12th post

56 0 0
                                    

Lumingon ako sa nagsalita, mama pala ni Darrel

Darrel: "Hindi po mah, eh mayaman kasi sila kaya hindi nya na kailangang mag-abalang matutong magluto."

Lumapit sa akin ang mama ni Darrel.

Mama ni Darrel: "Nako iha, kahit na mayaman ka dapat ay marnunong kang magluto. Napaka-pangit sa isang babaeng hindi magluto."

Hindi naman po kasi ako babae eh. -_-

Napa-smirk naman si Darrel.

Mama ni Darrel: "Eh ito ngang si Darrel, ang gusto kong babaeng papakasalan nya ay yung marunong magluto at mag-alaga sa kanya at sa magiging anak nila."

Eh ba't hindi na lang po kayo kumuha ng yaya nya.

Mama ni Darrel: "So ikaw iha ah, ok ka naman sa akin. Wala nama akong magagawa kung gusto ka talaga ng anak ko pero sana magpractice ka ng magluto at mag-alaga. "

-_- Maghihiwalay din po kami, tiwala lang.

Mama ni Darrel: "Kaya nga ngayon ini-isip ko, baka ikaw yung dahilan kung bakit sya nag-HRM. Gusto kasi naming para sa kanya ay engineering pero sabi nya gusto nyang mag-HRM kasi hindi marunong magluto ang babaeng gusto nyang pakasalan."

Nilingon ko naman si Darrel pero nakatalikod sya sa akin dahil naghuhugas sya pero napansin kong namumula ang tenga nya pero di ko na lang pinansin baka kasi talgang ganun na yun. Buhay eh.

Mama ni Darrel: "Oh sya, maiwan ko na muna kayo at maliligo na muna ako. Ohy anak, turuan mo nga ito magluto itong future wife mo."

Ang Mama ni Darrel mahilig mag-joke pero di sya natatawa ah.

Tsk, it's 100 percent na hinding-hindi iyon mangyayare noh.

Darrel: "Pagpasensyahan mo na si Mama ah, talgang madaldal lang yan... di lang halata."

Ako: "So, sinong babae ang tinutukoy ng mama mo na dahilan kung bakit ka nag-HRM, na hindi marunong magluto. Alam ko namang hindi ako yun kasi napaka-imposible. So sino"

Ngumiti naman sya...

Darrel: "Ba't ka naman biglang nagkainteres sa babaeng gusto ko?"

Ako: "Wala lang... ganito, dahil sa tinulungan mo ako ngayon iko-cosider ko na barkada na kita at ang magbabarkada ay nagshi-share ng mga bagay-bagay. So, sino nga?"

Darrel: "Ok... ang name nya ay may vowels at consonants."

Yung ang ganda na ng mood ko bigla na lang nasira.

Ako: "Alalm ko, bakit saan ka ba nakakita ng pangalan na walang vowels?"

Darrel: "Eh bakit si PSY?"

Ako; "Urgh! Wag mo na nga akong paisipin... sino nga?"

Darrel: "Ok fin... ang start ng name nya ay may consonant at ang huli may vowel na letter A."

Ako: "ayh peste... papahulaan pa ako."

Darrel: "Para may exciting at thrill."

Ako: "fine... sherra."

Darrel: "Nope."

Ako: "Kira."

Darrel: "Nope."

Ako: "Mira, mara."

Darrel: "Nope, nope."

Na-iinis na ako....

Ako: "another clue!"

Darrel: "Hmp! Isa lang ang vowels sa pangalan nya."

Isang vowel sa name nya, eh ang dulo is letter A. So ibig sabihin nun A lang yun.

Ako; "aaahhh! Gets ko na... si Sara!"

Darrel: "Hindi!" - sabay dabog... para syang bata.

Ako: "Eh sino nga?!"

Darrel: "Ok fine... sya yung babeng kahit sobrang lapit na sa akin pero kahit kalian hinding-hindi ko makakamtan."

Ako: "Hah? Meron ba nun?"

Darrel: "Sasabihin ko ba kung wala."

Ako: "Another clue!"

Darrel: "Urrgh! Sya ang pinaka-bobong babae na nakilala ko, dahil ni minsan di nya ma-gets na gusto ko sya."

Ako: "ALAM KO NA!!..... dapat kanina mo pa sinabi. Si Tara lang naman pala, yung pinaka-bobo sa school?"

He roll his eye... haha, mukha syang bakla.

Darrel: "Paano namang naging si Tara?"

Ako: "Sabi mo bobong babae, kaya sya ang na-isip ko."

Darrel: "ang ibig kong sabihin bobo sa mga baga-bagay, hindi sa academics.'

Ako: "Another clue..."

Darrel: "Hindi na, andami ko ng clue hindi mo pa din mahulaan.... Ang bobo mo."

Ako: "Aba't, di ko lang mahulaan kung sinong gusto mo bobo na agad?"

Magsasalita pa sana sya ng bigla na lang may nagsalita.

"Ikaw... ikaw ang mahal nya."

Darrel: "MAH!!"

Bigla akong napatulala sa narinig ko...

AKO?!

o

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon