68th post

52 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw...

Naging ok naman ang relasyon namin ni Darrel, may kaunting bangayan at tampuhan pero hini nman ganun ka laki na napunta sa hiwalayan.

Pumunta naman sila Daniel at Shai sa Japan dahil sa yumao ang lola ni Shai. Ang lola kasing yun ni Shai ay sobrang malapit sa kanya kaya kahit na may pasok ay umuwi pa rin sila sa kanila at sumama naman si Daniel para may karamay si Shai.

Kaya nga... ako na lang ang mag-isa kapag wala si Darrel, kapag may klase sya o may meeting ang student buddies.

Habang naglalakad ako mag-isa ay biglang nagtext si Darrel.

Darrel: "Sam, punta ka sa room A... kita tayo duon."

Napangiti namna ako.

Hindi kaya may surprise na naman sya sa akin?

Nag-reply naman ako.

Ako: "Ok."

Pagktapos ay pumunta naman ako sa sinabi nyang room.

Ngiting-ngiti akong papunta sa room na yun. Nang makapunta na ako ay napahinto ako sa pinto pa lang ng room ng makita ko si Ellysa at mga ibang estudyante.

Naka-cross arm si Ellysa habang nakatingin sa akin na nakataas ang kilay.

Nawala ang mga ngiti ko at parang kumulo bigla ang dugo ko.

Ako: "Ano na naman ito? Asan si Darrel?"

Ellysa: "Ba't mo sya hinahanap?"

Ako: "Bobo ka ba? Syempre..boyfriend ko sya kaya natural na hahanapin ko sya."

Ellysa: "Sure? Hindi ba't pagpapanggap lang ginagawa ninyo?"

Bigla namang na-shock ang mga ibang estudyante. At talagang kumuha ka pa ng mga audience mo para lang ipahiya ako... tignan natin kung sino ang mapapahiya.

Elly: "Hindi ba't sinabi mo sa akin na nagpapanggap lang kayo kasi nga para hindi ka ipakasal ng papa mo sa ibang lalaki kasi nga ako lang ang mahal mo?"

Ako: "Oo, ganun nga iyon... nagpanggap kami ni Darrel na magkasintahan kami, palabas lang ang lahat ng iyon para lang hindi ako ipakasal ng papa ko.... Pero iba na ngayon, totohanan na ang lahat. Mahal na nya ako at mahal ko na sya kaya wala ng pagpapanggap na nagaganap. At wag kang feeling, isang maling pagkakamali na nagustuhan kita."

Bigla namang napa-smirk at nakatawa ng mahina ang nasa paligid namin kaya parang na-inis si Ellysa.

Bati nga sa'yo.

Dali-dali syang lumapit sa akin at aasahan ko na na sasampalin nya ako kaya ni-ready ko na ang kamay ko na pipigil sa kamay nya.

Pero impis na sa mukha ko dadampi ang kamay nya ay bigla nya akong kinuwelyohan at..

Hinalikan?

What the.... Teka, ano 'to?

Nakapikit sya pero ako tulala pa rin.... Nakadikit lang ang mga labin namin at walang gumagalaw.

Sobrang akong nabigla na halos hindi ako makagalaw.

Mga ilang sandali lang ay bigla nya na lang akong tinulak.

Ellysa: "Ano ba Samantha?!! Hindi ba't kayo na ni Darrel? Hindi ba't boyfriend mo sya?! Ba't mo pa rin ako ginugulo?!"

Hah? Naguguluhan na talaga ako.... Ano bang nangyayare sa babaeng ito?

Nagbabaliw-baliwan o baliw na talga?

Bigla naman akong nanlamig ng biglang...

Darrel: "Sam?"

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon