalis. Bat ba sila natatakot sa kanya? Wala naman siyang pinag-iba sa mga haring walang puso. Hindi...haring walang puso nga siya.

"Ano namang paki mo?" tanong ko.

"Ang asikasuhin mo ay ang paghahanap sa prinsesa! Hindi kung ano-anong pagliligtas sa isang walang kwentang tagalupa!" aakma na siyang sasaktan ako ulit kaya pinatigas ko siya. Pinaralisado ko ang buong katawan niya.

"Hari ka lang. Isang hamak na hari na wala namang lupaing pinamumunuan. Ako parin ang pinakamalakas na nilalang sa mundo. Isang hinga ko lang kaya kitang durugin at ihipan na parang abo sa hangin. Kaya pag sinabi kong yumuko ka yuyuko ka!" ginamitan ko siya ng mahika kaya napayuko siya. Nagulat siya sa sinabi ko kaya ngumiti ako ng napakasama at naglakad palayo sa kanya. Pagkarating ko sa silid ko inalis ko na ang mahika sa katawan niya.

May panahon na mapupuno ako sa kanya kaya wag na wag niya akong gagalitin.

Ina. Kung nasan ka man tandaan mong mananaig parin ang tama at hanggang nandito ako mangyayari iyon. May plano ako na ako lang ang nakakaalam. Darating ang araw na magkikita rin kami ng prinsesa. Tadhana ang gagawa nun. Nakasulat nayun kaya mangyayari yun.

Chriveane's POV

Grabe isang ganun lang niya nandito na ako sa silid ko. Saan kaya siya napabilang? Sa wizards? Apoy? Tubig? Hangin? Hindi ko mahulaan e.

"Yan-yan!" nagulat ako dun ha.

"Bat ka ba nanggugulat?" niyakap nalang ako bigla ni Grey. May problema ba siya?

"Nandito siya!" sigaw niya. Dumating naman lahat ng kasamahan niya. Ano bang problema nila?

"San ka ba nanggaling? Alam mo bang lahat ng kawal ng palasyo hinahanap ka?" tanong ni Leo.

"Talaga?" grabe paano nila nalaman na nawawala ako?

"Dinalaw ka kasi rito kagabi ni Ice tapos wala ka." Sagot ni Ash. Ang totoo, nababasa niyo ba iniisip ko ganern? Hinahanap ako ni Ice?

"Pasensya na. Ano kasi." Ano bang isasagot ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na nagpunta ako sa labas ng palace town diba? Na dinakip ako ng mga wizards diba?

"Naglalakad ka pa rin ba habang tulog?" tanong ni Ice. Wow! Ang galing niya!

"ah.. oo.. sakit yun e. Sleepwalking." Salamat kay Ice at pinaalala niya!

"Waa! Princess.. yung clip mo!" ah.. oo binalik kasi ni Endo.

"galing.. pagnaglalakad ka pala ng tulog mahahanap mo yung mga nawawala mong gamit." Manghang manghang sabi ni Leo.

"Siguro." Sabi ko at ngumiti na lang. Buti nalang talaga at may nasabi akong palusot. Muntik na naman yun ha. Pagnagkataon mapaparusahan talaga ako ng palasyo sa paulit-ulit kong pagpunta sa labas ng palace town.

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon