59th post

55 1 0
                                    

Kinabukasan...

Tanghali na at nagre-ready na kami for tonight kasi may band group na kakanta dito kaya kailangang maglinis at mag-ayos.

Lima kaming naglilinis sa bar at dalawa sa kusina.

Nag-aayos ako ng mga bote ng alak for display ng bigla akong mapulingan dahil sa alikabok na galing sa nagwawalis sa kisami na si Jake, isa sa mga trabahante dito.

Ako: "Aray!"

Napansin nama agad ako ni Wesley kaya dali-dali syang lumapit sa akin.

Wesley: "anong problema?"

Ako: "Ahh wala, napulingan lang." Sabay kusot sa mata ko.

Iniharap nya naman ako sa kanya.

Wesley: "Sira ulo ka, tigilan mo yang pagkusot sa mata mo baka magka-inffection yan."

Sabay tanggal sa kamay ko at biglang ngumuso.

Alam ko naman ang gagawin nya, bubugahan nya ng hangin gaya ng ginagawa nya dati pa nuong mga bata pa kami.

WHUUH!

Wesley: "ano, ok na?"

Ako: "Makati pa rin."

Ngumuso ulit sya at binugahan ulit.

Nagulat na lang ako ng may biglang kamao ang tumama sa pisngi ni Wesley na syang ikinatumba nya. Nilingon ko naman kung sino ang gumawa nun ay nagulat ako sa nakikita kong lalaking hingal na hingal at galit- na galit na nakatingin kay Wesley na nasa sahig at may sugat ang labi.

Ako: "Darrel?"

Darrel: "Ikaw tarantado ka!!"

Lalapitan na sana ni Darrel si Wesley pero pinigilan sya ng dalawa pa naming kasamang lalaki.

Tumayo naman si Wesley.

Wesley: "Ikaw ang tarandatado..." – aakma na sanang susuntukin ni Wesley si Darrel pero humarang ako sa harapan nya kaya muntik ng ako ang masuntok nya, buti na lang at napigilan nya.

Wesley: "Sam?"

Ako: "Please wes, tama na... kilala ko ang taong ito. Hayaan mo na muna kaming mag-usap."

Wesley: "FINE!!'

Humarap ako kay Darrel na masama ang tingin.

Ako: "Mag-usap tayo sa labas.... "

Na-una akong lumabas at alam kong nakasunod din sya sa akin.

Nang nasa labas na kami ay humarap ako sa kanya bigla na syang kinahinto nya sa paglalakad.

Ako: "Ano bang problema mo?! Bigla-bigla ka na lang susulpot at mananapak!!"

Darrel: "Ikaw ang dapat na pagsabihan ko nyan...!! Halos mabaliw ako sa kakahanap sa'yo! Halos hindi ko na nagagawa ang mga trabaho ko dahil sa kaka-isip kung saan ka na lupalop napunta!! And here you are, nakikipaglandian sa kung sino-sinong lalaki."

Pagkarinig ko nuon ay bigla na lang bumagting ang tenga ko at bigla ko syang sinampal.

Ako: "Ganun na ba kababaw ang tingin mo sa akin?! "

Darrel: "Hindi.. sana... pero yung nakita ko bago lang? Shit naman Sam!! Ba't ka nakikipaghalikan sa ibang lalaki sa loob ng bar na puro lalaki pa ang kasama mo!!"

Ako: "HINDI AKO NAKIKIPAGHALIKAN!! NAPULINGAN AKO KAYA BINUGAHAN NYA LANG NG HANGIN ANG MATA KO!! AND FOR YOUR INFORMATION, HINDI KUNG SINO-SINO YUN DAHIL PINSAN KO YUN YOU STUPID FREAK!!!"

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

Ako: "Kaya nga ako lumayo, kaya nga kita muna binigyan ng space... kasi ayokong maging sagabal sa'yo! Hindi ko inutos sa'yo na hanapin mo ako, isipin at kung ano-ano pa! Ikaw mismo ang kusang gumawa nyan kaya wag mong isisisi sa akin kung ano man ang ginawa mo nung mga araw na wala ako!!"

Darrel: "Walanghiya naman Sam!! Over night lang yun!! Ok fine sige sorry kung nakapagsinungaling ako sa'yo... pero sana wag mo ng palakihin ang problema... pagod ako... sobra!"

Ako: "Hindi mo ako mahal..."

Darrel: "What?!!"

Ako: "Hindi mo ako mahal..."

Tuloy-tuloy pa rin ang pag tulo ng mga luha ko.

Darrel: "Samantha mahal kita... mahal na mahal kaya nga ako andito, kaya nga ako nagususumamo sa'yo na ayusin na natin 'to."

Ako: "oo overnight lang yun para sayo... at oo selos na selos ako!"

Darrel: "Selos?! A-anong pagseselosan mo sa mga student buddies... trabaho ang pinunta namin duon!"

Ako: "Oo para sa'yo trabaho pero sa iba hindi!! Karamihan sa mga babae duon may gusto sa'yo at lahat gagawin para lang maakit ka at alam ko na lalaki ka din na natutukso!!"

Darrel: "Ganun na ba liit ang tingin mo sa akin... Hah. Na medaling matukso?"

Ako: "Nasaabi mo lang yan dahil wala pa pero aatras din yang dila mo kapag nasa harap mo na! Sana naman na-isip mo na may girlfriend ka na nag-aabang... umaasa na hindi sya lolokohin ng boyfriend nya na sana iniintindi sya nito kapag nagse-selos sya....

At kaya lang naman ako nagseselos kasi..... kasi mahal kita eh.... Mahal na mahal."

Nalunok sya habang nakatingin sa akin.

Darrel: "Sam... I-I'm sorry...h-hindi ko..."

Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita at naglakad na ako papasok sa bar pero hinabol nya pa rin ako.

Darrel: "Sam... samantha... please... please pakinggan mo naman ako... please!"

Pero hindi pa rin ako tumigil sa paglalakad at pumasok na.

Alam kong hindi nya sya pinapasok ng guard pero dinig ko pa rin ang boses nya na tumatawag sa akin.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko silang lahat ng nagta-trabaho sa loob na nakatingin sa akin at pati ang pinsan kong may hawak na ice bag na nakadikit sa para nito.

Lumapit naman sya sa akin.

Pinunasan ko naman agad ang mga luha ko.

Wesley: "Ok ka lang?"

Ako: "Oo nman... ikaw?"

Wesley: "Don't mind me... ikaw ang ini-isip ko."

Ako: "Ok lang talaga ako.. aahhh, pupunta na muna ako sa kwarto ko."

Wesley: "Ok." Sabay nod.

Ako: "Wes.. sya nga pala... aalis na ako mamaya. Salamat sa pagpapatuloy sa akin."

Wesley : "Pwede ka pa namang tumuloy dito eh."

Ako: "Hindi na... siguradong mangungulit at magsusubong iyon kay dad.. madadamay ka pa."

Wesley: "Wala iyon sa akin...."

Ako: "Hindi... salamat sa pagpapatuloy sa akin. Magpapahinga lang ako saglit at aalis na din."

Wesley: "If that's your decision... ipahahatid lang kita sa driver ko."

Ako: "Thanks." Sabay ngiti sa kanya at naglakad na ako papuntang kwarto ko.

>>to be continue<<

------------------------

Pati po sa akin hindi na din po nagno-notif yung mga comments... siguro po:

A.) Sobrang dami ng comments?

B.) Dahil sa tagal na nito... 1 month na eh.

C.) None.

Pero, tuloy-tuloy pa rin po ang UD nito.. busy lang kasi AcadFest sa school kaya busy peg ko. :-)



Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon