Enzo's POV
Nalilito na ako sa mga nangyayari. Kasalanan ko to. Kung nakinig lang sana ako kay Palama hindi na sana ito nangyari pa. Kung may mangyayaring masama sa kanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Nilagay ko lang ang buhay niya sa panganib o maaari ring sa kamatayan.
"Hindi kaya ang Prinsesa ay nangangailangan ng tulong?" tanong ng pinuno.
"Anong tulong po ba ang ibig niyong ipahiwatig?" tanong naman ni Ice.
"Tulong kung saan siya'y malalayo sa kamatayan."
"Kamatayan? Anong ibig niyong sabihin?" tanong ko.
"Ang kamahalan ay nanaginip ng kung ano anong nangyayari sa Prinsesa. Siya na mismo ang nagsabing siya'y nasawi sa loob ng kanyang panaginip, hindi kaya...ganun rin ang mangyayari.."
"Hindi...hindi iyun mangyayari." Putol ko sa kanya. Nilapitan ko ang Prinsesa sabay bulong sa tenga niya.
"Kung naririnig mo ako, sundan mo lang ang tinig ko at gagabayan ka nito pabalik sa ating mundo." Hinawakan ko ang mga kamay niya ng biglang...
"Ang liwanag!"Sigaw ng mga tao. Ang liwanag...natatandaan ko. Bago kami nawalan ng malay, isang liwanang ang bumungad sa amin kanina. Tapos pagkagising ko, nasa loob na ako ng aking panaginip. Kung ganun, saan nanggagaling ang liwanag na ito?"Sumasakit ang ulo ko!" rinig kong sigaw ni Ice. Hindi ko alam kung bakit pero wala naman akong nararamdamang hapdi sa aking katawan. Hawak-hawak ko parin ang mga kamay ng Prinsesa.
"Yanny... gising na... gumising ka na."patuloy ko paring bulong sa kanya.
"Waaah!" tumilapon ako dahil sa malakas na hanging binitawan ni Storm. Ano bang nangyayari sa kanila? Ang prinsesa! Bigla nalang nawala ang liwanag...tapos...isang napakalaking matulis na kahoy ang papunta sa akin. Ang tulin nito na kahit anong segundo ay tatama sa akin. Katapusan ko na ba? Ito na ba ang sinasabi nilang panganib na pwedeng tumapos sa aking buhay?
Chriveane's POV
Hindi ko mawari kung nasaan ako. Naglalakad ako sa gitna ng mga makukulay na bulaklak. Ang daming mga paru-parong nakapaligid. Ito naba ang sinasabi nilang paraiso? Masyado atang maganda sa aking imahinasyon. Nakikita ko ang mga malilinaw na tubig na nagmula pa sa agos ng ilog. Ang mga ibon ay nag-aawitan na para bang sinasabi kung gaano sila ka saya Pero mas masaya kung may kasama ako.
Bigla nalang umihip ang napakalakas na hangin at nilipad lahat ng aking nakikita na para bang mga hamak na papel lamang.Ang mga bulaklak ay napalitan ng mga tinik. Wala akong saplot sa paa kaya puro tinik ang aking natatapakan. Masyadong mahapdi kaya tumakbo ako papunta sa ilog. Pagkarating ko sa ilog ay bigla namang umapoy kaya nasunog ang aking mga balat. Ano ba ito?Panaginip? O paraiso? Dahil kung isa lamang itong masamang panaginip, gusto ko nang magising!
Dahil sa aking kakatakbo, napadpad ako sa hindi ko mawari kung anong lugar. Para siyang gubat na nakakatakot. Ayoko sanang dumaan doon kaya lang paglingon ko unti-unti namang nawawala ang lahat. Hinahabol ako ng kawalan. Tinakbo ko ang kagubatan. Habang tumatagal lalo akong hindi makahinga. Ano bang nangyayari sa akin? Nanghihina ako. Hindi ko na mailakad ang aking mga paa. Saan baang daan palabas sa bangungot na ito? Enzo... pakiusap.Tulungan mo ako.
"Kung naririnig mo ako, sundan mo lang ang tinig ko at gagabayan ka nito pabalik sa ating mundo." Boses yun ni Enzo. Si Enzo yun. Makakaya ko to. Ilang layo lang yun. Kaya ko pa. Habang papalapit ako sa tinig niya, lalo namang lumiliwanag ang paligid. Ano bang nangyayari? Hindi ko tuloy makita ang aking dinadaanan.
"Enzo!!!!" sigaw ko bakasakali marinig niya.
"Yanny... gising na... gumising ka na." ayun.
"Naiintindihan mo na ba ang nais kong iparating sayo kamahalan?" Tinig yun ni Falmera. Ano ba ang nais niya?
"kamahalan. Hindi ko pinangungunahan ang mga plano ninyo, subalit habang tumatagal mas nalalagay kayo sa panganib. Kamahalan, hanggat maari, iwasan ninyo ang isa't isa."Iwasan? Paano ko iiwasan ang isang taong nagbibigay lakas sa akin? Paano ko iiwasan ang taong nagbibigay dahilan sa akin upang magpatuloy mabuhay sa mundong puno ng panganib? Paano ko iiwasan ang taong tinitibok ng puso ko? Kahit magsama kami o hindi, parang hindi ko ata kakayanin. Sa piling ko ba na kapwa kami mapapahamak? O ilalayo ko siya kung saan ligtas siya at ako naman ang mangungulila? Parang wala naman ata akong magandang pagpipilian.
Anong nangyayari?... Lumulutang ako sa ere. Anong nangyayari?Kahit anong mangyari, ayokong lumayo sa kanya. Pero kahit anong gawin ko naman mapapanganib lamang siya sa piling ko. Ayoko... ayokong mapahamak siya.Ayokong masaktan siya.Ayokong mawala siya ng tuluyan.Ayoko.Ayoko.
"Ayoko!!!!"
Ice's POV
Bigla nalang sumakit ang ulo ko pagkatapos lumitaw ng liwanag. Saan ba nagmumula ang liwanag na to at parang paulit- ulit nalang? Napasigaw si Storm kasabay bitaw ng napakalakas na hangin kaya ramdam ko ang pagtama ng siko ni Ash sa sikmura ko.
Maya-maya pay bigla nalang nawala ang liwanag.
"Ayoko!!!!"ang prinsesa. Dahil sa pagsigaw niya tumilapon lahat ng bagay na malapit sa kanya.
"Ahhh" ang sakit.Tinamaan ako ng silya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang bumagal ang paggalaw ng lahat. Kitang-kita ko ang bawat pagpatak ng tubig na nagmula sa bubong ng bahay na to.
Ang prinsipe.Isang matulis na kahoy ang papunta sa kanya ngayon. Kung hindi ito maagapan, siguradong tatami ito sa puso niya. Anong gagawin ko? Paniguradong wala akong magagawa dahil mabagal ang oras. Bago ko pa maigalaw ang mga kamay kopaniguradong nasa dibdib niya ito. Anong gagawin ko?
"Hindi!!!!!" sigaw ni Yanny ng makita ang matulis na kahoy na papunta sa Prinsipe.
Biglang naging abo lahat ng bagay na nandito sa bayang ito. Ang mga mesa, silya, pati mga bahay. Wala ng natira kundi ang rebolto ng itim na bato sa gitna ng bayan.
"Anong nagawa ko?" tanong ni Yanny. Bumalik na ang oras sa dati.Tumayo ang prinsipe upang pakalmahin siya.
"Wag kang lalapit!"
"Yanny... makinig ka."
"Sabing wag kang lalapit!" sigaw niya.Medyo napalakas ito kaya tumilapon ang kamahalan.
"Pasensya...hindi ko sinasadya. Pakiusap..lumayo ka na... lumayo ka na bago pa mahuli ang lahat. Enzo.Pakiusap." Lumuluha na siya ngayon. Hindi namin mawari kung bakit. Ano bang problema?
Tumayo naman agad ang kamahalan at patuloy parin sa paglapit.
"Yanny.."
"Sabing lumayo ka!!!" bigla nalang siyang umapoy. Yung apoy na kulay asul kung saan ang kilalang pinakamapangahas na apoy sa lahat.
"Kahit abuhin mo man ako. Hindi ako lalayo sayo." Mahinahon niyang sabi at patuloy parin sa paglapit. Ang layo ng kinatatayuan ko pero ramdam ko parin ang init na pumapalibot sa katawan niya.
Habang lumalapit ang prinsipe nararamdaman ko rin na humihina ang apoy niya. Kahit anong gawin ng tadhana, hindi parin nila kayang saktan ang isa't isa. Napalusod ang prinsesa at humagulgol sa pag-iyak. Niyakap naman agad siya ng prinsipe.
"Wag ka ng umiyak. Walang mangyayari sa atin, sa akin, habang magkasama tayo dito sa mundo mo."
"ma-hal... ki-ta.."
Tama. Naaalala ko pa. Yun yung sabi niya kay Yanny bago siya nawalan ng malay ng masaksak kanina. Mahal nila ang isa't isa at ang pagmamahal na yun ang magliligtas sa kanila sa kapahamakan.......siguro.
ag ko.<y
![](https://img.wattpad.com/cover/52903494-288-k448088.jpg)
BINABASA MO ANG
The Fair Princess: The Protector
FantasiAko ang tagapagligtas na nagmula pa sa mundo ng mga tao at papasok sa kabilang mundo ng mahika. Kailangan kong manatili ng buhay ngunit pano nga ba kung kapwa buhay namin ay malalagay sa panganib?anong pipiliin ko? ang makasama siya na ikapapahamak...