66th post

40 0 0
                                    

Shomay... sa'n nila ako dadalhin?!

Naaaninag ko pa ang mga ilaw na nadadaanan namin pero bakit wala man lang taong tumutulong sa akin. Wala bang nakakakita sa akin?... Sa amin?

Darrel... naiiyak na ako.

Mamaya-maya'y parang pumasok kami sa isang kwarto at naaninag ko ang isang kulay orange na ilaw.

Wait...

Kandila ba yun?!

Oh my gosh!!

Di kaya kulto ito?!

Shomay! Shemay! Susme!!

Ako: "utan na loob naman oh ibaba nyo na ako... kung kulto man kayo na mag-aalay ng babae pwes nagkakamali kayo kasi di ako babae tomboy ako at isa pa gusto ko pang mabuhay... gusto ko pang magka-anak kay Darrel... please!" – pagmamaka-awa ko.

Author: "Tomboy tapos gustong magka-anak? Ano yun?"

Ako: "Please... huhu..."

Ito na siguro yung napapanood ko na kulto na ipaparape sa dimonyo ang mga virgin na babae o di kaya gigilitan sa leeg na parang manok at ipapa-inom sa bangkay para muling mabuhay! Waaahhhh!

The Mummy returns!!

Pina-upo naman ako sa isang upuan at iniwang nag-iisa.

Ako: "guys?... H-hello? Kung ano mang kulto kayo please wag kayong mandamay ng tao."

Lumingon-lingon ako...

Madilim at tanging mga kandila lang ang naaaninag ko.

Patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko sa takot na rin.

Nakarinig naman ako ng footsteps na papalapit sa akin.

Naaaninag ko sya sa harap ko... korteng tao pero baka nagpapanggap lang syang tao pero ang totoo pala ay aswang o youkai (demon).

Huh! Pagkakamali nila at hindi nila tinali ang paa ko.

Nang nasa harapan ko na sya at bigla ko syang sinipa sa harap nya.

Kate: "Hayah!"

"aray!!" – sabay napaluhod sya sa sakit.

Nag-aral ata ako ng karate.

"Pakshit ka naman Sam...ba't mo naman sinipa." – namimilipit sya sa sakit habang sinasabi iyon.

Heh?

O.O

Ako: "Darrel?"

Darrel: "Gusto mo ba akong mabaog... aray."

Oh gosh... anong ginawa ko?!

Tumayo ako at kinapa-kapa sya, nung makapa ko na sya ay umupo ako sa tabi nya at kinapa akong pisngi nya.

Hindi ko naman siguro pwede hawakan yung sinipa ko noh! Kayo talaga readers.

Ako: "Sorry Darrel... di ko sinasadya. Ang akala ko kasi ano eh..."

Darrel: "Huh! Ang sakit... para akong natuli ulit."

Ako: "Sorry... "

May nahawakan na naman akong mamasa-masa sa mukha nya.

Darrel: "Aray! May balak ka bang bulagin ako?!'

Halaka!! Mata nya na pala iyon!!

Ako: "Eh kasi naman eh! Wala akong makita! Kaw ba naman takpan nag sako ang mukha satingin mo may makikita ka? May makikita ka?!"

Tinanggal nya naman ang sako na nakatakip sa akin at bigla akong napapikit sa sinag ng mga kandila. Tinakpan ko ng mga kamay ko na nakatali pa rin ang mga mata ko.

Napansin nya siguro ang tali at hinawakan nya ang mga kamay ko at tinaggal ang tali.

Darrel: "Mahigpit ba ang pagkakatali nila sa'yo? Nasaktan ka ba?"

Unti-unti ko ng dinilat ang mga mata ko at nakita ko kaagad ang kagwapuhan ng lalaking ito.

Darrel: "Huy!"

Ako: "Ba't ba ang gwapo mo?" –tulala ko pang sabi sa kanya.

Bigla naman syang nainis sa sinabi ko at pinisil ang ilong ko.

Darrel: "Tinatanong kita ng maayos kaya sumagot ka rin ng maayos."

I pout...

Ako: "Nagtatanong lang eh... hindi naman masyado. "

Darrel: "buti naman..."

Napansin ko namang medyo ini-ipit pa nya yung sinipa ko kani-kanina lang ng both legs nya.

Ako:"*smirk*"

Darrel: "Wag mo akong pagtawanan... kasalanan mo 'to."

Ako: "Sorry na nga eh... di ko sinasadya. Oh kiss na lang kita."

Bigla ko naman syang hinatak papalapit sa akin at hinalikan sya labi. Mabilis lang naman.

Darrel: "Have you forgotten na nasa school property pa rin tayo?"

Ako: "and have you forgotten na bawal ang kandila sa school? May balak ka bang sunugin ang school building?"

Darrel: "naahh... nakakuha na ako ng permiso sa principal at isa pa, pambawi na lang daw ito sa lahat ng ginawa kong effort sa buong school... bonus kung baga."

Ako: "So... kakonchaba mo pala ang sila ah."

Darrel: "Syempre... tara tayo na tayo."

Ako: "Hindi na masakit?"

Darrel: "Di naman masyado, makakaya ko ng tumayo."

I smile at tumayo na kami.

Inilibot ko ang paningin ko at dyon ko ng napansin na ang dami ngang candles at sa tabi ng inupuan ko kanina ay may isang mesa na kulay pula na tela na nakabalot dito.

May candiles din at parang dining restaurant ang style ng mga plato at baso. May mga rose petals din at isang bouquet ng bulaklak.

Napalingon ako kay Darrel na ngiting-ngitng nakatingin din sa akin.

Hindi ako makapagsalita sa lahat ng nakikia ko.

Darrel: "Do you like it?" – alanganin nya pang tanong.

Ako: "no.. I don't. " – napasimangot naman sya. "I... I love it."

Bigla naman syang ngutmiti ulit.

May bigla namang tumugtog na violin, sobrang romantic ng tinutugtog nya.

Iginala ko ang paningin ko kung saan iyon nagmumula at pero hindi ko makita, gawa na rin ng kadiliman ng kwarto.

Hinawakan nya naman ang magkabila kong pisngi at ipinaharap sa kanya.

Darrel: "Wag mo ng hanapin yun... magfocus ka lang sa akin. Sige ka, magseselos ako."

I smile.

Ako: "Ok."

Yung hawak nya sa pisngi ko ay napunta sa batok ko at dahan-dahan nyang inilapit ang mukha nya sa akin.

Nang sorang lapit na ay pumikit na sya at ganun din ako.

We almost touch our lips ng bigla na lang...

*BLAG!!*

>>to be continue<<

-------------------------

Bibitinin ko na muna kayo... as always.

Sana po hindi kayo magsawa sa kakahintay ng UD. Hehe!


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon