65th post

43 1 0
                                    

Three days ang academic festival namin kaya wala kaming ginawa kundi maglagalag sa buong campus.

Umaga sa student council si Darrel at paghapon ko na lang sya nakakasama pero ok lang, at least may oras na sya para sa akin.

Hinahatid sundo nya ako araw-araw kaya hindi na ako hinahatid-sundo ni manong driver.

Si dad naman tuwang-tuwa kasi daw sa wakas nagkabati na kami, pinagalitan pa ako. Masyado daw akong brat at isip bata, muntik na daw tuloy akong hiwalayan ni Darrel buti daw at mahal nya ako. Psh! Para namang alam nya ang buong storya.

Last day of Academic Festival.

Hapon na pero di ko pa rin nakikita si Darrel... ni-hindi sya nagte-text o call.

Kaninang umaga ko lang syang huling nakita nung sinundo nya ako sa bahay.

mmmm..

Waahhh, Sam wag ka na namang mag-isip ng kung ano-ano. Baka talaga lang busy, mamaya-maya magte-text or magpapakita na yun.

6:05 pm na pero wala pa rin...

Umuwi na lang kaya ako?

Ite-text ko na lang sya na uuwi na ako, magpapasundo lang ako kay Manong Driver. Maiintindihan nya naman yun eh.

Kinuha ko na ang phone ko habang papalakad papalabas ng school gate.

Ako: "Darrel, una na lang ako uuwi... magpapasundo lang ako kay Manong driver. Bored na kasi ako wala akong kasama. Text ka na lang kung di kana busy ah. Love you."

Send...

Ite-text ko pa pala si Manong Driver..

Ako: "Manong... paki-sundo po ako sa school, ASAP. Wait po kita sa parking lot."

Send..

Lumabas na akong school gate at pumunta na sa usual parking space ng kotse ko. Sa labas kasi ng school ang parking lot pero sakop pa rin ito ng school properties.

Habang naghihintay ako kay manong driver ay inililibot ko ang paningin ko sa paligid. Sumisilip din ako sa loob ng school baka makita ko syang umaaligid pero wala.

Sinisilip ko din ang phone ko kung nag-reply na ba siya pero wala...

Pati si Manong driver.

Anong nangyayare sa mga tao ngayon?

Di na nagre-reply.

Habang busy ako sa pag-aabang may bigla tumakip sa buong mukha ko ng... sako ata. Hindi ko na alam kasi ang dilim. Mula sa likod ko...

May humawak ng kamay ko at tinalian.

Pumapalag ako pero ang lakas nya... parang lalaki ata.

Ako: "Hoy! Ano bang kailangan nyo sa akin?!! ANO BA?!!" – sigaw ko pa.

Hindi lang pala isa kundi dalawa.

Bigla kasi akong kinarga na parang sako...

Ako: "Tulong!! TULONG!! Darrel!!'

Isa sa katawan ko, isa sa paa.

Palag pa ring ako ng palag, sigaw lang ako ng sigaw pero no use.

Gosh ano 'to? Kidnapping?!!

Waaahhh!!! Ano na naman bang ginawa ko?!!

Darrel sa'n ka na ba?!!

Niiyak na ako...

>>to be continue<<

-------------------------

Hep! Alam ko na ang iko-comment ng iilang sa inyo...

"Bitin." Or "Next"

Ahahaha! :-D

dth�XR\�-�


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon