57th post

50 0 0
                                    

Pumasok na ako sa room at umupo sa usual sit ko.

Nakita ko namang dumaan sila Darrel at ibang student buddies sa labas ng room namin. Lumingon naman siya at nakita ako.

He smile and wave his hand at ganun naman ako hanggang sa nakalampas sya sa room namin.

Lunch time.

Pumunta ako sa usual spot naming apat pero ngayon ay tatlo na lang.

Daniel: "Oh! Okay na kayo ni Darrel?"

Ako: "Oo... "

Daniel: "Sabi ko sa iyo eh, magiiging okay lang sila. Si Sam ka pa."

Shai: "Hmmm.. ok."

Ako: "Wait.. paano nyo na laman na nag-away kami ni Darrel? Eh kagabi lang yun ah."

Shai: "One night lang kayo nag-away na ganun?"

Ako: "Anong ganun? Nakalimutan nya lang akong i-text so tampo lang yon."

Shai: "Yeah right... kahit naman sino magagalit kung malalaman mong nag-over night ang boyfriend mo kasama ang mga malalanding student buddies."

Biglang kumunot ang noo ko at paran kung ano ang naramdaman ko.

Shai: "Oh... my... gosh! Hindi mo alam?"

Tinapik naman ni Daniel ang balikat ni Shai.

Daniel: "Ba't mo sinabi?"

Shai: "Sorry, ang alam ko kasi alam ni Sam kasi alam yun ng buong school."

Tumayo na ako at naglakad papunta kung saan... kung saan mahahanap ko at maka-usap si Darrel.

Ang sabi nya kaka-uwi nya lang..

Sabi nya pagod sya galing school at pagkarating sa bahay nila ay nakatulog kaagad sya.

Pero ba't hindi nya sinabi na nag-over night sila?

Worst kasama pa ang mga malalanding yun.

Di nya ba naisip ang mararamdaman ko?

Binubinggo ko lahat nakaharang, wala akong paki sa kanila. Alam nilang may dumadaan haharang-harang sila.

May pumatak na luha sa mata ko pero pinunasan ko ito agad.

Mga ilang lakad ko pa ay nakita ko na si Darrel na kasama si toko. Seryosong nag-uusap si Darrel habang ang isa ay kilig na kilig.

Huminto ako sa side nila, napansin naman nila kaagad ang persensya ko kaya napatingin silang pareho sa akin.

Darrel: "Sam? May kailangan ka? Busy kami ngayon eh."

Tinignan ko sya ng masama.

Kim: "Hey Sam, see we are very busy-"

Lumingon ako kay Kim.

Ako: "Wag mo akong englishin... lumayas ka sa paningin ko kung ayaw mong madurog yang mukha mo!"

Darrel: "Sam.."

Ako: "Shut up! Umalis ka na muna, pwede? Kakausapin ko ang boyfriend ko."

Kim: "Ok... Darrel, alis na muna ako."

Darrel: "Ok.."

Umalis na si Kim at hinintay ko muna syang makalayo ng tuluyan bago ako humarap kay Darrel.

Darrel: "Sam ano na naman ba?"

Ako: "Ba't hindi mo sinabi sa akin?"

Darrel: "Ang alin?"

Ako: "Na nag-over night ka kagabi kasama ng iba pang student buddies... to be precise, kasama ang mga babaeng iyon."

Natahiimik bigla si Darrel.

Darrel: "K-kanino mo narinig?"

Ako: "Hindi na importtante kung kanino ko narinig. Ang sabi mo pagka-uwi mo nakatulog ka kaagad kaya hindi mo na ako natawagan.. yun pala-"

Darrel: "Naalimpungatan ako nung time na yun kaya akala ko sa bahay ako pero totoong nakatulog ako kaya hindi kita natawagan."

Ako: "Iniintindi na nga kita eh. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi mo man lang sinabi sa akin!"

Darrel: "Sam! Nakakhiya na oh! Pinagtitinginan na tayo dito."

Student1;: "darrel, pinapatawag ka ng principal. May importante daw kayong pag-uusapan."

Darrel: "Ok."

Ako: "Wait.. ano? "

Darrel: "Sam, mamaya na lang ok. Pag-usapan natin 'to mamaya wag lang ngayon busy pa talaga ako. Andami ko pang aasikasuhin. "

Bigla namang pumatak ang mga luha ko.

Darrel: "hey don't cry... importante lang talga kasi ito kasi darating ang mga board of directors na allies ng school. Hindi ko pwedeng ipahiya ang school."

Pinunasan ko ang pisngi ko na dinaluyan ng luha ko.

Ako: "Ok... unahin mo na lang yan. And don't bother to talk to me. "

Tumalikod na ako at tumakbo papalayo sa kanya.

Darrel: "SAM!"

Hindi ko na lang sya pinakinggan at tumakbo lang ako hanggang sa makalabas ng school.

Sa kakatakbo ko hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko hanggang sa mapadako ako sa isang bar na pamisan ko lang ding puntahan pero isa sa mga nagco-comfort sa akin.

>>to be continue<<

-----------------------

Kaka-recover lang kaya kaka-ud lang.

�����.z


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon