6th post

57 1 0
                                    

Shai: 'Wahahahaha! Talaga Sam? Hinalikan ka nya?!"

Daniel: "Wooooohhh! Nabinyagan na rin ng lalaki ang labi ni Samantha Wooohh!!"

Brian: "Hoy guys, nakita nyo na ngang stress na si Sam oh."

Daniel: "Brian, wag ka ngang KJ!"

Ako: "It's all your fault Daniel."

Daniel: "Oh, ba't ako?!"

Ako: "Sinabi mo kasi sa kanya na gawin ang lahat ng gusto ni papa para lang di ito maghinala."

Daniel: " Totoo naman ah. Effective naman."

Ako: "Kahit na... nakakadiri pa rin!!"

Shai: "Nakakadiri o nakakakilig?"

Daniel: "Nice on babe."

Ako: "Isa ka pa Shai!"

Daniel: "Oh, chill ka lang... ano, naghinala naman ba ang papa mo?"

Ako: "Fortunately... wala naman. "

Daniel; "Yun naman pala eh."

Brian: "Mali pa rin na yun ang sinabi mo Dan... paano kung inutos ng papa ni Sam na gumawa na sila ng bata ngayong gabi. Gagawin din nila?"

Daniel: "Oo..."

Shai: "Ako ninang ah."

Ako: "Puro kayo kabaliwan... match made in hell talaga kayo."

Tumawa naman ang dalawa, yung padimonyong tawa.

Ako: "Sige na... matutulog na ako."

Daniel: "Good night Sam."

Shai: "Good night.. ingat baka mapanaginipan mo si Darrel."

Ako: "Ewan ko sa inyo."

Magsasalita pa sana si Brian pero naglog-out na ako at in-off ang laptop ko at humiga sa kama ko.

Makalipas lang ang ilang minuto ay nakatulog na ako.

-

-

-

-

-

-

-

"Ikaw lalaki... tinatanggap mo ba si babae bilang iyong asawa at magiging kasama sa hirap at ginhawa?"

Wait nasaan ako?!

"Opo father."

Hah?

"Ikaw babae, tinatanggap mo ba si lalaki upang iyong makakasama sa hirap at ginhawa?"

Of course not!! The hell...

"I do."

What? Wait bakit ko iyon nasabi... wait lang!! Wait lang!!

"You may now kiss the bride."

Humarap na kami sa isa't isa...

What the heck!!

Isang lalaking puti ang buhok, kulubot na ang balat, dalwa na lang ang ngipin na natitira at uugod-ugod na.

No way... NO WAAAAAYYYYYY!!!

Ako: "WAAAAYYYY!!"

Pagmulat ko ng mga mata ko ay panaginip lang pala.

Hingal na hingal ako habang naka-upo sa kama ko.

Panaginip lang... panaginip lang... Shit!

Inihilamos ko ang kamay ko at huminga ng malalim.

Pagtingin ko sa relo ko ay 6:51 na. Wala na akong balak na bumalik sa pagkakahiga dahil baka magatulog na naman ako at mapanaginipan na naman yun.

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na papuntang sala at...

Ako: "Anong ginagawa mo dito?!"

�����

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon