5th post

69 0 0
                                    

Pumunta na kami sa hapag kainan kung saan nakahain na ang lahat ng pagkain.

Dad: "Wag kang mahihiya Darrel, feel at home.'

Tsk, buti pa si Darrel inalukan nya... pero sariling anak nya hindi.

Kumuha naman si Darrel ng kanin at ini-abot ito sa akin.

Ako: "Para sa'n yan?"

Darrel:"Para sa'yo."

Ako: "Di mo naman kailangang gawin yan eh."

Dad: "Ano ka ba naman anak... ginagawa lang yan ni Darrel for practice... Di ba iho?"

Darrel: "Opo, sir." - I just roll my eyes.

Dad: "Tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Sir, Dad na lang."

Napalingon naman ako sa papa ko.

Ako: "Hah?"

Dad: "Sus, duon naman din yun pupunta... di ba iho?"

Darrel: "Opo.. Dad."

Tumuwa naman ang papa ko pero ako asar na asar na.

Bumulong naman si Darrel.

Darrel: "Kung gusto mong kapani-paniwala ito dapat maging sweet tayo sa isa't -isa."

Takte!! Gustong gusto ko ng sakalin ang lalaking ito. Promise!

Kumuha ako ng table napkin para isakal sa kanya...

Ako: "Darrel... may dumi ka oh."

Pinunasan ko naman ang dumi sa mukha nya, pero may kasamang diin.

Ngumit naman sya.

Darrel: "Tama na... mabubura labi ko, wala ng hahalik sa'yo."

Pagpasalamat kang ulol ka andyan papa ko kundi lang kanina pa kita pinatay.

Dad: "Aaaaahhh, ang sweet."

Urgh! Kung wala lang sakit sa puso si papa kanina ko pabinunyag na drama lang naming ito. Kanina ko na gustong sumuka... Nakakasuka naman talaga itong ginagawa namin eh.

Itong isa naman, nage-enjoy pa sa ginagawa naming.

Dad: "So Darrel... ano ba ang nagustuhan mo sa anak ko? I mean... alam mo naman sigurong tomboy sya, di ba?"

Darrel: "Opo... actually, nung nagkagusto po ako sa kanya babae pa sya nun."

Nagtaka naman ang papa ko.

Dad; "Pero ang tagal na nun ah."

Darrel: "Yes... I'm her..." lumingon sya sa akin "Unrequited love."

Halos mabulunan naman ako sa sinabi nya.

Unrequited your face!

Dad: "Hay nako... sana nga't ikaw na ang makapagpabago jan sa aking unika-iha."

Bigla naman akong nagka-goosebumps sa sinabi ng papa ko.

Darrel: "Wag ho kayong mag-alala sir.. gagawin ko pa ang lahat para mapabago sya."

Hah! Kung kaya mo!!

Matapos silang mag-usap ng tatay ko ay nagpaalam na syang uuwi dahil walang kasama ang mga kapatid nya sa bahay dahil wala ang parents nya.

Nagpaalam pa sya sa papa ko at sa uulitin daw.

Tsk, wala ng kasunod yun...

Nung nasa gate kami at hindi na rin nakapaligid ang papa ko ay bigla ko syang sinapak.

Darrel: "Aray!.... peste! Para sa'n yun?"

Ako: "Gago ka?! Sinong nagsabi sayong pwede mo akong halikan?!"

Darrel: " Hoy, wag kang reklamador. Ginawa ko yun para di makahalata ang papa mo, atsaka sabi ni Daniel, gagawin ko daw kung ano ang gusto ng papa mo para di sya maghinala."

Susuntukin ko pa sana sya pero napigilan nya naman ang kamao ko.

Darrel: "dapat pa nga ako ang magreklamo. Come to think of it na-hinalikan ko ang isang babaeng nanghahalik ng kapwa babae? Kadiri kaya. Abono pa ako, ang baho ng hininga mo."

Mas lalong kumunot ang noo ko.

Darrel: "Tigilan mo na yang paninigarilyo mo. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng kasintahang sunog ang baga."

Ako: "Aba't baka nakakalimutan mong drama lang ito."

Darrel: "Nakakalimutan mo din ata, na kung di sa akin mapapaksal ka sa isang lalaking di mo kilala. Kung susumimain, mas kailangan mo ako. Kung di lang naman sa pamba-black mail ni Daniel di ko ito gagawin."

Ako: "Ano ba kasing nasa phone na 'yun ni Daniel at napapayag ka?"

Darrel: "None of your business."

Ako: "Urgh!"

Darrel; "Sige na.. uuwi na ako."

Ako; "Layas!"

Bigla nya akong hinawakan sa pisngi at iniharap sa kanya. Inilapit nya ang mukha nya at may tangka pa atang humalik pero itinaplak ko ang palad ko sa mukha nya.

Darrel: "Andyan ang papa mo." -bulong nya pa.

Bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib ko. DI kaya narinig ni papa lahat ng pinag-usapan namin.

Inilapit nya ang mukha nya at pumikit naman ako. Sisikmurain ko na lang. Takte.

Pero instead na sa labi nya ako halikan ay sa noo.

Pagkatapos nya akong halikan ay niyakap nya ako.

Darrel: "wag kang ilusyunada... di ko hahalikan ang mabaho mong bibig." - bulong na pa.

Ako: "Bwisit ka, lumayas ka na nga!" - pabulong ko pang sabi.

Pagkatapos ay kumalas na sya at lumabas na ng gate.

Huminga ako ng malalin dhail tiyak na tatanungin ako ni papa. Paglingon ko ay..

Eh?...

Asan si Papa?

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon