Ice's POV
Ito na ang araw na hinihintay ng lahat. Ilang oras nalang at mangyayari na ang inaabangan kung sino sa kanila ang prinsesa. Sa aming pagkakaalam, si Beni yun. Pero sa tingin ko may mali sa kanya. Unang clue ay yung tungkol sa unicorn. Nakapagtataka talaga ang nangyaring yun.
"Ice! Tingnan mo! Ang ganda ng damit na to di ba?" tanong ni Yanny.
"Hindi bagay sayo."
"Grabe ka naman Ice. Wag mo siyang pakinggan Princess bagay na bagay kaya" sabi naman ni Ash.
"Kailangan ba talagang ganito ang suot ko?" tanong niya.
"Oo princess kasi ikaw ang palace keeper. Mamaya nandun ka sa tabi ng reyna." Sabi naman ni Leo.
"Ayo slang din naman sa akin to. Ang kulang nalang ay yung 18 roses ko at 18 candles ko."
"Para saan naman yun?" tanong ni Grey.
"Di niyo alam yun? Ginagawa yun sa debut ng babae."
"Debut? Ano yun?" tanong naman ni Leo.
"Ano bay an. Debut. Yun yung ikalabing walong kaarawan naming mga babae. Kaya iisipin ko nalang na party ko narin to."
"hindi ka namin maintindihan ano bang ibig mong sabihin?" tanong ko.
"O my gudzz. Wala bang babati sa akin? Birthday ko kaya ngayon. Eighteen na ako."
"Labing walo." Mahinang sabi ni Leo.
"Imposible." Mahina kong tugon.
Boogsh!!
"Ano yun?" tanong ni Ash. Isang malaking pagsabog ang nangyari. Saan nangyari yun?
"Inaataki tayo!" sigaw ng isang kawal. Nagsitakbuhan na lahat at nagpunta sa ligtas na lugar. Inaalalayan na nila ang mga bata at matanda.
"Yan-yan dun ka muna kasama ang mga prinsesa." Sabi ni Grey.
"Pero kaya kong lumaban. Ano pat binigyan ako ng magic vessel."
"Hindi gagana ang ganyan sa kanila. Isang simpleng magic vessel lang ang meron ka at hindi ito sasapat sa mga wizards. Kaya sige na!" sabi ko. Tumakbo na siya at nagpunta sa mga prinsesa. Hindi ito maaari. Ang alam ko pinalagyan na ng spell ni Cedrick ang barrier. Pero anong nangyari? Imposibleng nasira agad ito. Nasa mataas nan a ranggo ang kakayanan ni Maestro kaya imposibleng masira agad ang mahikang ginawa niya.
"takbo! Bilis!" sigaw ko sa iba. Nagsilabasan narin ang mga sundalo at ibang mga mamamayan na kayang gumamit ng mahika. Ang ibang wala pa sa tamang edad ay pinaalis na. Kailangan naming maprotektahan ang palace town.
"Anong nangyayari?" tanong ng reyna.
"Bakit kayo nandito? Mapapahamak kayo. Maestro kailangan nating protektahan ang reyna." Sabi ko.
"Alam ko pero ito ang nais niya."
"Tama na. Ako ang inyong reyna kaya dapat ako ang mamumuno sa inyo. Baka nakalimutan niyo isa akong tagapagligtas."
"Masaya ka bang nakita ako kapatid?" sabi ng isang zae na kasama nila. Kapatid? Ibig sabihin siya si Alfonzo. Ang traydor at sakim na kapatid ng reyna.
"Alfonzo. Anon a naman ba itong kaguluhang ginagawa mo?"
"Kapatid, oras na para kunin ang trono sa iyo."
"Ang trono ay para sa tagapagligtas at hindi para sa iba."
"Alam ko kapatid kaya kukunin koi to ng kusa sa inyo! Lahat ng hindi yuyuko sa akin ay mamamatay! Yuko!" natahimik ang lahat. Wala sa amin ang gustong yumuko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/52903494-288-k448088.jpg)
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
خيال (فانتازيا)Ako ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...