70th post

37 0 0
                                    

Ako: "D-Dad.. ano pong ibig nyo pong sabihin?"

Tumingin sya sa cellphone nya at may kinlik na kung ano at ipinadulas ito sa kama papunta sa akin.

Dad: "Ipaliwanag mo yan!!"

Tinignan ko ang cellphone at nagulat ako sa nakita ko...

Y-Yan yung kanina.

>>sa may phone.. (Video)<<

Ellysa: "Sure? Hindi ba't pagpapanggap lang ginagawa ninyo?"

"Hindi ba't sinabi mo sa akin na nagpapanggap lang kayo kasi nga para hindi ka ipakasal ng papa mo sa ibang lalaki kasi nga ako lang ang mahal mo?"

Ako: "Oo, ganun nga iyon... nagpanggap kami ni Darrel na magkasintahan kami, palabas lang ang lahat ng iyon para lang hindi ako ipakasal ng papa ko...."

>>Natapos ang video<<

Dad: "Ngayon mo sabihin sa akin na hindi mo alam yan!! Ikaw mismo yan!!"

Ako: "D-Dad.. let me explain..."

Dad: "Explain of what?!! I've seen enough!! Niloloko ako ng sarili kong anak, kumuha ng magpapanggap para lang pagsinungalingan ako.. magkano hah... Magkano ang binayad mo sa Darrel na iyon para lang magpanggap!!"

Naluluha na nama ako...

Ako: "Dad... K-kung tinapos lang sana ang video it explains everything."

Dad: "Wala kang kwentang anak!!!" – sigaw nya pa sa akin.

Manang: "Sir... baka po kayo atakihin ulit." – pag-aalalang sabi ni Manang.

Dad: "Wag kayong mangenge-alam dito!! Pinalaki kitang tama, ni wala akon pagkuklang sa'yo pero ano? Nagawa mo pa rin akong lokohin walang hiya ka!!!"

Napahagulhol na ako sa iyak dahil dinuduro na nya ako at nakakatakot ang mga tingin nya sa akin na para bang gusto na nya akong patayin.

Hindi ko inaalala ang mga masasakit nyang sinasabi, ang kalagayan nya ang ini-isip ko.

Ako: "Dad... di ko intension na lokohin kayo... maniwala po kayo sa akin, mahal ko po kayo."

Dad: "Mahal?!! Pagkatapos mo akong paikutin... lokohin? Mahal?!!"

Napatakip ako ng bibig ko at napapikit.

Dad: "Lumayas ka... ayokong makita ang pagmumukha mong sanggano ka!!! Umalis ka na at baka mapatay pa kit-!!! Aaaahh.."

Napalingon ako bigla ng marinig ang paghingal nya na para bang naghahabol ng hangin.

Ako: "Dad..."

Lalapit pa sana ako pero pinipigilan ako ng mga tingin nya sa akin.

Dad: "L-lumayas k-ka!! A-ayokong... m-makita k-ka!!" -pautal-utal nya pang sabi.

Tumawag na ng doctor si Maria at si Manang naman ay pinapahinahon si Dad.

Manang: "Umalis ka na muna Samantha, sige na. Lalabas lang ako kapag ok na."

I nod.

But I look at Dad for the last time before I go.

Pumikit na ako at tumalikod sa kanya.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto.

Pumunta ako sa bench ng ospital na nasa harap lang ng kwarto ni Dad at duon umiyak.

Ba't ba ito nangyayare sa akin?

Ano bang ginawa kong masama't ngayon ang dalawang lalaking mahal ko'y parehong galit sa akin.

Kinasusuklaman ako.

Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Shai.

Ilang dial pa ay hindi pa rin sumasagot.

Tinry ko si Daniel pero hindi nya sinasagot.

Ba't ngayon pa kayo wala kung kailangang-kailangan kayo.

Nag-scroll pa ako at nakita ko ang number ni Darrel.

Pinindot ko ito at hinintay na sagutin nya.

Pero wala... pinatayan nya ako.

Mas lalo akong napahagulhol.

Darrel... I need you know.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pumatak ang mga luha ko sa screen ng cellphone ko na ang wallpaper ay kaming dalawa ni Darrel.

Tinitigan ko habang umiiyak... dama ko ang sakit. Sakit na niminsan hindi hiniling sa buong buhay ko.

Wala akong makapitan, walang umaalalay sa akin... baka anong oras ay bibigay na ako.

Napayuko ako at patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Sam?"

Bigla akong napa-angat ng ulo at lumingon sa kung saan nagmumula ang boses na iyon.

Paglingon ko...

Si Brian.

May dala-dala syang isang basket ng prutas na nakabalot pa.

Halata sa mukha nya ang pagkagulat at pagtataka.

Dali-dali syang lumapit sa akin at inilagay ang basket katabi kong upuan.

Tumayo naman ako at humarap sa kanya habang naka-yuko.

Brian: "A-anong nangyare? Ba't andito ka sa labas? Saan si Tito.... Sam?"

He touches my cheek and wipe my tears.

Ako: "B-Brian..." – mahina ko pang sabi.

Brian: "Ano? Sam... naguguluhan ako. Ba't ka andito sa labas? Ba't ka umiiyak? May masama bang nangyare kay Tito? Sumagot ka?"

Hindi ko na tinitignan ang mukha nya dahil naka-yuko pero ramdam ko sa boses nya pa lang na sobra syang nag-aalala.

I spread my arms and hug him.

Duon ko ibinuhos ang lahat-lahat. Niyakap ko sya ng mahigpit.

Alam kong naguguluhan pa sya sa mga nangyayare... but he hug me back.

>>to be continue<<

------------------------

Readers... may mangyayare po sa #SamRel na for sure.... Dapat nyo pa talagang abangan.

"7":


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon