Epilogue

29 1 0
                                        


Enzo's POV

Naghahanda na ang lahat para sa aking pagtanggap sa korona. Hindi ko man gusto pero wala akong magagawa. Patuloy parin naman naming hinahanap si Yanny e. Nasaan ka na ba kasi?

Bilang hari kailangan kong mag-isip ng mga bagay na ikabubuti ng lahat. Nasaayos narin naman ang lahat ng distrito. Ang mga serenang pinarusahan ni Ice nakabalik na sa dagat at ang mahika? Ginawan ko na ng paraan. Para hindimaging problema ang pagiging rebelde, pinakawalan ko lahat ng mahika. Pwede silang manatili sa ano mang bagay na sumisimbolo sa kanila. Pwede rin silang mapadpad sa mundo ng mga tao. Samakatwid ang mga hayop, nandun parin sa distrito nila. Hindi parin sila pwedeng pumunta sa iba sapagkat masisira ang balanse ng gubat.

"Handaka na ba kamahalan?" tanong ni Cedrick. Naglilingkod na siya ulit sa palasyo. Wala siyang maalala dahil nga iba ang nasa katawan niya noon.

"Gusto mong matulog muna nang magamit ko ang katawan mo?" si Falmera yun. Oo nagbalik na siya. Hindi niya maipaliwanag kung nasaan siya ng mga araw na yun. Ngayon, wala na ang katawan niya. Esperito na lamang siyang gala.

"Subukan mo nang maglaho ka na" sagot ko.

"Biro lang." pinahanap ko kay Falmera si Yanny pero hindi niya mahanap. Hindi ko rin alam kung bakit. Si Palama naman wala naat kahit kailan di na siya makakabalik pa. Sana kung nasaan man siya maging masaya na siya.

"tama na nga yan.. kamahalan tayo na po?" tumango lang ako bilang sagot kay Cedrick.

"Teka!" si Andy yun. May balita na kaya siya?

"Kamahalan... ito na... nakita ko na siya."

"Talaga??Saan??"

Chriveane's POV

Winter na. Ang ganda ng snow sa labas. Gusto ko sanang maglaro kaya lang maylagnat ako. Ayaw rin ni Mommy na palabasin ako baka lumala lang ang sakit ko. Kung dumaan kaya ako sa bintana? Ok yun..

"Shane? Hindi mo naman iniisip na dumaan sa bintana diba?" si mom yun.

"Opo." Well..actually. She's not my real mom. Sabi niya nakita niya ako sa labas ng bahay niya nung pabalik na sila mula sa paglikas. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko matandaan. Isang napakalaking sakuna raw ang nangyari. Ang hindi pa nila maintindihan buong mundo! Sabi nila mukhang end of the world na nga yun e. Well that was just a year ago kaya makikita mo parin ang mga pinsala.

"Shane? Daddy's here." Nandiyan na si daddy! Dali-dali akong lumabas sa kwarto ko upang salubungin siya.

"Ano? Excited ka na sa snow? Ano?" sabi niya habang naglalaro ng baseball sa kamay niya.Ako naman yumuyuko lang. Kung ituring nila ako parang isang bata ha. Wala silang anak. Shane rin ang tinawag nila sa akin dahil sa alaga nilang aso na pangalan ay Shane na namatay dahil sa sakuna. Aso na ba ako ngayon?

Pilipino daw sila na kasalukuyang naninirahan dito sa Sweden. Ewan ko nga kung tagarito rin ba ako. Baka inanod lang ako ng baha.

"Ano pang hinintay natin? Tayo-"

"Hep! Dad... masyadong malakas ang snow at may lagnat si Shane kaya hindi pwede" si mommy talaga oo.

"Wag kang mag-alala sweetheart. Ganito nalang tumingin ka nalang sa labas at mamaya paghumupa na mag-lalaro tayo okay?" tumango lang ako kay dad. Lumabas na ako at umupo sa may hagdanan. Lumalakasna ang snow. Wala na rin akong nakikitang mga batang naglalaro. Sana may powers ako para mapasikat ang araw.

Tinaas ko ang aking kamay. Pinikit ko ang aking mga mata. Kung may powers ako... sana humupa na ang snow. Dinilat ko ang mga mata ko.

"Ano bang iniisip ko. Wala akong powers." Pumasok na ako sa loob. Mukhang sasusunod na araw pa talaga ako makakapaglaro sa snow. Hindi ko matandaan kung nakapaglaro na ba ako sa snow dati kasi wala talaga akong matandaan. Sa aking ala-ala first time ko to.

The Fair Princess: The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon